Tonie's POV
Patingin tingin ako kay Kai habang nagdadrive siya. Seryoso lang siyang nagmamaneho ni hindi siya umiimik haist.
"Ah Kai..." tawag ko sa kanya.
"Why?" tanong niya pero hindi siya tumitingin sakin. Patuloy pa rin siya sa pag dadrive tsk.
"Ah nagugutom ako." sabi ko nalang.
"Ay! Dahan dahan naman!" bigla niyang kinabig yung sasakyan pa U turn tsk.
Naramdaman kong huminto yung sasakyan at automatic na nagbukas yung mga pinto nito. Bumaba na siya kaya bumaba na din ako. Napalingon ako sa paligid nasan ba kami. Nauna siyang naglakad sakin.
"Uy teka san tayo pupunta?" tanong ko dito.
"Nagugutom ka diba kakain tayo." sabi lang nito. Napahawak ako sa chan ko nagugutom na nga ako talaga.
Pumasok siya sa isang restaurant. Ugh lalo akong nagutom.
Umupo na kami saka may lumapit na waiter at nag abot ng menu. Nagpasalamat ako sa waiter saka tinignan kung ano bang masarap. Lahat naman mukhang masarap kaya lang medyo may kamahalan. Hindi ko alam kung anong oorderin ko napatingin ako kay Kai seryoso lang ito habang nakatingin sa menu.
"Anong gusto mo?" tanong ko kay Kai hindi ko kasi alam kung anong oorderin ko.
"Ikaw." biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko sa sagot niya.
"A-ako?" utal kong tanong.
"Ikaw anong order mo." sabi nito bigla. Aish! Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Assumera ka kasi! haist! Bigla akong nalungkot. hai
"Ikaw ang gusto ko. Pero hindi ka naman pwedeng orderin so anong order mong pagkain?" biglang bawi nito. Feeling ko nagkulay kamatis nanaman yung pisnge ko. Sabayan pa ng mga tingin niya. Alam kong nagtatampo siya pero nakukuha niya pa din maging sweet sakin.
"I-ito nalang." nahihiyang sabi ko saka pinakita sa kanya yung menu.
Agad naman tinawag nito yung waiter at nag order na. Mabilis naman na dumating yung order namin kaya kumain na kami agad. Grabe gutom na gutom ako.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?