Tonie's POV
Kring!!!!!!!! Napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng alarm clock ko. Teka bakit sumobra ata sa lakas ang alarm clock ko at bakit nasa tabi ng tenga ko??? Tsk sinabutahe nanaman ako ni mother earth haist! Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Akmang tatayu na sana ako ng biglang kumirot ang ulo ko. Ang sakit. Nahihilo ako, hindi maganda ang pakiramdam ko. Hihiga sana ulit ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko nanaman ba nailock un? Tss
"Bela anak magayos ka na at nakahanda na ang breakfast" si Mama habang nililigpit na ang higaan ko. Seriously? Nakahiga pako pinagliligpitan na ko -_- napahawak nalang ako sa ulo ko.
"Ma, masama po ang pakiramdam ko." Sabi ko sabay dapa sa kama. Naramdaman ko naman na hinawakan ni mama ang mga braso ko parang pinapakiramdaman niyang maigi. Pati nuo ko.
"Aray! Anu nanaman ba Ma! Minamaltrato na ang bangs ko!" inis na reklamo ko at napaupo sa kama.
"Tumigil ka! Wala ka namang lagnat! Nagdadahilan ka nanaman! Bumaba ka na don! Bilisan mo! Pati pagaaral kinakatamaran niyo! Hindi nagpapakahirap ang ama mo sa malayo para lang sa mga katamaran mo!" blah blah blah ayan nanaman po tau haist! Inis na tumayo na ako kinuha ang tuwalya ko at dumiretso sa CR.
Hayyy anu ba namang buhay to. Sumandal muna ako sa pinto at nagtxt.
To: Mickey
Hi Micks! Papasok ka naba? Daanan mo naman ako sa bahay masama kasi ang pakiramdam ko. Baka lalo sumama pag nag commute ako.
Pinalitan ko na ang name niya sa phone ko masyado kasing obvious ang dyesabel hihi. Kauuwi lang pala ni Mickey after 2 weeks sa states. Nag ka emergency kasi sa business nila dun kaya biglaan ang pagkawala niya. Akala ko nga nuon iniwan na nya ko sa ere dahil ayaw niyang mabully. Nawala kasi siya after nung incident namin sa restaurant phs! Kala ko sinadya niya pero naipaliwanag naman niya sakin. Kaya ayun okay na din. Para dina din siya madamay sa kasirauluhan ng tao sa university tsk.
Nagreply naman agad siya.
From: Mickey
Sure! I'll be there in 15 mins. Breakfast lang ako.
Thanks goodness!
__________
Habang naglalakad sa Campus. Masakit padin talaga ang ulo ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad.
"Okay ka lang ba?" si Mickey medyo nauuna na kasi siya maglakad kaya binalikan niya ako.
"Muka ba akong okay?" napasimangot ako
"Bakit kasi pumasok ka pa kung masama ang pakiramdam mo?"
"Kung ako lang ang masusunod. Di na ko pumasok no. alam mo naman si Mama" Napabuntong hininga nalang ako. Inalalayan nalang ako ni Mickey pinahawak niya ako sa braso niya. Kahit naman gerlush siya eh gentleman pa din siya. Buti naman.
Naglalakad kami ng biglang napatigil sa paglalakad si Mickey.
"Oh baki- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko ang 3 pangit na lalaki sa harapan namin. Tsk not again!!!!!!!!
__________
Sa di kalayuan
Kai's POV
"It's Showtime!" si Gino habang hawak ang CP niya. Kukuhanan niya ulit ng video ang pangbubuset sa pakialamerang babae. May kasama pa siya ngayon huh tss.
"Akin na nga yan!" inagaw ko ang CP niya ako mismo ang kukuha ng magandang anggulo.
"B-bkit kayo nakaharang sa dadaanan namin?" aba mukang papalag yung kasama nung babaeng pakialamera ah
"Bakit? Papalag ka?" sagot nung isang lalaki at kinuwelyuhan yung kasama ni Paki.
"Wala ba talaga kayong magawang matino?Umalis nga kayo sa dadaanan namin!" si Paki at hinampas sa isang lalaki ang dala niyang payong. Pfft! May armas ding dala ah napangisi nalang ako. Ang tapang talaga!
Nanghahampasin niya ulit nahawakan ng lalaki ang payong at pilit inaagaw ito sa kanya. Nagaagawan sila ng makuha ng lalaki yung payong pinakli niya ito sa hita niya. Bali ang payong.
"Tsk hindi matibay ang payong gawang China! Hahahahahha!"si Gino at nagtawanan kaming dalawa hahahahhaha! Kitang kita ang galit sa muka niya yung kasama niyang lalaki nakahawak lang sa kanya. Parang pinipigilan siya.
"Sira ulo ka talaga!" sigaw ni Paki at buong lakas na tinulak ang isang lalaki. Natumba ito susugod din sana ang dalawa pang lalaki pero... biglang natumba siya? Anong nangyari? Hindi pa naman siya sinaktan nung mga lalaki huh!
__________
Author's POV
Natumba si Tonie. Buti nalang at maagap na nasalo ni Mickey ito para di tumama ang ulo sa simento.
Nagulat naman ang tatlong lalaki at biglang tumakbo sa takot na baka mapagbintangan sa magkakatumba ni Tonie.
"Hoy! Magsibalik kayo dito! Tulungan niyo kami!" sigaw ni Mickey alalang alala ito sa kaibigan.
"Tonie, gumising ka na please hindi kita kayang buhatin" mahinang bulong ni Mickey kay Tonie. Abay matinde anu po? Haha!
Dumadami nadin ang nagkukumpulang mga tao. Yung iba nakikichismis, Nagbubulungan wala manlang tumutulong sa kanila.
"Tabi! Magsitabi kayo!" lumapit ito sa magkaibigan at kinarga si Tonie. Natulala naman si Mickey.
"Tutunganga ka nalang ba diyan? Dalin natin siya sa clinic!" Mabilis na dinala nila sa clinic si Tonie. Pagdating nila sa clinic agad naman silang nilapitan ng nurse. At chineck ang kalagayan ni Tonie. Hanggang ngayun hindi pa din ito nagigising.
Makalipas ang isang oras. Lumabas na din ang nurse na tumingin kay Tonie.
"Kamusta po siya?" si Mickey.
"Ayos na siya kailangan niya lang magpahinga. Dala ng sobrang init ng panahon at stress lang kaya siya nahilo. Sige maiwan ko na kayo. Pwede niyo na din siyang iuwe pag gising niya para makapag pahinga siya" at umalis na nga ang nurse.
"Aalis na din ako. May klase pa ko"
"S-sige. Salamat Kai" tinignan lang siya nito at nag nod.
______________________
A/N:
Lame Update!!!!! Comment. Vote naman pampagana hehehehhe ^_^.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?