Chapter 7 Smile

743 41 13
                                    



Tonie's POV

3 days after that incident. Nakakapanibago tatlong araw lang akong di pumasok. Naglalakad ako ngayon sa campus. Back to normal na ang lahat yung tipong tahimik lang walang humaharang sakin. Although i see eyes staring at me. Iba eh i feel safe? wala na bang mga kalaban mga ganon? Hmm what ever mabuti naman kung ganun. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa thought na yun.

"Tonie!!" si Mickey humahangos papalapit sakin.

"Oh micks, anyare?" takang tanong ko. Hinihingal pa siya napahawak pa siya sa balikat ko.

"Buti pumasok ka na. kamusta okay ka na ba?" si micks

"Okay nako, tara cafeteria tayo" aya ko sa kanya. Dun naman talaga ang punta ko. Balak ko kasing tumambay sa rooftop bago umuwe. Wala nadin kasi akong klase ngayon.

__________

Sa Cafeteria:

"So, kelan pa kayo nagkakilala ni Liam? Hmm" Usisa ni Mickey habang sumusubo ng spaghetti. Andito na kami sa cafeteria. Malapit sa vendo ng softdrinks. Yung dating pwesto din namin ni Liam nung kumain kami dito. Bandang dulo kasi yun kaya medyo may privacy.

"H-ha? Bakit mo naman natanong yan ha?" gulat na tanong ko sa kanya. Di ko kasi expected yung topic. Si Liam. si Liam na walang malay hihihi

"Sagutin mo nalang pede? Hindi padin ako makamove-on eh si Liam? na pag di mo binati di ka din babatiin. Yung tipong tahimik lang. Isa sa mga hotties dito sa campus. Feeling ko sobrang close kayo eh. To think na pinuntahan ka pa niya sa clinic nung nahimatay ka." derederetsong daldal ni micky. Masyado talagang mausisa tong jokla na to ee. Para akong nasa hearing sa senado. Phs! Teka isa si Liam isa mga HOTTIES? well alam ko gwapo siya, misteryoso at uhmm ayun medyo hot nga. Pero wala naman akong pake at wala din akong kaalam alam na ganun pala ang status niya sa campus. Di kaya manganib nanaman ang buhay ko sa pagdikit sa kanya? Naku naku erase erase di naman siguro. Tsk

"Huy!" sigaw ni micky sakin habang pumitik pa sa muka ko. Natulala nanaman kasi ako. Dami kasing kwento ng isip ko tss -_-

"Ay! anu ba tsk. Di naman kami close ni Liam i mean we've known each other for a while, nagkakataon lang yun tas ayun di ko na din alam eh basta mabait siya sakin." napangiti ako bigla hihi naisip ko kasi yung nahimatay ako alam ko siya yung bumuhat sakin kahit di ko nakita.

"Hmm. So may pagngiti? Ganon? crass mo no?" nakangiting tanong ni Micky. Napahawak naman ako sa magkabilang pisngi ko parang bigla kasi akong nahiya sa tanong niya. Kinuha ko yung juice ko at ininom ko muna natuyo ata ang lalamunan ko dun aa.

"Crush? Agad agad naku hindi ah! grabe ka aa, pero uhmm cute siya di ba? gwapo mabait saka di siya bully." napasmirk ako sa huli kong sinabi. Naalala ko nanaman kasi yung mayabang. tss

"OMG!! i think crass mo si papa liam. Sa pagkakadescribe mo palang eh! halata ka na girl!" panunukso ni micks grabii feeling ko pulang pula na ang muka ko err -_-.

"Huy! Wag kang maingay! Di ko sinabing crush ko si Liam no. Saka nababaitan lang ako kasi tinulungan niya ko nung nahimatay ako. Di ba siya yung bumuhat sakin?" depensa ko bigla. Di pa naman ako sure talaga kung crass ko na si Liam.. Pero parang ganun na nga i think.. Crass ko na siya? ewan ko -_-.

Parang nabilaukan naman si Mickey sa sinabi ko. Kinuha niya ang juice niya , umiling iling at kinaway kaway pa ang kamay niya habang umiinom.

"Hay nako Tonie di ka maniniwala. Pero hi--" Hindi na naituloy ni Mickey ang sasabihin niya dahil biglang dumating si..

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon