Tonie's POV
"Kringgggggggggg!!!!!!" napabalikwas ako ng bangon sa tunog ng alarm clock sa table malapit sa kama ko. 7AM palang inaantok pako sabi ko sa sarili ko at nahiga ulit. Nagaalarm lang kasi ako ng maaga para magising diwa ko tapos pagnaidlip ako ulit madali nakong magigising hehe teknik eh ^^,V 9AM pa din kasi ang pasok ko talaga kaya pede pakong umidlip sanda--- Ay grabe!!
"Bela!!!!! Gumising ka na dyan!!" ay naku -_- yan nanaman ang personal alarm clock ko ang bunganga ni mama. Dumapa lang ako sa kama at inilagay ang unan sa ulo ko. Ang aga aga pa gusto ko pang matulo-- "aray! anubayan ma!" inis kong sabi at napaupo sa kama. Si mama pinalo ako ng unan sa likod grabe to di ko ba nailock ang pinto ko? Tss!
"ano ka ba gumising ka na dyan baka malate ka sa school, anong oras na kakain ka pa marami ka pa namang seremonyas bago makaalis naku!" tuloy tuloy na sabi nito habang nililigpit ang higaan ko.
"Ma naman ang aga aga pa po, inaan-- Aray! naman!" nagising ang diwa ko dahil sa paghila ni mama sa bangs ko omg!!
"umayos ka na! bumaba ka na at nakahanda na ang pagkain mo naku ikaw talaga! bilisan mo labas!" sermon nito habang tinutulak ako palabas ng pinto! Grabe ka inaaayyyy -_-
"eto na po bababa na wag nyo na ko itulak ma baka malaglag ako sa hagdan" inis na sabi ko at nagtungo na nga ako sa CR maliligo muna ako bago kumain hay grabe!!
_________
Northon University
Malayo pa lang ako sa room namin tanaw ko na agad ang party clowns ng University. Hehe ang hard anu po? Nakabalandra nanaman kasi ang pagmumukha ng mga sosyalera kong school mates. Mga sosyalera sabagay mayayaman naman sila. Halos lahat ng nagaaral dito sa Northon University mayayaman naman talaga. Maliban sakin, hindi naman kasi kami mayaman pero di rin naman kami naghihirap. Yung sapat lang ewan ko ba kila mama at papa bakit dito pa ko pinagaral eh. Okay lang naman sakin kahit sa public school lang.
Naglalakad ako sa campus ng may tumawag sakin. "Tonie!" hinihingal na tawag ni Mickey ang BFF ko dito sa University. Napakapit siya sa balikat ko habang hinihingal pa. kulang nalang ilabas niya ang dila niya muka na siyang aso hahahha!
"Oh Micks anong nangyari bat tumatakbo ka?" takang tanong ko.
"Wala naman, nagugutom na kasi ako tara samahan moko kain tau sa canteen libre ko!" Nakangiting aya niya sakin.
"Talaga? tara! libre mo pala eh" syempre pumayag agad ako minsan lang magaya tong tukmol na to grab the opportunity tutal medyo maaga pa naman para sa first subject hehehe.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?