Tonie's POV
Mabilis lumipas ang mga araw 2 weeks na din kami ni Kai. Nakakatuwa. Hindi pa din ako makapaniwala na mamahalin niya ako, na magugustuhan niya yung taong dating kinaiinisan niya hehe. Napangiti ako nung maalala ko yung mga away namin dati. Napatingin ako langit mukha namang hindi uulan kasi mataas ang araw. Nandito nga pala ako sa park. Hinihintay ko siya. May pupuntahan daw kasi kami. Hindi niya ako nasundo sa bahay kasi may aasikasuhin pa daw siya.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Ang tagal ng hinayupak!. Naiinis na ako Arrrgggg!!
Tatayo na sana ako ng may umupo sa tabi ko. Naka checkered na polo, naka pulang sombrero at naka sun glass. Napataas ang isang kilay ko. Tsk bahala siya jan porket gwapo siya! Hmp! Tumayo ako umalis pero pinigilan niya ako.
"Teka sandali!" pigil niya sakin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay "Excuse me? Who you?" at naglakad ulit. Kunwari hindi ko siya kilala ang peg ko ngayon. Natatawa ako sa loob loob ko sa pinagsasabi ko. Hindi ko naman siya matitiis kaya lang gusto ko lang siyang asarin! Pinag antay niya ako ng matagal! Napamaang siya sa sinabi ko at tinanggal yung sun glasses niya.
"What? Hindi mo ko kilala?" habol niya sa akin.
Napalingon ako sa kanya. "I don't talk to strangers." mataray kong sabi at naglakad ulit. Napahinto ako ng humarang siya sa lalakaran ko. Nakapamewang siya at naka kunot ang noong nakatingin sakin. Hahahaha
"Ano?!" pagtataray ko.
"Hindi mo ba talaga ako kilala?" siya. Seryoso na yung itsura niya.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?