Chapter 4 LIAM

961 50 6
                                    

Jacob's POV

"Ano nakuhaan mo ba ng video?" tanong ko kay Earl pagdating na pagdating nila ni Gino. Andito kami ngayon sa tambayan namin sa isang bakanteng room dito sa lumang building.

"Yes. Look" nakangising binigay niya sakin yung cp niya. Pinakuhaan ko kasi ng video ang pambubully sa babaeng pakialamera. Kala niya ata makakaligtas na siya sa ginawa niya sakin. Buti nalang at nakita ko yung lalaking kasama niya, dito din pala sila nagaaral. Well, I will make her life miserable, sisiguraduhin kong luluhod siya sa harap ko at pagsisisihan ang mga kashitang ginawa nya. I smirk habang pinapanuod ko ang video niya.

"Siya ba ang bago mong apple of the eye?" natatawang sabi ni Gino. Mga sira ulo talaga. Yan ang tawag nila pag may napagttripan nanaman ako.

"Kulang pa yan. Una palang yan" nakangising sabi ko at ipinatong ko ang paa ko sa bakanteng silya.

"Woah, im so scared!!" si Earl at kunwaring natatakot pa ang itsura niya. Tss sira ulo talaga.

_________

Tonie's POV

It's been 1 week. One week na nila akong binubully! Kill me now waaaaa naghihinagpis na ang utak ko, Hindi ko nga alam bat natatagalan ko pang pumasok si mama kasi eh! Ayaw akong umabsent! Hindi ko lang masabi sa kanya na nanganganib na ang buhay ko sa Universiting yun!. Anjan yung nilagyan nila ng bubble gum ang buhok ko buti nalang naalis ko agad yun, Yung tapunan ako ng kung anu anong inumin nila!, banggain ako hanggang sa matumba ako. Grabe! Awing awa na ko sa sarili ko. Feeling ko ako na ang pinaka malas na tao. Parang gusto ko nalang magbigti kesa pumasok sa university ng mga bullies. Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko kung sino ang may pakana ng lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay ko. Magtutuos din tayo!

Naglalakad ako sa campus, palinga linga ako sa paligid baka may kalaban nanaman. Aish! Habang naglalakad ako may nakita akong mga studyante tumatakbo malapit sakin! M-may dala silang timba nakita kong tumatalsik yung laman non p-parang putik? waaaaaaa!!!! dali dali akong tumakbo maabutan na nila ako waaahhhhh!!!

" HAHAHAHAHAH! ang tamis tamis!" nagtatawanan sila.. pinagtatawanan nila ako.. binuhusan nila ako ng.. chocolate? tinikman ko pa para makasigurado ako eeww!

" Mga wala talaga kayong magawa! Iyan lang ba ang kaya nyong gawin?! Yan lang ba ang misyon nyo sa buhay! para kayong mga walang pinag aralan! " Galit na ko.. sobrang nanginginig na yung buong katawan ko sa galit!

Tumakbo ako, kung sinuswerte ka nga naman!

" Wow! look who's here " tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Nakangiti ng nakakaloko sakin, tsk! Ang hayop na bakulaw! Tinignan ko lang siya ng masama.. Naikuyom ko ang palad ko sobrang galit ang nararamdaman ko sa ugok na to!

" Ano! Masaya ka na ba sa mga kagaguhang pinag gagawa mo sakin?! Todo na ba yan? Yan na ba lahat yon?! Para kang bakla! " Sigaw ko sa kanya! Nakikita kong dumadami nanaman ang nakikiusyoso sa amin. Haist! Bwiset talaga!

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon