S I X T Y - E I G H T

271 15 4
                                    


day 280

"Malapit na..." Bigkas ni Lucas habang ibinababa ang control doon sa may stuff toy. Pangatlong araw na ng fair at niyaya ko sila na maglibot naman ulit sa booths. Hindi kasi ako pinapasok kahapon para raw makapagpahinga ako eh. Ang pinagtataka ko lang, nasaan na kaya 'yung iba?


"Omg Lucas!"Masigla kong sabi nang makuha niya ang white na teddy bear. Pinanood namin iyon habang ibinagsak ng crane ang stuff toy doon sa butas. "Matapos ang halos isang daan mong try, nakuha mo rin!" Biro ko.


Sinamaan niya ako ng tingin bago yumuko para kunin ang bear. Nahihiya niyang iniabot ito sa akin kaya naman napangisi ako. "I-ikaw na nga 'tong binigyan ikaw pa 'tong may ganang manloko!" Pinisil ko ang pisngi niya dahil sobrang cute niya!


"Tara na nga, mag-ikot ba tayo! Balita ko, may anime booth dito. Tara roon!" Kumapit ako sa braso niya at tinignan kung paano siya magr-react. Katulad ko, kita ko ang pamumula ng mukha niya at hindi ko maiwasan ang matawa. "Lucrush, kakapit muna ako sa'yo ha? Marami kasing nakatingin sa'yo, baka mamaya makuha ka pa nila."


Lumingon siya sa akin at tinitigan ako ng ilang segundo bago ngumisi. Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pagtanggal niya sa hawak ko sa braso niya, at kinuha ang kamay ko saka niya ito hinawakan nang mahigpit.


"'Wag kang mag-alala. Sa'yo lang naman ako." Sabi niya saka ako kinindatan. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko hindi dahil sa sakit ko, kung hindi sa kilig na dulot ng binitawan niyang mga salita. Hay nako Lucas!


Tahimik kaming naglakad papunta doon sa anime booth. Pareho kaming ilang dahil na rin sa nangyari kanina. Medyo nakaka-conscious na nga rin ang tingin sa amin ng ibang estudyante eh. Pero, nakakatuwa. Atleast kahit ngayon lang, sa akin si Lucas.


Nang makarating kami sa booth ay namangha ako. Maraming posters doon at memorabilias. Napagawi ang tingin ko doon sa key chain na may figurine ni Mirajane at agad ko iyong itinuro kay Lucas.


"Lucas! Bibilhin ko 'to!" Parang bata akong nakangiti sa kanya. Napatawa naman siya at kinuha ang wallet niya. Bago pa man siya makapag-labas ng pera, umiling ako at pinigilan siya. "Ako na ang magbabayad."


Gamit ang isa kong kamay, kinuha ko ang wallet ko. Tinulungan ako ni Lucas na ilabas ang pera ko at natatawa naman akong tumingin sa kanya.


"Alam mo, pwede mo namang bitawan 'yung kamay ko para mapadali na tayo rito." Umiling lang siya na parang bata at hinayaan ko na lang siya. Tumingin naman ako roon sa nagtitinda at ngumiti. "Kuya, isa na rin nung kay Laxus."


Nang maiabot na sa akin ang dalawang key chain, ibinigay ko ang bayad. Tinignan ko naman si Lucas at inabot sa kanya 'yung Laxus key chain.


"Ship ko si Mira at si Laxus gaya nang pags-ship ko sa atin." Kinindatan ko siya at pinisil ang kamay niya na may hawak sa kamay ko. "Katulad ni Mira, magpapalakas ako para naman pantay na tayo."


Pilit akong ngumiti kahit na sa kaloob-looban ko ay hindi ko sigurado kung lalakas pa nga ako. May mga milagrong nagaganap sa mundong ito... pero hindi ko alam kung isa ako sa mga mapapalad na makakaranas nito.

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon