S E V E N T Y - F O U R

264 18 1
                                    


day 290

"Kuya, ang sarap naman nito!" Natutuwa kong sabi habang kinakain ang preserved fruits na dala niya. Ngayong araw ay solo ko si Kuya Theo at dinala niya ako dito sa may Family Park para mag-picnic kami. Gusto ko sanang mag-biking pero sabi ni Kuya, mamaya na lang daw.


Nakangiti niyang ginulo ang buhok ko. Napanguso naman ako dahil ang tagal ko pa namang ipinayos itong braid kay Leslie!


"Nakanguso ka na naman, pangit mo talaga." Mas lalo siyang natawa sa itsura kong naaasar at sinuntok ko naman ang balikat niya. Bakit ba ang mean ng mga kuya! "Shana, nga pala, bakit puro lalaki ang mga kaibigan mo?"


Napatingin naman ako sa kanya at seryoso siyang nakatitig sa akin. Natawa naman ako dahil sa inaasal niya. "Ikaw talaga kuya, napaka-protective mo!" Pinandilatan niya ako at wala na akong nagawa kung hindi ang sagutin ang tanong niya. "Eh kasi kuya, kilala mo naman si Lucas diba? Crush ko siya, tapos nagkataon na naging close rin ako sa barkada niya so ayon."


"Sigurado ka bang crush mo lang si Lucas?" Nanlaki naman ang mga mata ko at ngayon siya naman ang tumatawa. "Hay nako Shana, dalaga ka na talaga. Kahit ayaw kong nakikitang lumalaki ka na, masaya ako kasi nakikita ko namang maganda ang relasyon mo sa mga taong nasa paligid mo."


Napangiti ako sa mga sinabi ni Kuya. Simula bata pa lang kami ay palagi niya na akong inalagaan. Sila ni Leslie ang mga naging una kong kaibigan. Nasanay na akong kaming tatlo lang kaya naman noong nag-college na si Kuya Theo, medyo natakot ako. Paano kaya kung magbago siya? Paano kung hindi na niya ako maalagaan?


Pero lahat ng iyon ay naglaho. Na-realize ko na kahit kailan, hinding-hindi ako pababayaan ni Kuya. Binigay siya sa aking ng Panginoon kasi alam Niyang aalagaan ako ni Kuya Theo kahit anong mangyari.


Sumandal ako sa balikat niya at tumingin sa mga pamilyang naroroon sa park. Medyo nalungkot naman ako dahil alam kong noong bata pa si Kuya, maaga siyang nag-mature para sa akin.


"Kuya, salamat." Ramdam kong napatingin siya sa akin.


"Para saan naman? Wala pa namang tayong masyadong nagagawa ngayong araw?"


Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagtingin sa mga taong nasa park. "Salamat kasi hindi ka nagalit sa akin kahit na noong mga bata pa tayo ay bihira ka lang makalaro. Salamat kasi ginabayan mo ako sa paglaki ko. Salamat kasi kahit nag-college ka na, hindi ka nagbago." Iniangat ko ang ulo mula sa balikat niya, saka siya nginitian. "Salamat kasi ikaw ang Kuya ko."


Kita ko ang malawak niyang pag-ngiti at niyakap niya ako nang mahigpit. "Ikaw talaga! 'Wag ka ngang ganyan! Mas gusto ko kapag inaaway mo ako!"Pagbibiro pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kaniya.


"Kuya, sakay na tayo sa bike!" Pag-aaya ko sa kanya nang bumitaw na kami sa isa't isa. Tumango naman siya at sinimulan na naming ayusin ang picnic mat. Nang matapos kami, ipinalagay muna namin ang mga gamit sa locker at rumenta ng isang bike.


"Aangkas ka sa akin kaya 'wag kang makulit. Kapag nahulog ka, iiwan talaga kita!" Sumaludo naman ako sa kanya, bago umupo doon sa likuran. Niyakap ko siya mula sa likod at nagsimula na siyang mag-pedal.


Habang nag-b-bike kami, ipinikit ko ang mga mata ko. Ang sariwang simoy ng hangin ay nakaka-relax, at napaisip ako sa kung hanggang kailan ko mararamdaman ito. Magsasalita sana ako nang maramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Napayakap ako ng mahigpit kay Kuya at pinilit na makahinga.


"Shana, ayos ka lang?" Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya, kaya naman tumango ako. Titigil sana siya nang mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Sigurado ka bang ayaw mong itigil?"


"K-Kuya, gusto ko, maging masaya ka. Kung... may espesyal kang babae sa buhay mo, pwede ko ba siyang makilala? Hindi ko kasi alam kung tatagal pa ako eh."


a/n

malapit na pala 'tong matapos hehe

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon