Chapter 22 Roses are Red

631 45 24
                                    

Tonie's POV


Bumangon nako sa kama ko. Napatingin ako sa orasan maaga pa pala pumunta nako sa CR at naligo. Pag kalabas ko nag bihis nako saka bumaba sa kitchen. Naabutan ko si Mama na humuhigop ng kape.


"Himala Bella ang aga mo ata nagising" anito habang nakatingin sa listahan nanaman niya. Phs.

"Morning Ma. Inagahan ko na para makapag almusal ako ng maayos mamaya madaliin niyo nanaman ako eh hehe" Nakakaloko kung sabi. Pero ang totoo niyan hindi ako masyadong nakatulog. Napatingin nanaman ako sa bulaklak tss. Hindi talaga nagparamdam yang kaikai na yan maghapon kahapon! Nakakainis.

"Magdahan dahan ka naman baka mabasak yang pinggan!" Napalakas ang pag tusok ko ng tinidor sa pancake ko. Kasi naman naiinis ako eh! Pag ako nabwiset hindi ko talaga sasagutin yang kapreng yan!


Mag isang buwan na din akong nililigawan ni Kai. Actually hindi ko alam kung ligaw ba ang tawag don. Madalas niya ko hinahatid dito sa bahay pag uwian. Sinasabayan sa lunch at madalas din niyang pinapainit ang ulo ko. Inaamin ko kinikilig ako sa kanya hehe sino ba naman hindi kikiligin! Ang gwapo kaya niya! Kyaaahhh! Sa kanya ko lang din naramdaman yung pagbabago ng sistema ko. Geezz.. Dumami nga lang lalo ang haters ko sa University. Yung iba kasi naiinggit tss ano daw ba ang meron ako bat ako pa ang nagustuhan ni Kai! Malamang yung bangs ko? Tss.


"Ma pasok na po ako." Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na. Dumiretso na ako palabas ng pinto. Nakalabas na ako ng gate ng may humintong sasakyan sa tapat ko. Kinabahan nanaman ako tss. Bumaba yung salamin ng sasakyan.


"Hi Miss. Can i see the tag of your shirt?" biglang tanong ni Kai. Napamaang ako sa sinabi niya.

"B-bakit?" utal kong tanong.

"I just wanna know if your made for me." nakangiting sabi niya. Ang hayop!!! Napahawak ako sa pisnge ko feeling ko sing pula nanaman ng kamatis yung pisnge ko! Kyyyaaaahhh!! Ang aga aga nagpapalpitate nanaman ko. yaaa

"Hahaha. Your blushing" he flashes his killer smile. Gaaaaahhh

"S-sira ulo!" pagtataray ko sa kanya. Lumabas siya ng sasakyan niya.

"Aray ko! Ang hilig mo talagang mang hampas" Napahawak ito sa braso niya. Nahampas ko nanaman kasi siya pinapakilig nanaman kasi niya ako yaaahhh!

"Sira ulo ka kasi ang dami mong alam. May pa can i see can i see ka pa jan! Hahaha" Di ko napigilan yung tawa ko.

"Yieee.. Kinilig ka naman!" Pang aasar nito.

"Tse!. Bat ka andito?" mataray kong tanong.

"Sinusundo ka" he smile. Tss.

"Bat mo ko sinusundo?! Pag katapos mong hindi magparamdam kahapon! Tapos malalaman ko nagpunta ka pala dito sa bahay! Tapos.. Tapos.. Binigyan mo pa ng bulaklak si mama!" Napatalikod ako at napatakip sa bibig ko. Luhh bat ko nasabi yon! Nakakahiya! Napaharap ako sa kanya ng marinig ko siyang tumawa.

"Anong tinatawa tawa mo!" singhal ko sa kanya.

"Hahaha! Miss moko no? yieee" pang aasar niya

"Hindi kita miss chaka nito! Jan ka na nga!" Akma akong aalis pero pinigilan niya ako.

"Halika na ihahatid na kita." nakangiti niyang sabi. Tinignan ko nalang siya ng masama haist sasakay nalang ako wala naman din akong magagawa kukulitin niya lang ako baka malate lang ako.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon