T H I R T Y

529 27 2
                                    

day 184

"OMG GO LESLIE!!" Sigaw ko kay Leslie na ngayon ay nauunahan na ang iba pa niyang kalaban. Third day na ng sports fest namin at ngayong araw ginaganap ang sport ni Leslie. May finals pa sa Friday at alam kong makakapasok si Leslie doon.


Naramdaman ko naman na humigpit ang akbay sa akin ni Kuya France at medyo nabawasan ang excitement ko. Oo nga pala, baka atakihin pa ako ngayon at malaman pa nina Lucas at Matt. Hindi pa rin sa akin sinasabi ni Kuya France na alam niya ang kondisyon ko pero extra ang pag-aalaga niya sa akin ngayon.


"YES LESLIE!!" Napatayo ako nang wala sa oras dahil si Leslie ang unang nakarating sa finish line. Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit, pero agad siyang kumalas at binatukan ako. "Aray ko naman, Les!"


Inirapan niya ako at inilagay ang mga kamay niya sa gilid ng baywang niya. "Sino ba kasing may sabi na tumakbo ka papunta sa akin ha? Nasaan ang mga kasama mo? Paano kung umatake ang sakit mo?"


Alam kong concerned lang si Leslie kaya sobra niya akong pagalitan. Pero natawa na lang ako at yumakap ulit sa kanya.


"Sorry na po~" Paglalambing ko at maya-maya pa ay narinig ko ang tawa niya at niyakap niya ako pabalik.


"Congrats Les!" Dumating na sina Lucas at inapiran si Leslie. Tumabi ako kay Matt na inakbayan ako habang pinapanood namin silang kausapin si Leslie.


"Oy bebs." Wika ni Matt at napatingin ako sa kanya. Napansin ko namang medyo namula siya kaya nagtaka ako. "E-eto, tubig. Pinapaabot ni Lucas." Inabot niya sa akin ang isang bote ng tubig gamit ang isang kamay niya at kinuha ko na 'yon.


"Thanks Matt!" Niyakap ko siya nang patagilid pero naramdaman kong itinulak niya ako ng marahan. "Luh siya, siya na nga ang nilalambing." Nag-pout pa ako sa kanya pero tinawanan niya lang ako at lumapit sa akin para bumulong.


"Magagalit kasi si Bossing." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako nang marinig namin ang sigaw ni Lucas.


"Tama na ang landian niyo, kumain na tayo!" Napalingon ako sa kanya at parang hindi maipinta ang mukha niya. Pero oks lang, pogi pa rin si crush. : > Nang makalapit na kami ni Matt kina Leslie ay napansin kong halos hindi na sila makahinga sa sobrang pagtawa.


"May jelly jelly ~"


***


"Wala ka ba talagang sasalihan Shana?" Tanong ni Matt at umiling ako. "Sayang, akala ko pa naman magaling sa volleyball. 'Yung height mo kasi pwedeng pang-blocker eh!" Kahit naman gustuhin ko, hindi pwede. Nakakalungkot lang sa gusto ko talagang laruin 'yun pero hindi pwede eh.


Hindi na ako pinilit ng homeroom adviser namin na maglaro dahil alam naman niya ang kondisyon ko. Sinabi ko na lang sa kanya na huwag banggitin sa klase dahil baka kung ano pa ang isipin nila.


"Pero marunong akong maglaro ng Frisbee!" Proud kong sabi at maya-maya pa ay naramdaman kong inapakan ako ni Leslie sa paa. Sinamaan ko siya ng tingin at gumanti rin siya ng tingin.


"Talaga? May Frisbee ako sa bahay, dadalhin ko sa Friday!" Natutuwang sabi ni Lucas at sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Leslie.


"Manonood ka lang sa aming maglaro, Shana." Sinamaan niya muli ako ng tingin pero nag-pout ako. "Aish, makinig ka na lang!"


Sumimangot ako sa kanya at nagpaawa. "Les naman, ang tagal ko nang hindi nakakapaglaro ng Frisbee!"


Noong bata kami, madalas kaming maglaro ni Leslie ng frisbee. Tanda ko pa noon, palagi naming kalaro si Kuya at ang mga pinsan ni Leslie. Pero napatigil kami sa paglalaro dahil doon na-develop ang sakit ko.


"Shans, makinig ka na lang kay Les." Nakikiusap na sabi ni Kuya France. Nag-pout ako sa kanya para payagan niya ako pero umiwas lang siya ng tingin.


"Shana, manonood ka lang. That's final." Dumagdag pa 'tong si Joshua na forever kontrabida sa buhay ko!


"Teka teka, bakit niyo ba pinagbabawalan si Shana? May hindi ba kami alam dito?" Nagtatakang tanong ni Matt. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at sasagot na sana nang maunahan ako ni Lucas.


"May asthma ka nga pala, Shana." Nakahinga ako nang maluwag dahil hanggang ngayon ay naniniwala pa rin si Lucas na asthma lang talaga ang sakit ko. Nakita kong tinabunan ako ng tingin ni Joshua pero tinignan ko lang sila na parang nagsasabing 'mag-e-explain ako mamaya'.


"Pero naman kasi! Isang round lang, please!" Pinagdikit ko ang mga palad ko dahil desperado na akong makasali sa laro nila. Minsan ko na lang makakalaro si my labs kaya dapat nila akong pagbigyan!


Napabuntong-hininga si Leslie at tumingin sa akin. "Okay, isang round lang ha?"


Napangiti ako nang malawak dahil sa pagpayag ni Leslie. I can't wait for Friday to come!

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon