Chapter 16 I Like You

623 49 25
                                    

Kai's POV

Nakatitig ako sa kanya habang kumakanta. Nakakatuwa yung mga reaksyon nya siguro iniisip niya na saktong sakto talaga samin tong kanta. Damang dama ko bawat lyrics nito pakiramdam ko siya lang ang tao dito dahil sa kanya lang nakatutok yung atensyon ko. Napapangiti tuloy ako sa gitna ng pag kanta ko. Lalo na nung.. kinagat niya yung labi niya! Aish bat ang cute niya pag ginagawa niya yun parang inaakit niya ko tss.

Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba

Sana maramdaman niya yung gusto kong ipahiwatig sa kanta ko. Na siya lang walang iba. Aish! Ang korny ko.

Wag ka ng mawawala
Hmm, walang iba

Natapos na yung kanta. Sigawan yung mga tao halos mabingi ako. Napatingin ako sa table nila wala siya! Asan siya? Bumaba agad ako ng stage pero hinarang ako ng mga babae na nagsisisigaw at nagpapapicture sakin tss. Pinagbigyan ko na pero pilit ko pa din nililingon yung table nila Tonie! Asan ba siya!

Pumunta agad ako sa table nila ng matapos non.

"Asan si Tonie?" tanong ko kay Mickey.

"Hi Kai! Grabe ang galing mong kumanta!" pumapalakpak pa siya! Di manlang sinagot yung tanong ko! Kaasar! Tinitigan ko naman siya ng masama mukang nagets naman niya.

"Ah eh si Tonie nag cr lang hehe pabalik na yon" umupo nalang ako at hinintay ko siya. Patingin tingin ako sa orasan ng phone ko. Di ako mapakali. Bat ang tagal! Traffic ba sa CR!. Tumayo ako susundan ko siya.

"CR lang ako." Paalam ko kay Mickey at umalis na don. Naglalakad nako papunta ng CR ng makasalubong ko si Tonie!. Para akong naistatwa ng magkatinginan kami.


"T-tonie" sambit ko.

"K-kai!" ilang segundo din kaming nagkatinginan bago siya nagsalita.

"Mag cCR ka?" tanong niya.

"Ha? Oo ay hindi pala! susundan sana kita sa CR" nanlaki ang mata niya. Napagtanto ko kung ano yung sinabi ko!

"a- I mean. Sa labas ng CR! Hihintayin kita hehehe" Aish! anu ba tong nangyayari sakin. Bigla siyang natawa.

"Hahaha! Para kang timang lika na punta na tayo sa table baka walang kasama si Mickey don" Napakamot nalang ako sa batok ko at sumunod sa kanya maglakad.


________

Tonie's POV


Biglang lumakas yung tibok ng puso ko ng magkasalubong kami ni Kai! Omg para kong nahihiya na ewan.

"T-tonie" sambit niya.

"K-kai!" Para akong na paralyzed sa mga tingin niya.

"Mag cCR ka?" bigla kong natanong. Kasi papunta siya dun sa way papuntang CR eh.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon