Chapter 15 Walang iba

638 49 17
                                    

Tonie's POV

"Omg!Really? Ang haba talaga ng hair mo day!" Kilig na sabi ni Mickey. Naglalakad kami sa campus. Naikwento ko din yung pag punta nung dalawa sa bahay.

"Phs!.. Pero alam mo nagtataka lang ako sa dalawang yun eh. Parehas pa silang may pasa sa mukha!"

"Ganern? Baka nagsuntukan?" Napaisip ako sa sinabi ni Mickey.

"At bakit naman sila magsusuntukan na dalawa?" hindi ko kasi magets. Alam kong magkakilala sila pero hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan ng dalawang yon. Pansin ko kasi pag nagkikita or magkaharap sila parang may tension eh hmm.

"Baka dahil sayo teh? Omg!! pinagaagawan ka ng dalawang gwapong nilalang!" kilig na kilig si bakla. Sikaran ko kaya to tss

"Tumigil ka nga bakla! Maya may makarinig sayo kung anong isipin" saway ko sa kanya.

Tumahimik nalang siya at ngumuso tss chaka eh. Habang naglalakad kami napahinto kami ng harangin kami ng dalawang asungot. Yung dalawang kaibigan ni Kai.

"Hi Tonie!" Bati ng isa di ko kasi sila kilala eh. I mean yung name.

"Hi I'm Gino and this is Earl" Nakangiting pakilala ni Gino. At nakipag kamay sakin.

"Hi I'm Mickey!" singit naman nitong katabi ko tong baklang to talaga eh.

" Ah Tonie gusto sana kitang iinvite. Sa friday sa bar ko may guest band kasi kami hehe" si Gino

"Ha? B-bakit ako? I mean--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Earl.

"Sige na naman Tonie, hindi kasi kakanta yung guest vocalist pag hindi ka pumunta eh!" Pagmamakaawa nito. Hindi ko alam kung matatawa or maiinis ako sa mukha niya eh.

"G-ganun? bakit naman sino ba yang vocalist niyo? Wala naman akong kilalang vocalist ah" takang tanong ko.

"Ah.. eh.. secret muna kasi yun Tonie basta dapat pumunta ka kundi malulugi ang bar ko!" Napataas bigla ang kilay ko sa sinabi ni Gino.

"So kasalanan ko pa pag nalugi yang Bar mo ha?" Mataray kong turan

"Joke lang ikaw naman masyado kang HB hehehe ito ticket oh" sabi nito at inabot ang isang ticket sakin pero bigla naman hinablot ni Mickey.

"Bakit isa lang to?" si Mickey

"Bakit isa lang naman si Tonie ah!" Si Earl. Tumaas naman ang kilay ni bakla hahaha

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon