Chapter 10 The Visitor

723 50 15
                                    

Tonie's POV

"Ano na teh?! Ang haba ng hairdabels Teh! Baka matapakan ko yan teh!!!!" si bakla kinukulit na naman ako. Tungkol kay Kai at kung bakit kami magkasama sa cafeteria nung nakaraang araw. Oo lumipas na ang ilang araw lagi niya ako kinukulet!!! Pinisti talaga!

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala lang yon walang malisya yon" bored kong sagot. Nakatambay kami sa isang bench dito sa mini park ng university. Nagbabasa ako ng libro siya binabasa ang isip ko hahahaha! ene ke be nemen.

"Eh anong meron sa cookies?" sabay sundot sa tagiliran ko.

"Wala din yon. Napromise ko kasi sa kanya yon last time" napapangiti ako gaaahhh

"Eh bat nangingiti?Kyaaahhh! crush mo talaga si Liam nasesense ko" kinikilig si bakla omg

"masama bang ngumiti baliw!" hehehe ewan ko ba napapangiti ako pag naririnig name niya

"Ayieeee." pang aasar niya.

"Wag ka ngang gumanyan pangit mo kiligin eh hahahahha!"

"Tse! eh alam mo tingin ko type ka din ni Kai.." Napahinto ako sa pagbabasa at napatingin sa kanya

"Hoy grabe ka na ha! Lagi nga kaming nagaaway nung damuhong yun eh! Panu siya magkakagusto sakin aber Tss" totoo naman para kaming aso't pusa nun tss

"Omg talaga!!! Ganyan yan sa umpisa kyaaaaahhhh!!! alam mo bang napakaswerte mo at pinaglalaanan ka ng panahon ni Kai. Di ka pagaaksayahan ng pansin at oras nun kung di ka niya gusto teh! yieee!! Wala akong nakikita at nababalitaang GF yan or niligawan dito sa campus" ayan nanaman siya tss

"Magaling lang magtago yun. Saka diba nung una natin siyang nakita sa resto before may kasama siyang babae" litanya ko e totoo naman kaya nakita ko eh

"Tsk. Wala ka talaga eh! Hindi niya GF yun no. Baka isa lang yun sa mga babaeng naghahabol sa kanya. Trip lang siguro niya pero hindi seryoso mga ganern"

"Ewan ko sayo! Dami mong alam talaga eh." inirapan ko siya daming keme eh

" Kung ako papapiliin kung parehas silang manliligaw sakin si Kai pipiliin ko medyo suplado nga lang at may pagkabully pero parang masarap siya magmahal. Kyaaahhh!!! Matangkad na gwapo pa mayaman pa san ka pa!!!" mahabang litanya ni bakla. Kilig na kilig ang bruha! Grabe sabagay medyo may tama yung iba niyang sinabi Matangkad check! Gwapo check! Mayaman check! Masarap magmahal? ay ambot!

"Ganern? As if naman na liligawan ka ng dalawa hahahaha!" pangaasar ko sa kanya hahaha

"Alam ko tse! kunwari nga lang eh!" pagtataray nito hahaha bading talaga ee napapailing nalang ako. Sinara ko na ang libro ko at tumayo.

"Tara na nga may klase pa tayo" aya ko

"Ok tara lets!"

_____________

Kai's POV

"Huwatt? hahahaha! Kaya pala sing haba nanaman ng traffic sa Edsa yang nguso mo!" si Earl. Andito kami sa Bar ni Gino. Papalamig lang tapos na ang klase namin at dito kami dumeretso.

"Hahahaha! Ang sarap siguro ng cookies ni Tonie hahahaha!" si Gino. Pinagtatawanan nanaman ako ng mga ugok na to eh!

"Tumahimik nga kayo pagsisipain ko mga mukha niyo eh!" Asar

"Woah! Easy hahaha! Kasi naman masyadong obvious na nagseselos si Lover boy di ba Gino" si Earl at nagakbayan pa yung dalawang ugok. Nilagok ko yung iniinom ko bago nagsalita.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon