Chapter 20 Sorry na

624 55 48
                                    

Kai's POV



Hindi ako mapakali dito sa tambayan. Palakad lakad ako inutusan ko kasi yung dalawang ugok na papuntahin si Tonie sakin. Gusto ko siyang makausap. Haist! Kinuha ko yung phone ko tatawagan ko siya! Shet lang! Hindi ko pala alam yung number niya! Kaasar! Napaupo ako sa sofa at mapahilot sa ulo ko. Nasa ganong lagay ako ng biglang bumukas yung pinto.

Napatingin ako sa dalawa.

"Asan si Tonie?" tanong ko. Aish! Hindi nila kasama! Nagkatinginan sila bago nagsalita.

"Ah ano kasi kaikai ayaw niya sumama! Napakahirap paamuhin niyang babaeng yan! Parang tigre!" himutok ni Earl sabay higa sa sofa.

"Oo nga kaikai bakit daw kami yung nakikipag usap sa kanya kung ikaw yung may kailangan" si Gino. Napasabunot ako sa buhok ko.

"Ikaw nalang kasi dumiskarte kaikai ilabas mo yung pagiging lover boy mo! Hahaha! di ba Gino?" si Earl at umapir kay Gino.

"Oo nga naman tol! Suportahan ka nalang namin!" Tss. Napaisip ako bigla. Tama dapat ako yung gumawa ng paraan haist.



________

Kinabukasan

Tonie's POV


"Wow ma! Mukang madami kayong order ha" Napatingin ako kay mama na panay ang compute sa mahaba niyang listahan. Nagaalmusal ako habang busy si mama sa ginagawa niya.

"Yes Bella busy ang peg ko ngayon! May order saking 100pcs na cake!" Nakangiting sambit ni mudra.

"Ay! Taray naman! Mukang malaking party yan ha! sino nagorder sa inyo?" Tanong ko habang pahigop ng hotchoco.

"Si Kai! Napakabait talaga ng batang yan! Ako talaga ang kinontrata niya para sa birthday ng kapatid niya!" muntik ko ng maibuga yung iniinom ko! Si Kai? Yun ba yung business nila ni mama kaya siya nagpunta nung nakaraan? Aish!

"Parang hindi naman mabait" mahinang sabi ko.

"Anong sabi mo?! Nako ha ang sama talaga ng tabas ng dila mo madalas." Aish!si Mama talaga.

"Pag kayo ang nagkatuluyan hi---"

"Ano ba naman kayo ma, kung ano ano nanaman ang sinasabi niyo aish!" pinutol ko yung sasabihin niya dahil mukang hindi naman maganda yung lalabas sa bibig niya tsk.

"Asus! Pumasok ka na nga!" Si mama at niligpit na yung pinagkakainan ko.

"Ma! Hindi pa nga ako tapos kumain eh!" maktol ko si mama talaga eh!

"Malalate ka na alis na!" Aish! Ang aga aga pa naman. Kinuha ko na lang ang bag ko at umalis na.



_________


Sa university


Maaga pa pero nandito na agad ako papasok sa university. Haist! kasi naman eh. Naupo muna ako sa isang bench sa mini park. Dito muna ako tatambay kinuha ko yung libro ko at nagbasa basa muna may exam pa kami mamaya.


"Hi Tonie!" Masayang bati ni Yhanie.

"Hi!" nakangiting bati ko din sa kanya.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon