Chapter 14 The visitor with S

622 59 15
                                    

Tonie's POV

Andito kami sa grocery ni mama. Mamimili kasi kami ng mga gagamitin para sa bake shop. Andito kami sa Dairy section. May kinukuha ako pero di ko maabot biglang may kumuha ng kinukuha ko at inabot sakin.

"Thank y--liam!" nagulat ako ng mapatingin ako sa tumulong sakin si Liam!

"Hi!" Nakangiting bati niya. Omg ang cute niya today Pfft! Napatingin ako sa sweat shirt na suot niya.

"Why?" Takang tanong niya

"Ha? Ah eh wala hehe ang cute ng suot mo ee strawberry ba yan hahahaha!" Di ko na napigilan yung tawa ko.

"Hehe uso to hahaha bagay naman diba?" napahawak siya sa batok niya. Ang cute talaga niya pag nagssmile. yieee

"Hehehe oo. Ano nga palang ginagawa mo dito? sinusundan mo bako?" biro ko sa kanya hehehe

"Oo" sagot niya na kinalaki ng mata ko.

"Joke lang! Hahaha ang cute mo talaga" yaahh pinisil niya yung pisnge ko!

"Ah hehehe" bigla akong nahiya shet

"Bella tapos mo na ba yung pinapakuha ko?" biglang lumapit si mama

"Magandang tanghali po" nakangiting bati ni Liam

"Oh magandang tanghali din?" parang nagtatakang napatingin si mama sakin

"Ah ma si Liam nga pala school mate ko po hehehe" pakilala ko mukang ewan nanaman makatingin si mama eh

"Ah mukang puro gwapo ang mga nagaaral sa University niyo anak" nakangiting sabi ni mama naku! yan nanaman siya

"Hehe hindi naman po masyado" nahihiyang sabi ni Liam.

Sinamahan na kaming mag grocery ni Liam wala naman daw siyang ibang pupuntahan. Inalok din niya kaming ihatid na sa bahay madami din kasi kaming pinamili para hindi na din kami mahirapan.

Sa bahay

Nakarating na kami sa bahay nakakapagod. Charot! Hindi naman ako napagod kasi si Liam naman ang nagtutulak at bumubuhat ng mga pinamili namin hehehe. Kinikilig nanaman ako. Nilibre niya din kami ng lunch. Inabutan na kasi kami ng lunch time sa pamimili.

"Maupo ka muna iho, salamat ha naku mababait pala talaga at matulungin ang mga nagaaral jan sa University nyo ha." nakangiting sabi ni mama habang inaayos yung mga pinamili namin. Daldal nanaman niya waaa

"Hehehe okay lang po wala pong problema" si Liam. Tumabi ako kay Liam nung pumasok si Mama sa kusina.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon