Chapter 3 The who?

1K 47 12
                                    

Kai's POV

"S-sorry---Tara na Tonie!" sabat nung lalaking kasama nung babaeng pakialamera at hinila niya na paalis yung baliw na babae tsk. Nakakainis! Napahilamos nalang ako sa mukha ko sa sobrang badtrip! Pinagtitinginan pa din ako ng mga tao

"Anong tinitingin tingin nyo!" sigaw ko sa kanila. Kala mo kasi nanunuod ng palabas eh nakakabadtrip lalo! Tsk kinuha ko na ang jacket ko sa tabi ko at akmang aalis ng..

"Teka babe! San ka pupunta?" si Mia hinila ang kamay ko. May kasama nga pala ako tsk.

"Aalis na! ano pa bang gagawin ko dito wala nakong gana!" inis na sigaw ko sa kanya at naglakad na palabas ng restaurant. Hinabol naman ako ni Mia

"Teka Kai! Wag mo kong iwan dito!" habol niya at kumapit sa braso ko. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Umuwi ka na!" sigaw ko sa kanya saka inalis yung pagkakakapit niya sa braso ko. Naglakad na ko papunta sa kotse ko.

"T-teka! Wag mo kong iwan dito!" sigaw niya habang humahabol sakin pero nakapasok nako sa sasakyan ko. Wala din akong pakialam kahit mapatid ang litid niya kakasigaw! Badtrip!


Pinaharurot ko na ang kotse ko. Nakita ko naman siya sa side mirror na papadyak padyak sa inis tsk!

_________

Nagulat ang lahat pagkapasok ko sa Bar and Billards na pagaari ng isa sa mga tropa ko si Gino. Tinadyakan ko kasi ang isang upuan dahilan kaya nagulat sila. Eh badtrip ako eh! Napaupo nalang ako malapit sa bartender at ininom ang isang basong alak na nakahanda don.

"Woah! Mukang mainit ang ulo natin aa, what's the problem Kai? at bat muka kang basang sisiw?" nakangising tanong ni Gino, lumapit siya sakin at umupo sa isang stool malapit sakin.

"Babae ba yan?" pang aasar ni Earl yung isang tropa ko habang nagbibilliard.

"Tumigil nga kayo!" sigaw ko sa kanila at ininom ulit ang alak sa lamesa. Nagtawanan lang mga sira ulo tss.

"Chill!!! Kwento mo pre" si Gino habang kumakain ng chips

"Nakakabadtrip eh! Nakakabwisit yung babaeng yon! Pinahiya niya ako masyado siyang pakialamera! May araw din sakin yan. Tsk" inis na sabi ko at napahilot ako sa noo ko. Basa pa din yung buhok ko pala tsk

Bigla namang tumawa si Earl. Ang bwisit na to pinagtatawanan pa ko batuhin ko nga ng upuan. Phs!

"Aray! Hahahhaha chill lang pre sabi ko na nga ba babae yan eh hahaha" pambubwisit nito.

Umalis nalang ako don at umuwi lalo lang akong mababadtrip sa mga sira-ulong yon tsk! Ang lakas ng loob ng babaeng yon para kalabanin ako. Pagsisisihan niya ang ginawa niya!

__________

Tonie's POV

Habang kumakain kami ng almusal ni Mama. "Bella bilisan mo jan baka mahuli ka sa school" si Mama habang humihigop ng kape.

"Ahm, Mama dipo ako makakapasok ngayon. Medyo masama po ang pakiramdam ko eh" matamlay na sabi ko kay mama. Well ako na ang artista ngayon sa totoo lang hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Ayoko lang talagang pumasok. Kinakabahan kasi ko sa kinuwento ni Mickey. Nakakatakot na tuloy pumasok hayyyss

"Ano?Masama ang pakiramdam mo? Tignan ko nga" lumapit si mama sakin saka sinalat ang nuo ko kung may lagnat ako. Si mama talaga masyadong sigurista!!

"Hindi ka naman mainit ah! Ako ba pinagloloko mo ha sakit sakitan ka nanaman ha!" Singhal ni mama sakin at hinila nanaman ang bangs ko! Anubayan bat bangs ko lagi pinagtitripan ni mama aish! pag ito talagang bangs ko nalagas naku!!!

"Aray ma!"napakamot ako sa bangs ko sakit kaya tss

"Umayos ka bella ah! Hindi nagpapakahirap ang papa mo magtrabaho sa malayo para sa mga katamaran mo hay nako. Pumasok ka na nga!" si mama at niligpit na ang pinagkakainan namin. Hindi pa nga ako tapos kumain eh! Grabe!!

­­­________

Andito na ako sa gate. Kaya mo to Tonie! Wag kang matakot! Hindi sila mga multo! Napangiwe nalang ako sa nasa isp ko anuba yan!. Naglakad na nga ako sa campus mukang okay naman ang lahat wala pa naman humahabol ng itak sakin naku saka bawal magdala ng mga deadly weapons dito no! hmp.

Naglalakad lang ako ng biglang may humarang sa daan ko. Dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Lima silang mga lalaki mukang mga goons na stupidyante naku eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Huhu help me!! Sigaw ko sa sarili ko.

"A-anong problema? Nakaharang kayo sa daan" utal kong sabi.

"Wala namang problema miss eh. Maluwag naman sa gilid oh pede ka naman dumaan dyan" pamimilosopo ng pisting panget. Napabuntung hininga nalang ako at umiwas sa kanila sa gilid nga ako dumaan ng...

Biglang nanlamig ang pakiramdam ko ng makaramdam ako ng malamig na tubig na bumuhos sa ulo ko, napatingala ako para tignan kung saan galling at nakita ko ang dalawang lalaking may dalang timba at hindi lang yon may binuhos pa silang mga tuyong dahon ang resulta muka akong basing sisiw na may dahon sa ulo Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! Nagtitinginan na din ang ibang mga studyante sakin. Yung iba nagbubulungan, yung iba nagtatawanan. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Nakakahiya. Nakakadiri. Pinagtatawanan ako ng lahat. Nagiinit na ang gilid ng mga mata ko parang gusto ng pumatak ng mga luha ko sa sobrang galit. Naikuyom ko nalang ang palad ko at saka tumakbo, tumakbo lang ako ng tumakbo hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hanggang sa makapunta ako sa lumang building ng university. Umakyat ako sa rooftop. Walang pumupuntang mga studyante dito sabi kasi ng iba may multo dito. Pero wala naman akong nararanasang ganon palagi ako dito. Dito kasi tahimik, walang nangugulo. Nakaakyat na nga ako. Sa dating pwesto napaupo ako sa gilid at napayuko. Pinipigilan kong pumatak ang luha ko.

"Okay lang umiyak" nagulat ako sa boses ng lalaking nakatayo at nakasandal sa gilid mga ilang dipa ang layo sakin. May kasama pala ako dito. Ang akala ko ako lang nakakaalam ng lugar na to. Kahit si Mickey nga hindi alam ang lugar na to. Napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sakin at lumapit umupo siya sa tabi ko at inabot ang panyo galing sa bulsa niya. Hindi ko alam kong aabutin ko ba yon o hindi. Pero dahil nga naiiyak na talaga ako inabot ko na ang panyo at sinimulang umiyak. Hindi ko na napigilan sa sobrang sama ng loob ko.

"Napaka sama nila" umiiyak kong sabi

"May mga bagay talagang hindi natin kayang kontrolin" napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan kami at nagsmile siya pero hindi umabot sa mga mata yung ngiti nya. Parang malungkot siya, baka may pinagdadaanan siya? ay ambot... Binawi ko ang tingin ko. Nakakahiya din kasi yung itsura ko ngayon. Naramdaman kong tumayo siya at naglakad palayo. Umalis na siya tinignan ko siya papalayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napabuntong hininga nalang ako. Hayyyy.


_______

A/N:

Short Update. The who?

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon