E I G H T

679 39 0
                                    

day 20

L E S L I E'S

"Bes, gusto niya raw akong makita sa personal!" Masiglang sabi sa akin ni Shana habang siya ay namimili ng mga notebook na gagamitin namin sa pasukan. "Pero bes, hindi kaya nakakahiya masyado? I mean super sikat siya tapos makikipag-usap siya sa akin.." Malumanay niyang sabi.


Napatingin ako kay Shana na seryosong nakatingin sa mga notebooks. Ang sarap sa pakiramdam na makitang ganito si Shana. 'Yung tipong ang pinoproblema lang niya ay kung magugustuhan ba siya ng crush niya imbis na isipin niya kung kailan na naman aatake ang sakit niya.


Bata pa lang, magkakilala na kami ni Shana. Kung sa iba ay Maria Clara ang dating niya, iba siya pagdating sa akin at sa pamilya niya. Kung hindi siguro dahil sa sakit niya ay malamang mas maingay pa siya kaysa sa akin.


"Bes, lalim ng iniisip natin jan ah!" Muli niyang sabi at napabalik ako sa realidad. Napatawa naman ako nang makitang sobra-sobra na naman ang biniling notebook ni Shana. Nakita niyang nakatingin ako sa pinamili niya at sumimangot sa akin. "Ang ganda kasi nila para hindi ko bilhin!"


I rolled my eyes and got my basket. "Oo na, oo na. Tara na bumili ng ballpen at magbayad para makakain na tayo." Sa sinabi kong iyon ay nagningning ang mga mata niya at hinila ako papunta doon sa may maraming ballpen.


Napakamasiyahin ni Shana. Minsan gusto kong magalit sa nasa itaas dahil sa lahat ng taong bibigyan niya ng sakit, talagang ang kaibigan ko pa. Bata pa lang kami nang ma-diagnose ang sakit niya at noon ay akala namin gagaling siya kung iinom siya ng gamot, pero nakalipas na ang maraming taon at mas lalo lang lumalala ang pag-atake ng sakit niya.


Pero alam kong may iba Siyang plano para kay Shana. Siguro ay malapit nang matapos ang mission niya sa lupa at kailangan na muli siya sa itaas.


Sana nga lang, 'wag Niya munang kunin si Shana. Hindi ko pa kayang mawala ang matalik kong kaibigan.


***


"Excited na akong kumain~" Pakantang sabi ni Shana at hindi ko maiwasan ang mahiya lalo na sa mga taong nakakarinig sa amin. Hindi ko naman siya mapagsabihan dahil baka bigla siyang malungkot at sumakit ang dibdib niya.


"So, Mcdo ba tayo o Tokyo Tokyo -"


"Tokyo Tokyo!" Napailing na lang ako nang hinila niya ako papunta sa Tokyo Tokyo at nagulat na lang ako nang napatigil siya. Bigla naman akong nag-alala at pumunta agad sa harap niya dahil baka umatake na naman ang sakit niya.


"Shana! Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo!?" Tinapik ko ang mukha niya pero wala pa ring reaksyon. Teka, hindi ganito ang pag-atake ng sakit ni Shana. Napatingin ako sa kung saan siya nakatitig, at pinigilan ko agad ang tawa ko dahil sa nakita ko. "Sabi mo gusto mo sa Tokyo Tokyo kaya dito tayo kakain!"


"Pero bes!" Bago pa siya makaangal ay hinigit ko na siya papunta sa loob at doon kami pumwesto sa katabing table nina Lucas. Hindi naman kami masyadong malapit at hindi rin masyadong malayo. Napangisi ako at itinulak paupo si Shana.


"Shana, ako na ang bahalang umorder ha? Libre ko na rin kaya jan ka lang!" Magsasalita pa sana siya pero umalis na agad ako doon at nagpunta sa counter. Hindi rin naman ako natagalan sa pag-order dahil walang pila at nang makabalik ako ay nakita kong nakayuko si Shana dahil nahihiya siya kay Lucas.


"Uy, Leslie ikaw ba 'yan? Leslie!" Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Francis na kasama ni Lucas. Oo nga pala, magkakabarkada sila. Kumaway ako sa kanya at pati na rin sa mga kaibigan niya. "Sino 'yang kasama mo?"


Nakita kong napaayos ng upo si Shana at tinitigan ako sa mata na para bang nagsasabing 'wag kong sabihin ang pangalan niya. I grinned and looked at Francis. "Si Sha-"


"Isabel!" Mabilis na sabi ni Shana. Napataas ang kilay ko dahil opportunity na ito para makilala siya ni Lucas pero bakit ayaw niya? Lumingon siya sa table nina Francis at ngumiti. "A-Ako si Isabel."


Napatango sila Lucas at kita kong hiyang-hiya si Shana. "So, sa school ka rin ba namin pumapasok?" Mukhang nagulat si Shana dahil si Lucas ang nagtanong at hindi niya maintindihan kung magsasalita ba siya o hindi.


"A-ah. O-oo. Winston International School." Sabi niya saka nag-iwas ng tingin. Hindi na ito bago sa paningin ko dahil likas na mahiyaing tao si Shana pero natatawa ako kasi nagkaganito siya dahil sa crush niya.


"Talaga? Bakit hindi kita nakikita?" Bago pa man masagot ni Shana ang tanong ni Lucas ay dumating na ang order namin and she sighed in relief. Tumingin naman ako sa table nila at sinabing kakain muna kami, sa nakangising tumingin kay Shana.


I can see that Shana genuinely likes Lucas. I really hope that Lucas will be able to make my friend happy especially now that she has not-so-many months left to live.

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon