F O U R

773 32 2
                                    

day 7

"Sigurado ba kayong wala kayong kakilalang Shana Isabel Dy?" Tanong ko sa mga kabarkada ko. Nandito kami ngayon sa bahay at naglalaro ng video games dahil wala kaming magawa at ayaw naman nilang tumambay sa labas


Tinignan ako ni Matt at halatang takang-taka siya. "Bakit ba naku-curious ka sa babaeng 'yan? Baka naman nagpapanggap lang na taga-Winston 'yan."


Noong una ay naisip ko na iyon. Pero nang maka-chat ko siya at tinanong ng mga tungkol sa school namin ay mabilis siyang nakasagot. Imposible namang magtanong siya sa kaibigan niya dahil hindi niya rin naman makikilala kung sino ang mga teacher na iyon kung hindi siya taga-Winston.


"Pero alam niyang may putok si Sir Matanglawin eh." Sabi ko at narinig ko ang tawa nilang lahat. "Hindi ko din naman maipakita sa inyo ang profile niya dahil hindi niyo siya makikilala at anime ang profile picture niya."


Nag-focus na lang muna ako sa laro dahil akala ko ay hindi na sila muling iimik. Pero nagulat ako nang bigla akong nanalo sa game at napansing wala na ang kalaro kong si Francis.


"Ano ba 'yang ginagawa niyo!" Agad akong lumapit sa kanila pero hinawakan ako ni Joshua para hindi maabot ang phone ko na ngayon ay hawak ni Matt. "'Wag niyo titignan ang messenger ko!" Babala ko sa kanila pero wala silang pakialam.


"Halos lahat ng friends niya ay taga-Winston kaya malamang ka-schoolmate natin 'to." Pag-uusisa ni Francis. "Oh, Amethyst ang section niya last year!"


Pagdating talaga sa pag-so-stalk, maaasahan mo ang kaibigan mo.


"Naka-tag lang siya sa post, pero hindi sa picture. Paano na natin malalaman kung sino siya eh hindi ko naman kilala lahat ng Amethyst?" Nanghihinayang na sabi ni Matt saka ibinalik ang phone ko sa coffee table. Binitawan na ako ni Joshua at sinamaan ko sila ng tingin.


"Kayo talaga, mabilis pa sa alas kwatro sa pag-so-stalk!" Naiinis kong sabi at bumalik sa pwesto ko. Narinig ko na naman ang tawanan nila at naglaro na lang ulit kami.


Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung sino ang Shana na iyon. Noong una ay akala ko isa siyang napakakulit na Junior kaya sinungitan ko siya. Pero nang sinabi niyang ka-batch ko siya ay bigla akong na-curious. Halos lahat ng ka-batch namin ay nakausap ko na, pero bakit siya hindi pa?


***

bts' taehyung as christian matthew badocdoc
bts' namjoon as francis paolo mattias
bts' suga as joshua ezekiel tolentino

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon