day 186
L U C A S'"Habulin mo Les!" Natatawang sabi ni Shana bago ibato ang hawak niyang frisbee. Gaya nga ng napangakuan ay dinala ko ang frisbee para makapag-saya kami sa last day ng sports fest namin.
Malayo-layong naibato ni Shana ang frisbee, at kita kong sa likod ng mga ngiti niya ay pagod na pagod siya. Napansin kong namumutla na siya at matinding pinagpapawisan kaya nilapitan ko siya at tinapik sa likod.
"Ayos ka lang?" Tanong ko at napatingin naman siya sa akin. Saglit siyang natahimik bago tumango at tumingin muli sa direksyon ni Leslie.
"Shana, pahinga ka muna!" Kahit naghihingalo na si Leslie ay hindi niya nakalimutang paalalahanan si Shana. Kahit na pilit nilang itago sa akin, may kutob akong hindi lamang asthma ang sakit ni Shana. Masyadong mabilis mapagod si Shana at nag-iiba na ang kulay ng mukha at mga kuko niya.
Natatakot ako kasi may hawig ito sa sakit ng namayapa kong kapatid.
"De, okay lang! Hindi pa tapos ang round na 'to diba?" Hingal na hingal na sabi ni Shana at mas lalo akong nag-alala. Nakatayo lang siya doon pero parang mas mukha pa siyang pagod kaysa kay Leslie.
"Shana, 'wag ka nang matigas ang ulo." Madiing sabi ni Joshua. Napapansin ko ring masyadong nagiging concerned itong si Joshua na madalas ay wala namang pakialam sa mundo. Bakit ba tinatago pa rin nila ito sa amin gayong malalaman din naman namin kinalaunan?
Umiling lang si Shana at inagaw ang frisbee kay Leslie. "Hindi! Balik na sa pwesto bago ko pa ibato 'to!" Pilit na pinasigla ni Shana ang boses niya pero halatang pagod na pagod na siya. Kahit na nag-aalinlangan akong iwanan siya doon ay bumalik ako sa pwesto ko nang hindi inaalis ang mga mata kay Shana. "Oka...y. Ready!"
Naghanda na kami para tumakbo at nang maihagis na ni Shana ang frisbee, kasabay nito ang pagbagsak ng katawan niya.
"Shana!" Napasigaw ako nang wala sa oras at dahil ako ang pinakamalapit sa kanya, binuhat ko na siya at walang pasabing tumakbo papunta sa infirmary.
Mabilis mapagod, bawal ang extreme feelings, namumutla ang mukha at maging ang mga kuko, at irregular na heartbeat.
Please, 'wag sanang tama ang hinala ko.
Mabilis na nakahabol ang mga kaibigan namin at binuksan ni France ang pinto. Marahan ko siyang ibinaba sa kama at tinignan si Leslie na maluha-luhang may hinahanap sa bag ni Shana.
"Si Shana?" Tanong ng school nurse namin. Napatango na lang si Leslie at nagtaka ako dahil kahit hindi niya nakita kung sino ang dumating, alam na niya kung sino ang pasyente. "Leslie, kumalma ka. Ako na ang kukuha ng gamot sa bag niya."
Hindi na napigilan ni Leslie at napaiyak na siya nang ibinigay niya ang bag sa nurse. Tinignan ko ang mga itsura nina France at Joshua at bakas dito ang pag-aalala. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Matt.
"Sabihin niyo nga sakin, hindi lang asthma 'to diba!?" Nagulat kami sa lakas ng boses niya. Bihira lang namin marinig na magalit si Matt at alam naming this time, may kasalanan sila. Napaiwas ng tingin si France kaya naman si Joshua ang tinignan ni Matt. "Ano!?"
"She has a terrible heart disease." Sinagot ng nurse ang tanong na matagal nang naka-imbak sa utak namin ni Matt. Narinig kong inexcuse ni Leslie ang sarili niya at sinundan naman siya ni France. Si Joshua naman ay nanatiling nakatingin kay Shana na ngayon at tinuturukan ng gamot na pamilyar na pamilyar sa akin.
"Don't tell me..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tipid akong nginitian ng nurse. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nilapitan ako ni Matt at hinawakan ang braso ko.
"Shana will be fine, mas malakas pa 'yan sa kabayo eh." Kung hindi lang talaga seryoso ang atmosphere ngayon malamang nabatukan ko na 'tong si Matt. Ang bilis maka-recover sa galit ng isang 'to.
"She can be gone anytime, but she's trying not to." Malungkot na sabi ni Joshua. Napatingin ako sa kanya at kita kong nakatitig pa rin siya kay Shana na ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. "Pasyente siya ni Mom and she has no longer than a year to live."
"Madalas dalhin dito si Shana simula pa lang ng elementary siya. At sa lahat ng oras na iyon ay walang malay si Shana, katulad na lang nito." Sabi ng nurse at pinanood namin siyang halikan ang noo ni Shana. "Please make her happy."
At doon ay umalis siya. Lahat kami ay natahimik lang habang nakatingin kay Shana.
Kaya ba naglakas-loob siyang kausapin ako?
Kaya ba binigay sa akin ni Leslie ang bucketlist niya?
Napabuntong-hininga ako at umalis na doon. Kailangan kong mag-isip-isip dahil hindi ko kayang mawalan na naman ng isang mahalagang tao sa buhay ko dahil sa kaparehong sakit.
***
A/N
buhay pa ako hahahaha (laughing on the outside but silently dying inside)
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Подростковая литература; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.