Sa Tambayan
Kai's POV
Pag pasok ko sa tambayan. Nakita ko yung dalawang ugok na busying busy sa laptop. Naglalaro nanaman ata sila ng LOA kaya hindi nila napansin yung pag pasok ko. Dumiretso nalang ako sa sofa at nilapag yung dala kong box ng pizza sa table.
"Anong guild ka ba?" rinig kong tanong ni Gino kay Earl.
"Dark kingdom. Lumipat ka na kasi! Ang arte mo din!" Si Earl seryoso yung mga ugok.
"Hindi ako pwedeng lumipat co-leader ako dun saka andun yung chiks ko hahahaha!" pagyayabang ni Gino. Hayop na yan iba din!
"Bahala ka puro ka pambababae kala mo naman kagwapuhan ka! Mas gwapo naman ako sayo!" ibang klase talaga napapailing nalang ako. Binuksan ko na yung pizza. Saka lang sila napatingin sakin.
"Oh? tinitingin tingin nyo? Maglaro lang kayo jan" ako sabay kuha ng pizza saka kinain ito. Sarap matagal na din akong hindi nakakain ng pizza buti may nag bigay hahahaha! Lumapit naman yung dalawa sakin.
"Waw! Iba talaga pag pumapagibig napapa pizza!" si Gino sabay kuha ng isang slice.
"Oo nga ikaw kaya Gino kelan ka mag papapizza o kaya mag pa buffet ka naman! Panay ang pagibig mo diba!Hahahaha!" sira ulo talaga tong si Earl hahaha!
"Kumain nalang kayo. Bigay lang yan nung kaibigan nila Tonie. Yhanie ata name non pinapabigay kay Earl nakasalubong ko kasi siya kanina" napahinto naman sa pagsubo si Earl. Napatingin si Gino sakin tas tumingin kay Earl ng nakakaloko. Hahahaha
"Anak ng! Para kay Earl pala to?! Hanep ka din tol pumapag ibig ka na din? hahahahaha" pangaasar ni Gino kay Earl. Natawa nalang din ako. Nilapag ni Earl yung pizza hindi na niya tinuloy yung pag kain nito.
"Oh bakit? Ayaw mo ba?" takang tanong ko.
"Yang Yhanie na yan sinusubukan talaga ang pag ka lalaki ko eh!" asar na sabi ni Earl. Napakunot naman ang noo ko.
"Hahaha! Bakit tol? Magkakilala pala kayo? Mukang may di ka naikukwento ha! Hahahahah!" Si Gino na panay ang tawa!
"Tss. Oo kilala ko yan anak yan ng dentista ko! Panay ang pacute sakin niyan masyadong obvious na patay na patay sa kagwapuhan ko! Halos siya na ang manligaw sakin eh!" himutok nito.
"Hahahahaha! Ayaw mo pa non tol? Babae na yung lumalapit sayo!" si Gino
"Oo nga naman Earl. Nababakla ka na ba? Ayaw mo na sa chicks? hahahaha" sigunda ko
"Anong nababakla! Paghahalikan ko kayo eh!" Napahagalpak nalang kami ng tawa!
"Kadiri ka!" sigaw ni Gino.
"Tsk. Ang punto ko mga Tol. Ako ang lalaki! Ako dapat ang manliligaw! Sayang naman ang kagwapuhan ko kung hindi ko magagamit yung mga the moves kong malulupit!" Seryoso talaga siya. Nagkatinginan kami ni Gino saka humagalpak nanaman ng tawa! HAHAHAHAHA. Lakas talaga ng fighting spirit nito!
"Seryoso tol kwento mo nga samin panu kayo nag kakilala ni yhanie." nakangiting sabi ko.
"Tss. Ganito kasi yon" at nag simula na siyang magkwento.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?