day 319
"C-A-M-P-F-I-R-E SONG!" Masigla naming kanta habang tumutugtog ng gitara si Joshua. Pang-ilang araw na namin dito at sobrang saya ko dahil maayos ang bonding namin.
"Ayoko na! Wala na akong hininga!" Reklamo ni Leslie at nahiga na doon sa may buhangin. Natawa naman kaming lahat sa inasal niya. "Wala na ba tayong ibang gagawin? Inaantok na ako!"
Pinalo ko ang hita niya at napasigaw naman siya. "Napaka-KJ mo talaga! Ngayon na nga lang tayo nakapag-campfire tapos ganyan ka pa!" Inirapan niya lang ako at umayos na ng upo. "So, ano na ang gagawin natin?"
"Heart-to-heart talk." Biglang sabi ni Kuya Francis. "Noong huli kasi tayong nagkausap-usap nang matino ay noong retreat. Sabihin natin kung ano ang gusto nating sabihin: mapa-kanino man 'yan o para sa ating lahat."
Napatango kami sa ideya ni Kuya France. "So, sino ang magsisimula?" Tumaas ng kamay si Matthew at lahat naman kami ay nagulat.
"Naks si Papi nag-volunteer!" Pang-aasar ni Lucas. Inirapan lang siya ni Matthew, bago umayos ng upo ang ngumiti sa amin.
"Una sa lahat, at hindi sa huli, ang pogi ko." Napatawa kaming lahat. Si Matt talaga! "Pero seryoso, gusto ko lang sabihin na ito na siguro ang pinakamasayang taon ko sa buong buhay ko. Kahit na mas naging pasaway ako ngayong fourth year, masaya naman ako dahil hindi niyo ako iniiwan sa mga trip ko sa buhay."
Napatingin siya kina Kuya France at ngumiti. "Elementary pa lang, tropa ko na kayo. Nakakasawa na nga eh! Mapa-school o family gatherings ay kayo na lang ang kasama ko!" Hinampas siya ni Joshua sa braso. "Pero kahit na halos magkapalit-palit na tayo ng mga mukha, hinding-hindi ko kayo ipagpapalit kanino man." Nakangiti niyang sambit. Lumingon naman siya sa amin saka napatawa. "Shana, Les. Salamat at dumating kayo dahil kung hindi, baka nagsawa na talaga ako sa mga pangit na 'to. Sa college, wala pa ring iwanan ha? Magkakasapakan talaga tayo!"
"Na-touch ako papi!" Lumapit si Lucas kay Matt at pilit naman siyang pinagtulakan ni Matt dahil niyakap siya nito. Si Joshua naman ay binato ng buhangin ang dalawa kaya naghiwalay.
"Ako naman!" Masiglang sabi ni Leslie. "Lucas, Matthew, Francis, Joshua. Maraming salamat kasi dinagdagan niyo ng kulay ang mundo namin ni Shana. Noong una, hindi ako handang magpapasok ng ibang tao sa buhay namin ni Shana dahil natatakot akong baka masaktan siya." Tumawa siya nang mahina. "Pero pinatunayan niyo sa aking may mga ibang tao pang kayang magmalasakit kay Shana katulad ko."
Nagpanggap naman si Kuya France na nagpupunas ng luha kaya napatawa kami. "Shana, alam mo na naman ang mga sasabihin ko sa'yo. Gusto ko lang ipaalala sa'yo na palagi mong aalagaan ang sarili mo dahil maraming nagmamahal sa'yo." Tumango ako at niyakap siya patagilid.
"Ako ang sunod!" Sabi ni Joshua. "Wala na naman akong sasabihin sa mga kabarkada kong pangit dahil nasabi na lahat ni Matthew kaya kina Shana na lang at Leslie." Natatawa niyang sabi. "Leslie, salamat kasi palagi kang nandiyan para alagaan si Shana. Salamat din kasi ikaw ang dahilan kung bakit ko nabubuking ang mga sikreto ni Shana." Bigla akong napatawa.
"Shana, gaya ng sabi ni Leslie, palagi mong aalagaan ang sarili mo. Kapag bawal, bawal. Kapag nalaman kong tumatakas ka na naman ay sisiguraduhin kong ako na ang magbabantay sa'yo." Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya.
"Oh, ang pinakapogi naman." Wika ni Lucas at umubo-ubo pa. "Sa three musketeers, ang masasabi ko lang ay ang hindi papasok sa Bloomfield University ay mababaog." Sinamaan siya ng tingin ni Joshua kaya naman napatawa siya. "Joke lang! Pero seryoso, kahit may isang mapapahiwalay, dapat tropa-tropa pa rin ha?"
Nagtanguan sila at nag-fist bump pa sina Matt at Kuya France. "Shana at Leslie, katulad ng mga sinabi nila, thankful kami dahil naging close tayo. Hindi ko pa alam kung saang university kayo nag-exam pero sana, magkaroon pa rin tayo ng contacts kahit malalayo na tayo."
Napangiti naman kami at unti-unting nagtanguan. "Shana, huli ka na. Ako muna." Sabi ni Kuya France. "Masaya ako dahil ang huling taon natin sa high school ay naging ganito kasaya. Hindi ko ine-expect na mayayaya niyo uli akong mag-beach dahil alam niyong takot ako sa isda." Napatawa naman kaming lahat.
"Mahirap ang tatahakin natin sa college, at may mga oras na iisipin nating hindi na natin kaya pero tignan niyo lang ang picture ni Joshua na natutulog habang nakanganga, mamo-motivate kayo." May lumipad na bote patungo sa direksyon ni Kuya France at napa-aray naman siya. "Joshua, kahit palagi mo akong sinasaktan, mahal pa rin kita."
"Pakyu."
"Anyway, graduation na natin next week. Advanced congratulations sa atin!" Nagpalakpakan kami at tumayo naman si Kuya France para mag-bow.
Napangiti naman ako dahil ako na ang sunod. Humugot ako ng malalim na hininga bago tuluyang nagsalita.
"Ilang beses ko na sigurong sinabi sa inyo kung gaano ako kasaya dahil nakilala ko kayo. Mula kay Leslie hanggang sa inyo, Lucas, salamat kasi palagi kayong nandiyan para pasayahin ako. Pasensya na at napakapasaway ako. Pasensya na rin dahil mahilig akong mag-sikreto. Ayoko lang kasi talagang nag-aalala kayo.
"Isang araw, mawawala rin ako. Alam ko 'yun, at alam niyo 'yon." Kita ko ang paglungkot ng mga ekspreyon nila at kahit naluluha ako ay pinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Ang gusto ko lang na tandaan niyo ay kung mamamatay man ako bukas, masaya naman ako. Masaya ako kasi nakilala at nakasama ko kayo. Masaya ako kasi maraming natupad sa bucketlist ko at iyon ay dahil sa inyo. Salamat, salamat talaga.
"Magising man kayo na wala na ako sa buhay niyo, ang gusto ko lang malaman niyo palagi ko kayong babantayan at pakikiusapan ko ang lahat ng anghel sa langit na bantayan kayo at ilayo kayo sa kung ano man ang makapagdudulot sa inyo ng sakit. Gusto ko ring malaman niyo na hindi ko kayo malilimutan at lahat ng alaala na kasama kayo ay dadalhin ko sa kabilang mundo."
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Novela Juvenil; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.