day 241
"Ang aga mo yata ngayon Lucas?" Tanong sa akin ni Mom. Ngumiti lang ako nang malapad sa kanya saka isinakbit ang bag ko sa balikat ko. "Kumain ka muna! Ikaw bata ka, nasasanay kang umalis ng bahay na hindi kumakain!"
"Ma, sabay na kami nina Joshua na kakain sa school." Lumapit ako sa kanya at saka hinalikan ang pisngi niya. Naglakad na ako paalis ng bahay at sinigurado ko munang hindi ako makikita ng mga kaibigan ko.
Pumasok ako nang maaga ngayon dahil gusto kong mabasa ang letter ni Shana. Kapag kasi kasama ko ang mga pangit ay sigurado akong uunahan nila ako sa pagbasa ng long message niya sa akin.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ay napaisip ako. Totoo ang mga sinabi ko kay Shana kahapon at sigurado akong narinig niya iyon. Okay na rin sigurong hindi muna namin i-open ang topic na iyon dahil sinusubukan ko pang alamin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa school. Dahil 6:15 pa lang ay kakaunti pa ang mga estudyanteng naririto. Tumakbo na ako papunta sa locker ko dahil gustung-gusto ko na talagang mabasa ang kung ano man ang gustong sabihin sa akin ni Shana.
"Shana talaga." Napatawa ako ng mahina nang makita ang isang long brown envelope sa locker ko. Talaga bang sineryoso niya ang long message niya? Atsaka, bakit parang may nakaumbok?
Naupo ako doon sa may bench na tanaw ang soccer field saka binuksan ang envelope. Nagulat naman ako nang makita na hindi lang letter ang laman nito. Mayroong isang maliit na box at nang buksan ko ito ay nakita ko ang isang simpleng anklet na mayroong charm na letrang "L'. Napangiti ako nang makita ang lumang anklet na bigay pa ng namayapa kong kapatid. Naaalala niya pa pala ang mga simpleng bagay na sinabi ko sa kanya?
Itinago ko ang box sa bag ko saka kinuha ang isang nakatuping papel. Tinitigan ko ang handwriting ni Shana at sa tingin ko ay isa ito sa mga pinakamalinis na nakita ko.
Lucas,
Haluuuuu! HEHEHE. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko dito. : (((( Okay ehem ehem. Una sa lahat, happy birthday! Matanda ka na naman HAHAHA. Okay seryoso na talaga. Lucas, maraming salamat kasi naging kaibigan kita. Hindi ko talaga inaakalang darating ang panahon na makakausap kita. 'Wag kang matatakot ha? Pero alam mo ba, dati, masaya na ako kahit nakatingin lang sa'yo? Kapag nakikita kitang nakangiti, napapangiti na rin ako. : ) Salamat din dahil naging kaibigan ko sila Kuya France, Matthew, at Joshua. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan : ) Salamat din sa mga panahong nakakausap kita. Nahihiya ako at times dahil nga crush kita, pero as days pass by, mas nagiging komportable ako kapag kasama kita. Mas gusto ko pang makasama ka nang matagal kaya magpapalakas ako. At kapag dumating ang panahon na iyon, sisiguraduhin kong liligawan kita ; ) HINDI AKO NAGBIBIRO OKAY. Happy Birthday ulit, Lucrush ng buhay ko!!
Nang matapos kong basahin ang letter niya ay napangiti ako. Iba talaga ang epekto sa akin ni Shana. Kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para sa akin ay napapasaya niya ako. Tumayo ako para salubungin ang mga kaibigan ko dahil alam kong sa oras na ito ay malamang nasa canteen na sila.
Binati ko ang mga nakakasalubong ko dahil sa maganda ang mood ko ngayon. Malapit na ako sa canteen nang mapansin ko ang isang babaeng pamilyar sa akin na umiiyak sa tapat ng locker ni Shana. Agad akong tumakbo papunta sa kanya dahil bigla akong kinabahan.
"Leslie! Ayos ka lang ba?" Nag-aaalala kong tanong. Tumingin siya sa akin at kita ko ang pamumula ng mga mata niya. Mas lalo naman akong kinutuban dahil iisang tao lang ang makakapag-paiyak kay Leslie. "Nasaan si Shana!?"
"L-Lucas, tumawag sa akin ang nanay ni Shana." Napatigil si Leslie nang marinig niya ang mga yabag ng paa ng mga kaibigan ko. Mas lalo siyang napayuko at ang sunod niyang sinabi ay nakapagpatigil sa mundo ko.
"B-biglang inatake si Shana at tumigil ang t-tibok ng puso niya. S-Sinugod siya sa hospital at... at hindi ko alam. H-hindi ko alam kung mabubuhay pa si Shana..."
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Teen Fiction; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.