F I F T Y - S I X

333 22 1
                                    


day 267

"At ang huli nating activity ngayong gabi ay ang pagsasabi ng mga gusto niyong sabihin sa mga kaibigan niyo." Na-excite naman kami sa sinabi ng activity coordinator. Ito talaga ang pinakahihintay naming lahat. Kahit na pagod kami sa mga ginawa namin buong maghapon, nag-enjoy kami dahil mas naging close kaming lahat.


"Actually, may twist itong ating activitiy. Pupunta tayo ngayon sa field upang isagawa ito." Wika ni Kuya Jerome.


Pagkasabi niya noon ay pinapila niya kami saka sinabing itali namin ang panyo sa aming ulo upang matakpan ang aming mga mata. Kumapit ako kay Lauren na nasa unahan ko at maya-maya pa ay naramdaman kong gumalaw na kami. Ano naman kaya ang gagawin namin doon.


Hindi rin nagtagal ay tumigil kami, hudyat na nakarating na kami sa aming destinasyon. Sobrang tahimik dahil sinabi na rin sa aming bawal muna magsalita, kaya naman mas lalo akong na-curious.


"Okay, take off your blindfolds." Tinanggal ko ang panyong nakatakip sa aking mga mata at ilang segundo rin ang nakalipas bago ko na-realize kung ano ang nasa harap namin.


Lahat kami ay nagulat nang makita na ang apat na sections ay nandito ngayon sa malawak na field! Hindi namin maintindihan kung ano ba talaga ang gagawin kaya naman sumunod na lamang kami kay Ate Jenna nang pabilugin niya kaming lahat.


Sa loob ng malaking bilog ay mayroon pang isang bilog. Tumingin ako sa likod ko at nakita si Leslie na nagtataka ring tumingin sa akin. Lumingon ako sa aking paligid at nakitang may partner kaming lahat. Ano na kaya ang mangyayari?


"Ang mga nasa labas na circle ay ang listeners. Makikinig kayo sa kung ano bang ang gustong sabihin ng taong nasa harap niyo. Ang nasa inner circle naman, kayo ang speakers. Sabihin niyo kung anong gusto niyong sabihin sa nasa harap niyo. Since sakto kayo, ilalagay namin si Jerome sa gitna at ang mapapatapat sa kanya ay hindi magsasalita o hindi makikinig. Kapag natapos na ang lahat, ang ekstrang tao na siyang speaker noon ay magiging listener. Kaya naman lahat kayo ay may tsansang maging speaker at listener."


Na-gets namin ang gusto niyang ipahiwatig at bumuntong-hininga. Talagang sa best friend ko pa ako unang napatapat! Malamang pagkatapos nito ay pareho na kaming humahagulgol!


"Leslie, una sa lahat, maraming salamat kasi simula pa noong mga bata tayo, nandiyan ka na para sa akin. Noong mga panahong kailangan kita, hindi mo ako iniwan. Nang magkasakit ako, sa halip na iwasan mo ako, mas inalagaan mo ako. Alam mo bang araw-araw kong ipinagdadasal sa Diyos na 'wag na Niya akong kunin?" Nagsimula nang magtuluan ang mga luha ko dahil hindi ko na napigilan. "Isa ka sa mga taong pinahahalagahan ko kaya ayokong iwanan ka. Marami pa tayong gagawin nang magkasama diba? Lalakas ako, gagaling ako. Magmimilagro ako. Hindi kita iiwanan. I love you, best friend." Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit at pareho na kaming napaiyak nang malakas.


Sa bawat pito ng coordinator namin ay siyang paggalaw namin sa gilid. Kahit na hirap na akong huminga ay kinakaya ko dahil gusto kong makausap kahit saglit ang mga batchmates ko. Kahit hindi ko sila ka-close nakakatuwa silang kausap.


"Kuya France!" Bakas sa mukha niya ang luha at hindi ko mapigilan ang matuwa. "Ang cute mo!"

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon