day 210
"Joshua, doon muna kayo ni Shan mag-stay sa garden okay?" Sabi ng nanay ni Joshua at tumango kami. Nandito kami sa bahay nila dahil inimbita kami ni Tita na dito mag-lunch at pumayag naman kaagad si Mama kasi wala naman kaming gagawin.
Naglakad na kami papunta sa garden nila saka naupo doon sa may bench. Napahanga naman ako sa ganda ng mga bulaklak sa hardin nila dahil mukhang alagang-alaga sila. Kinuha ko ang phone ko at saka sila pinicturan.
"Bano ka na naman." Mapang-asar na sabi ni Joshua. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sinisira niya ang maganda kong mood ngayong araw.
"Alam mo, minsan ka na nga lang magsalita puro insulto pa." Inis kong sabi at inirapan siya.
"Kainsu-insulto ka kasi." Sabi niya at napatawa nang mahina. "De joke lang, ito naman affected kaagad." Nakangiti niyang sabi at hindi ko maiwasang mapatitig.
Kung titignan ng maiigi si Joshua, gwapo naman siya eh. Maputi, baby-faced, at mukhang mabait. Mukha lang. Napatawa na lang ako at umiling. Bakit ko pa pinag-iisipan ng ganito si Joshua?
"Pogi ko talaga." Napairap na lang muli ako dahil pinupuri na naman niya ang sarili niya.
Nanatili kaming tahimik dahil wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Nakakatuwa nga lang at hindi nakakaiilang ang katahimikan. Siguro minsan kailangan ko rin ng break mula sa kaingayan nina Matt at Lucas.
"Josh." Mahina kong sabi. "Sa tingin mo, magiging okay lang kaya sila kapag... alam mo na." Hindi ako tumingin sa kanya dahil hindi ko kayang makita ang kalungkutan sa mga mata niya. "'Wag na nga lang!" Pilit akong tumawa pero nanatili siyang tahimik.
"Mahihirapan si France. Sobra. Siya ang pinakamalapit sa'yo bukod kay Lucas. Kapatid ang turing niya sa'yo. Si Matt, sasabihin man niyang okay siya, sa loob ay nalulungkot siya. Malandi ang taong 'yon pero hindi ka niya kayang landiin kasi mahalaga ka na sa kanya. At si Lucas..." Napatigil siya ng sandali. "Hindi ko alam kung kakayanin niya. He lost his sister with the same sickness as you."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Si Lucas... Ayokong saktan si Lucas. Alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin kahit na gustung-gusto ko siya. Pero kahit papaano, mahalaga siya sa akin at ang huling bagay na gusto kong makita ay ang umiyak siya nang dahil sa akin.
"Dapat na ba akong lumayo?" Kita ko ang gulat sa mga mata niya at kahit na sinabi ko iyon, gusto kong ipahiwatig niya na ayaw nilang mapalayo ako sa kanila. Nakatitig lang kami sa isa't isa; walang may alam kung anong sunod na sasabihin.
"You'll only hurt us more." Sa simpleng sinabi niyang iyon ay hindi ko mapigilan ang mapaluha.
"Sa pagtagal, lalong sasakit. Hindi ba mas mabuti na kung lalayo na ako habang maaga pa?" Pinipigilan kong huwag pumatak ang mga luha ko dahil sawang-sawa na akong umiyak. Ilang tao pa ba ang sasaktan ko?
"It's too late now, Shana." At ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. Tumayo siya at lumuhod sa harap ko, saka tumingkayad para yakapin ako. "You don't want to hurt us, right? Then stay alive, Shana. Live not only for us, but also for yourself."
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Ficção Adolescente; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.