F O R T Y

392 19 0
                                    

day 228

"Uy Leslie nawalan na ako ng gana kumain enjoy ka ha." Sabi ko at agad na lumakad pabalik sa room namin. Hindi ko na hinintay pang magsalita si Leslie dahil hindi ko alam kung paano ako magdadahilan sa kanya. 


Bwisit na Lucas kasi 'yan. Pa-fall.

Ilang araw na simula noong huling chat namin at nahihiya pa rin ako. Ikaw ba naman kasi ang banatan ng crush mo, ano kayang mafI-feel mo? Pero ugh, baka isang pa-fall si Lucas! We'll never know mga bes huhu.

"Oh Shana." Hindi ko napansing matagal na pala akong nakatulala sa kawalan at nakabalik na si Leslie sa room. Kinuha ko ang inabot niya sa aking tinapay at juice at nagsimulang balatan ito. "Bakit mo ba iniiwasan si Lucas?"

Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya.

"Ganoon na ba ka-obvious?" Mahina kong sabi at napatawa naman siya. "Kasi naman, pa-fall siya!" Inis kong kinagatan ang tinapay ko habang inaalala ang pag-uusap namin sa messenger. Nakita ko namang casual na pumasok si Joshua sa room namin at nagtaka ako pero hindi ko na iyon pinansin.

Not until I noticed how he's walking right towards us. Hindi ko na napansin pa ang sinasabi ni Leslie at tumayo ako agad, saka hinila si Joshua paupo. Ginawa kong sangga ang malaking table sa harap namin at sinenyasan ko siyang tumahimik. Gulat niya akong tinignan at pinanlakihan ko na lang siya ng mata dahilan para hindi na siya muli pang magtanong. 

"Hay nako, Shana. Pati ako kinukulit na ni Lucas! Bakit ba kasi ayaw mong kausapin?" Nagulat ako nang makitang lumapit sa amin si Lauren habang nakangisi. Teka, paano 'non nakita na nandito kami!? "Nasa labas ang crush mo, pinapatawag ka sa akin." Kinindatan niya ako at bago pa ako makapag-react ay hinila na niya ako palabas.

"Huy Lauren!" Pilit kong kumakalas sa pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ko magawa kasi masyado siyang malakas. Nakarating na kami sa labas at nakita namin ang barkada nina Lucas na takang-takang nakatingin sa amin. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Joshua at bahagya niyang sinundot ang tagiliran ko bago tumayo sa tabi ni Matt.

"Shans, ayaw mo ba talaga kaming makita na kailangan ka pang hilahin ni Lauren palabas?" Nagtatampong sabi ni Matt at nag-akto pang nasasaktan. Natawa na lang ako at binatukan siya nang bitawan ako ni Lauren.

"May iniiwasan~" Sinamaan ko ng tingin si Kuya France na nakangisi lang sa akin at inakbayan ako. "De joke lang bebs. Bakit ba kasi ayaw mo nang sumama samin? Napangitan ka na ba kay Lucas?" Natawa ako sa sinabi niya at palihim na tinignan si Lucas.

"Porket naka-date lang ako, nahiya na." Natatawa niyang sabi at ang kaninang kilig ay napalitan ng inis. Sinamaan ko siya ng tingin pero ginantihan niya lang ako ng malaking ngisi. "Come on, Shana. Crush mo naman ako kaya 'di na big deal 'yon!"

"Paasa ka! Ayoko na sa'yo!" De joke lang. "Mag-t-time na, hindi pa ba kayo babalik sa room niyo?" Tanong ko sa kanila at nagtanguan sila.

"Kakausapin ka ulit namin bago mag-uwian ha?" Ginulo ni Kuya France ang buhok ko at kumaway na ako sa kanila. Umikot na ako para bumalik sa room nang makita si Lucas na ngiting-ngiti sa akin.

"Kinikilig ka lang eh." Lumapit siya sa akin para pisilin ang ilong ko, saka siya naglakad paalis. Halos hindi na magkaintindihan ang mga organs ko dahil sa ginawa niya.

Ugh, ang paasa mo Lucas!

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon