Liam's POV
Muntik na.. Tss Natutulala ako sa loob ng sasakyan ni Marga. Papunta kami ngayon sa University. Ihahatid niya ako dahil nandon yung sasakyan ko.
Nandito na kami pero hindi parin ako lumalabas ng sasakyan.
"Li? Nandito na tayo" tawag niya kaya parang natauhan ako.
"S-si Kai.. Alam na ba niya? Nagpakita ka na ba sa kanya?" biglang tanong ko. Biglang nagseryoso yung mukha niya kaya parang kinabahan ako.
"Hindi pa." simpleng tugon niya.
"Baka matakot yun akala niya minumulto ko siya. Alam mo naman yun matatakutin hehe." Napangiti siya ng mapait. Kilala niya pa din si Kai.
"M-mahal mo pa ba siya?" Hindi ko napigilang hindi yon tanungin. Nung bumalik siya naisip ko na si Kai ang dahilan. Biglang may kumirot sa dibdib ko sa naisip ko.
Hindi agad siya nagsalita. Kaya napabuntong hininga ako at tumingin sa lanas ng bintana.
"Hindi na." biglang sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya sakin at hinawakan yung kamay ko.
"Nung nandon ako sa Thailand na realized ko yung katangahan ko. Hindi sana mangyayari sakin to kung ikaw yung pinili ko." seryoso siyang nakatingin sakin.
"Marga..." mahinang sambit ko. Kitang kita ko yung lungkot sa kanyang mga mata kaya lumapit ako sa kanya at yinakap siya.
"Sorry Li.. Hindi ko sinasadyang saktan ka.. Napakatanga ko.." Umiiyak nanaman siya. Haist!
"Sshhhh... Tahan na. It's okay tapos na yon wag na nating balikan." Lalong lumakas yung hikbi niya tsk.
"Tahan na.. Basang basa nanaman yung damit ko oh.. Hehe" Biro ko sa kanya kaya napangiti siya. Iniharap ko siya sakin at pinunasan ko yung mga luha niya gamit yung kamay ko. Cry baby pa din siya. Napangiti ako.
"Wag ka ng umiyak. Pangit mo pa namang umiyak hehe" Pang aasar ko sa kanya. Pinalo naman niya yung braso ko.
"Nga pala ano palang ginagawa mo dito? Nagenroll ka ba?" Tanong ko. Pwede naman kasing magenroll anytime dito sa University.
"Yap! Schoolmate na tayo hehehe"
"Schoolmate na din kayo ni Kai" sabi ko nalang.
"Asus.. Selos ka naman! Hahaha" na pa tss nalang ako.
"Ibang course ang kinuha ko kaya hindi niya ako basta basta makikita. Sa laki ng Universiting to i bet kong nakita mo na lahat ng estudyante dito" sabi niya. Napakunot nalang ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?