T H I R T Y - F O U R

515 29 1
                                    


day 194

"Naiintindihan mo, Shana Isabel?" Pagtatapos ni kuya sa misa niya. Nabalitaan niya kasi last sports fest na inatake na naman ako dahil sa katigasan ng ulo ko. Hindi siya nakauwi last weekend kaya laking pasasalamat ko nang hindi ako nakarinig ng sermon pero wala eh, nang dumating siya kanina ay iyon agad ang sinabi niya sa akin.


"Opo, father Theo. Mas bagay ka yatang pari kuya eh." Pagbibiro ko pero mukhang hindi ito effective dahil masama pa rin ang tingin niya sa akin. "Kuya naman, sorry na diba? Promise, last na 'yung paglalaro ko ng frisbee. Atsaka, atleast nagsaya ako –"


"Kailangan mong maintindihan Shana na hindi lahat ng magpapasaya sa'yo pwede mo nang gawin! May limitations pa rin okay!?" Nagulat ako nang pagtaasan niya ako ng boses at nang mapansin niyang nag-iba ang ekspresyon ko, lumambot ang tingin niya sa akin. "Shana –"


Hindi ko na siya pinatapos pa at tumakbo na pataas sa kwarto ko. Walang lock ang pinto ko dahil baka kung ano daw ang mangyari sa akin sakaling hindi nila mabuksan ito, pero pumunta pa rin ako roon dahil gusto kong mapag-isa.


Napabuntong-hininga ako. Hindi ako galit kay Kuya. Naiintindihan ko kung bakit siya nagalit nang mabalitaan niyang nahimatay na naman ako dahil sa paglalaro. Pero for once, sana naman maintindihan nila na gusto kong mamuhay ng normal.



"Shana?" Rinig ko ang boses ni Kuya Theo at nagtalukbong ako ng kumot. "Kuya's sorry na, okay? I didn't mean to raise my voice on you." Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko pero hindi pa rin ako umiibo. "Natatakot lang ako kasi alam nating lahat anytime ay pwedeng tumigil sa pagtibok ang puso mo."


Mas lalo akong nalungkot sa sinabi ni Kuya. Totoo ang sinabi niya. Kaya tinaningan ako ni Doktora ay dahil hindi na kaya ng gamot ang karamdaman ko. Pero ayoko, ayokong mawala lalo na ngayong may mga kaibigan na ako.


Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Kuya kaya inalis ko ang kumot ko at yumakap pabalik sa kanya.


"Kuya, ayoko. Ayokong mawala." Mahina kong sabi. "Ayokong iwan kayo, si Leslie, si Lauren, pati na rin sina Lucas. Hindi ko kaya, Kuya." Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at hinaplos naman niya ang buhok ko.


"Defy expectations, okay? Patunayan mo kay Doktora na kaya mong tumagal ng isang taon." Mahinahon niyang sabi. "That also means that you should take care of yourself more. Kaya kapag sinabi naming bawal, hindi mo pwedeng gawin okay?"


Tumango ako at mas lalong yumakap nang mahigpit sa kanya.


"Nga pala, may mga naghihintay sa'yo sa baba." Napatingin ako sa kanya na nagtataka. Kung si Leslie naman iyon ay malamang nakapunta na 'yon dito sa kwarto at saka, it hasn't been too long since I went up to have my alone time. "Sabihin mo nga, sinong boyfriend mo doon?"


At pagkasabi niya noon ay agad akong bumangon at tumakbo pababa. Dinig ko pa ang pagtawag ni Kuya Theo sa akin pero hindi ko iyon pinansin dahil nagmamadali ako. Para kasing may kutob ako kung sino ang mga iyon at malamang ay iniinterview na sila ng mga magulang ko.


Nang makababa ako ay hingal na hingal ako at nakita ko si Ma na kinakausap sina Lucas. Sabi ko na nga ba at sila iyong pumunta!


"Oh, Shana! Nandito ang mga kaibigan mo!" Nakangisi niyang sabi at alam ko na ang iniisip niya. "Kanina ko pa sila tinatanong kung sinong boyfriend mo rito pero wala pa raw. Pero sabi nila crush mo daw si Lucas?"


Agad akong namula pagkasabi ni Mama noon. Hinding-hindi pa ako nag-oopen sa kanila ng tungkol sa crush ko dahil nahihiya ako. Kung sinabi ko man, malaman ay inaasar na nila ako ngayon dahil palaging ako ang trip nila.


"Lucas?" Dinig kong sabi ni Kuya at nakitang nilapitan niya sina Kuya France. "Sino si Lucas sa inyo?" Tanong niya at agad nilang tinuro si Lucas na mukhang kinakabahan. Napatawa na lang ako at lumapit kay kuya para suntukin ang braso niya.


"Crush lang naman kuya." Sinamaan niya ako ng tingin. "Alis na nga kayo rito! Nakakaabala kayo sa mga bwisita ko eh!" Pagtataboy ko kina Mama at Kuya. Ayaw pa sanang umalis ni Kuya pero sinamaan ko siya ng tingin at wala na siyang nagawa.


Umupo ako sa tabi ni Joshua at tumingin sa kanila. "Anong ginagawa niyo rito?"


Ngumisi si Matt at kinindatan ako. "Absent ka kasi kahapon kaya bumisita kami!" Masigla niyang sabi at napangisi na rin ako. Iba talaga kung makakapit itong happy virus ni Matt!


"Wala kayong mapagtripan kahapon ano?" Panunukso ko sa kanila at nagsitawanan naman sila. "Inatake lang ako kahapon pero okay na okay na ako!"


Napansin kong kunot na kunot ang noo ni Lucas kaya napatingin ako sa kanya.


"Bakit may kasama kayo ditong dugong?" Natawa naman sila sa sinabi ko at inirapan lang ako ni Lucas.


"Kahapon pa kasi kami dapat pupunta dito pero nakalimutan naming birthday pala ng kapatid ni France kaya hindi kami nakatuloy. Nabadtrip tuloy si Lucas." Binatukan naman ni Lucas si Matt dahil sa sinabi niya.


Tinaas-baba ko ang kilay ko at pabirong nginisian si Lucas. "Ikaw ha, may crush ka na sakin!" Natatawa kong sabi. Medyo namula naman ang mga pisngi niya at umiwas ng tingin.


"H-hindi ah! Ikaw ang may crush sa akin!" Napairap ako sa sinabi niya.


"Well, totoo naman." Sumandal ako sa sofa at siniko si Joshua. "Hoy panget, tahimik mo na naman."


Binato niya sa akin ang isang throw pillow at dahil sa inis ko, kinurot ko ang tuhod niya. "Aray!" Nakita kong namula ang pinagkurutan ko sa kanya atsaka natawa.


"Hoy, tama na 'yan. May gulaman dito." Natatawang sabi ni Kuya France at napatingin naman kami ni Joshua sa kanya. Maya-maya pa ay napatingin ako kay Lucas na masama na naman ang tingin sa akin.


Ano na namang ginawa ko?

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon