Chapter 35 The kiss

665 48 42
                                    

Tonie's POV




Nagising ako sa lamig ng hanging tumatama sa mukha ko galing sa bukas na pinto ng balcony nitong kwarto. May rest house dito sila Kaikai. Maayos ang lahat talagang planado niya itong maigi. Napatingin ako sa tabi ko wala si Kaikai. Hinawakan ko yung unan kung san siya nahiga. Naalala ko nanaman kagabi hihihi.






Flashback

Pagdating namin sa bahay sinalubong kami ng katiwala nila. Kumain lang kami at nagpahinga na din mag gagabi na din kasi at pagod kami parehas sa byahe lalo na si Kaikai dahil siya ang nag dadrive. Isang kwarto nalang din yung inukupa namin.

Naunang nakatulog si Kaikai sakin dahil pagod saka malamig. Naka aircon pa siya kahit sobrang nilalamig na siya tsk. Makapal naman yung comforter kaya okay lang pero malamig pa din talaga.. Brrr.. Pinagmasdan ko muna siya "Good night Kaikai ko." mahinang sambit ko. Tulog na tulog siya pagod na pagod ang kaikai ko kawawa naman. Hayyy.. Tumalikod nako sa kanya para makatulog ako ng maayos baka kasi hindi ako makatulog pag nakaharap ako sa kanya. Dahil parang gusto ko nalang siyang titigan magdamag. Napangiti ako at pumikit na ng maramdaman kong lumapit si Kaikai sakin at yinakap ako. Sobrang nakadikit yung katawan niya sa likod ko. Ramdam ko yung mainit niyang hininga sa batok ko. Ugh. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko feeling ko nagiinit yung pisnge ko. Nakakakiliti yaaahhhhh!! Nagulat ako ng idantay niya yung paa niya sakin sobrang humigpit yung pagkakayakap niya naramdaman ko yung kamay niya sa tiyan ko. Omayy parang hindi ko maramdaman ang ginaw.. Waaaa.. Then i felt something on m-my b-back! Agad akong napabalikwas ng bangon na ikinagulat niya.

"What?" pupungas pungas na sabi niya.

"M-may tumusok sa l-likod k-ko! A-ano yon?" nauutal kong sabi at hindi makatingin sa kanya. Nakita kong tinignan niya yung ilalim ng blanket at namula yung mukha niya. Waaaaa. Agad siyang tumayo at nagpunta sa CR. Nakahinga naman ako ng maluwag! Humiga na ako at pumikit. Narinig ko yung pag bukas at pag sara ng pinto ng CR. Naramdaman ko yung maglundo ng kama. Humiga na siya. Kinabahan nanaman ako. "Mahal.." tawag niya. Napadilat ako at ang gwapo niyang mukha yung tumambad sakin. Parang may gusto siyang sabihin pero walang salitang lumalabas sa bibig niya. Napabuntong hininga nalang siya. Kinuha niya yung isang unan at inilagay sa pagitan namin saka niya ako yinakap.

"Matulog na tayo." sabi niya at hinalikan yung noo ko. Nag nod nalang din ako at umakap sa kanya.


End of flashback


"Good morning mahal ko!" masayang bati ni Kaikai. Kapapasok lang niya sa kwarto at may dala itong mga pagkain. Dinala niya ito sa labas ng balcony. Tumayo na ako at pumunta sa CR naghilamos at nag toothbrush na din ako.

Pagkatapos ko dumiretso na ako sa labas ng balcony.

"Waw! Good morning Kaikai." lumapit ako sa kanya at yinakap siya.

"Happy monthsary mylove." Nakangiting bati nito at iniabot sakin ang tatlong pulang rosas. Kinuha ko naman yon at inamoy. Ang bango.

"Happy monthsary Kaikai ko." Nakangiting bati ko sa kanya at kinuha ko yung gift ko para sa kanya. Isang lucky charm bracelet.

"Wow thank you mahal." pasalamat nito habang tinitignan yung bracelet.

"Isusuot mo yan lagi para lagi kang safe." nakangiting sabi ko.

"Thank you." may kinuha din siyang box na maliit at binuksan iyon.

"Talikod ka" utos niya. Tumalikod naman ako. Naramdaman kong may isinuot siya sa leeg ko. Kwintas tinignan ko ito gold necklace na may heartbeat at heart design.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon