Kai's POV
"Aahh." unti unti kong ginalaw yung leeg ko ang sakit nakatulog pala ko sa ibaba ng kama ng nakaupo. Tinignan ko yung orasan ko sa kwarto 1PM na. Hindi nako nakapasok sa mga subject ko. Pumasok nako sa CR naligo at nagbihis na din. Tinignan ko yung cp ko ang daming missed calls galing kay Tonie pati na din kina Gino at Earl. Binuksan ko isa isa yung mga text messages galing kay Tonie.
From: Mylove
Morning Kaikai ko. Muah!
Kaikai?
Kaikai san ka na?
Hoy kapre!
Bat di mo sinasagot? Haist
:(
Napabuntong hininga ako ang dami niyang text nagaalala na siya. Nagreply ako.
To: Mylove
Good day mahal. Kagigising ko lang medyo masama pakiramdam ko. Di ako makakapasok pero susunduin kita. Hintayin mo ko. Love you!
Bago ko ilagay sa bulsa ko yung phone ko tumunog ito. Si Tonie tumatawag.
Phone Convo
"Hello kaikai okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya.
"Okay lang ako. Medyo naulanan lang ako kagabi." sagot ko. Pero ang totoo hindi naman ako naulanan masakit lang leeg ko na steepneck ata ako tsk. Narinig kong napabuntong hininga siya.
"Gusto mo ba puntahan kita?"
"Hindi na pupunta din ako jan susunduin kita."
"Sige na nga. Uminom ka ng gamot ha kumain ka muna." paalala niya. Napaka maalalahanin talaga ng mahal ko.
"Opo mam. Ingat ka jan i love you." sabi ko.
"i love you more Kaikai ko. Sige na may klase pa kami." paalam nito.
"Okay bye." saka binaba ko na yung tawag.
Kinuha ko na yung susi ng sasakyan ko sa tukador ko. Pagbukas ko ng pinto may nakita akong brown envelope sa lapag malapit sa pinto. Napakunot ang noo ko saka pinulot iyon. Binuksan ko iyon at nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko. Shit!
Dali dali akong sumakay sa elevator at bumaba sa 10th floor. Mabilis akong naglakad para makarating agad sa pakay ko. Nakita kong may mga nagpapasok ng mga gamit papasok sa unit.
"Excuse me. Nanjan ba si Jane?" tanong ko sa matandang babae na nakatayo malapit sa pinto. Napakunot naman ang noo ng matanda.
"Sinong Jane iho?" balik tanong nito sakin.
"Si Jane po yung may ari ng unit na to." sabi ko. Sinisilip ko pa yung loob baka sakaling nandun siya.
"Ha?. Kami ng asawa ko ang may ari ng unit na to iho. Kakalipat lang namin ngayon." takang sabi ng matanda. Nabigla ako sa sinabi niya. What? kagabi lang nagpatulong pa yung babaeng yun sakin para magdala ng mga gamit niya. Napahilamos ako sa mukha ko. Shit! Naloko na!
"G-ganon po ba? Sige ho baka nagkamali lang ako." pagkasabi ko non umalis na agad ako.
Nagtungo sa parking at sumakay sa sasakyan ko. "Fu**!" napalo ko yung manibela ng sasakyan ko. Ano ba tong nangyayari? Sino yung babaeng yon! Tsk! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumabas na ako ng parking at pinaharurot ang sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?