Chapter 34 SAGADA

594 45 65
                                    

Tonie's POV





"Bella labas na jan! Anjan na sundo mo!" sigaw ni Mama sa pinto ng kwarto ko. Ngayon ang field trip namin. Tinignan ko yung imahe ko sa salamin. Okay na siguro to naka sweat shirt ako na grey kasi sabi ni KaiKai malamig daw dun. Kinuha ko yung CP ko at nag selfie muna hehe.



Kinuha ko na yung bag ko at bumaba na. Pagbaba ko sa hagdan agad akong sinalubong ni Kaikai at kinuha yung dala kung bag.



"Morning mahal." nakangiting bati niya sabay halik sa pisnge ko. Kyaaaahhh kinilig nanaman ang lola niyo. Napatingin ako sa suot niya parehas nanaman kaming naka sweat shirt na grey yieeeee!!

"Terno nanaman kayo ah! ayieeee" panunukso ni Mama. Grabe maka ayiee kala mo dalaginding eh. Tss

"Ma! Aalis na kami." nagpaalam na ako baka san nanaman mapunta ang ayiee niya eh.

"Tita una na po kami." nakangiting paalam din ni Kai.

"Sige magingat kayo ha!" hinatid na kami ni Mama sa gate.




Nakalabas na kami ng gate. Napakunot ang noo ko dahil may dala siyang sasakyan kala ko mag commute kami papuntang university. May bus kasi na sasakyan para sa fieldtrip.





"Kaikai.. Bat nagdala ka ng sasakyan? Di ba sa bus tayo?" takang tanong ko sa kanya habang nilalagay niya yung mga gamit sa sasakyan.

"Okay lang yan ako bahala. Tara na." Nakangiting aya niya at pinapasok na ako sa sasakyan niya.





Malapit na kami sa University. Nakikita ko na yung malalaking bus ng University. Andito na kami sa tapat t-teka san mag papark to?







"Teka Kaikai! Lumagpas ka na andun pa yung Bus oh!" sabi ko habang tinatanaw yung Bus.

"Easy Mylove." Nakangising sabi nito.

"Ano ba Kaikai alam mo ba kung saan tayo pupunta? Tsk!" Inis kong sabi. Napahalukipkip nalang ako.

"Hahaha! Hindi tayo sasama sa field trip. May iba tayong pupuntahan."

"Ano?!" gulat kong sigaw. Sira ulo talaga tong Kaikai nato! Nakangisi lang siya habang nagdadrive.

"San moko balak dalhin?! Kaikai!" hinila ko yung damit niya! Nakaka asar tong lalaking to hindi sinasabi sakin yung balak niya! Aish!

"Wag mo hilahin yung damit ko baka mabangga tayo! Tsk." sabi niya na hindi tumitingin sakin

"Eh san nga kasi? Baka pagalitan tayo sa school pag hindi tayo sumama sa field trip!" maktol ko. Haist!

"Aish! Hayaan mo yung galit nila! Ang intindihin mo yung galit ko!" singhal nito

"Aba't sira ulo!" Dinagukan ko nga! Nakaka asar kala niya nagbibiro ako tsk!

"Aray ano ba!" reklamo niya. Itinabi niya muna yung sasakyan saka seryosong humarap sakin. Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan iyon.





"Easy ka lang mahal.. Ako bahala sayo surprise ko to sayo." Nakangiting sabi niya. Nagtaka naman ako bakit niya ako isusorpresa!

"Bakit moko isusurprise! Malayo pa birthday ko ah!" singhal ko sa kanya

"Tss. Kumalma ka nga." Binitiwan niya yung kamay ko at napahagod sa buhok niya bago seryosong tumingin ulit sakin.

"Hindi mo ba alam kung bakit? Wala ka bang naaalala?" seryosong tanong niya. Teka may naalala ako! Buti nabanggit niya yon lagi ko nakakalimutan itanong sa kanya. May kinuha ako sa bulsa ng bag ko at ipinakita ko sa kanya yung bracelet ko.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon