F O R T Y - T W O

388 23 1
                                    


day 231

"Happy New Year!" Masigla kong bati sa kanila. Kita ko ang inis sa pagmumukha nila at hindi maiwasang mapatawa. "Ito naman, 30 minutes lang akong na-late ah!" Tinabihan ko si Leslie pero inirapan niya lang ako saka siniko ang tagiliran ko.


"Sabi ko na nga ba kaya hindi ka sumabay eh. Na-late ka ng gising ano?" Pinitik niya ang noo ko at napanguso ako. "Nako, Shana! Hindi tatalab 'yang pagpapa-cute mo sa amin lalo na at pinaghintay mo kami nang matagal!"


"Shans, crush kita pero nasaan ang hustisya? Gumising ako nang maaga dahil sabi mo ang mal-late ay pangit!" Madramang sabi ni Matt at sinamaan ko lang siya ng tingin.


Lumapit si Kuya France sa akin saka ginulo ang buhok ko. "Oh siya, siya. Tara na at baka mapuno na 'yung bagong restaurant na kakainan natin." Nagsitayuan na sila sa mga inuupan nila at tumingin ako kay Kuya France na para bang nagpapasalamat dahil niligtas niya ako sa mga batikos ng mga kaibigan ko. "Kapalit nito, ililibre mo kami ng pamasahe."


Napabuntong-hininga na lang ako habang tumatawa naman sila. Sabi ko na nga ba at wala nang libre sa panahon ngayon!


"Ikaw kasi ang nagplano tapos ikaw 'tong mal-late." Natatawang sabi ni Lucas at sinamaan ko na lang siya ng tingin. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep at hindi ko maiwasan ang kabahan pa rin. Bakit ba kasi napaka-touchy ni crush?


Pilit kong inaalis ang kamay niya sa balikat ko pero mas lalo niya itong hinigpitan at wala na akong magawa kung hindi ang hayaan siya. Tumingin na lang ako sa malayo para hindi niya makita ang pamumula ng mga pisngi ko.


"Ang tahimik mo na naman." Reklamo niya saka inilapit ang mga labi niya sa tainga ko. "Mas cute ka kapag naiinis." Bulong niya at ramdam ko ang pagbilis lalo ng tibok ng puso ko. Inipon ko ang lakas ko saka siya tinapakan at tumakbo papalapit kay Joshua.


Kumapit ako sa braso niya at lumingon kay Lucas, na paika-ikang lumakad. Napatawa ako ng malakas saka siya binelatan.


"Kayong dalawa talaga." Inirapan ako ni Joshua at mas lalo akong napatawa. "Ano bang nakain mo at napaka-hyper mo na naman?"


Napatingin ako sa kanya saka pinaghiwalay ang halos magkadikit niyang mga kilay. "Alam mo, ang pogi mo pero palagi kang nakasimangot." Nginitian ko siya at napaiwas siya ng tingin. Napansin kong medyo tumaas ang gilid ng kanyang mga labi at napatawa nang mahina. "'Yan, mas pogi ka na."


***


"And now we're starting over agaiiiiiiiiiiiiiiin~" Kulang na lang talaga ay umalis ako dito sa videoke room dahil sa pangit ng boses ni Kuya France. Ramdam na ramdam niya ang pagkanta, at hindi niya napapansin na halos gusto na namin siyang patigilin sa pagkanta.


"SHANA, PAABOT NGA NIYANG MUSIC BOOK!" Sigaw sa akin ni Lucas at saka tinuro ang music book na hawak ko. Kahit katabi ko siya ay kailangan naming magsigawan dahil naging rock song ang love song na kinakanta ni Kuya France. "ANO ANG PABORITO MONG KANTA?"


"SPARKS FLY BY TAYLOR SWIFT!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumango siya saka humanap ng kanta sa song book. Napatingin naman muli ako kay Kuya France at napatawa dahil matapos niyang kumanta ay maluha-luha siya.


"Ano ba 'yan France, matagal na kayong hiwalay ni Judy pero hindi ka pa nakakamove-on!" Pabirong sabi ni Matt at tinapik at likod ni Kuya France habang papaupo siya. "Pero pre, advice lang ha. Next time 'wag ka nang hahawak ng mic. Ikwento mo na lang."


Napatawa kami sa sinabi ni Matt at sinamaan na lang siya ng tingin ni Kuya France. Maya-maya pa ay nakatanggap ng batok si Matt at napaaray siya nang malakas.


"Hindi niyo kasi naiintindihan ang pinagdadaanan ko!" Sabi niya saka isinubsob ang mukha niya sa mga palad niya. Napahagikgik kami at hindi nagtagal ay narinig ko ang isang pamilyar na beat, saka napatingin sa nakatayo.


"Shans, mas mai-in love ka sa akin kapag narinig mo akong kumanta." Kinindatan ako ni Lucas at rinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan namin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at laking pasasalamat ko dahil medyo dim ang room.


The way you move is like a full-on a rainstorm

And I'm a house of cards

You're the kind of reckless that should send me running but I

Kinda know that I won't get far

And you stood there in front me

Just close enough to touch

Close enough to hope you couldn't see what I was thinking of


Halos mapanganga ako nang marinig kumanta si Lucas. Maraming beses ko na siyang narinig pero ito ang unang beses na may inalay siyang kanta sa akin. At talagang ito pa ang paborito ko.


Drop everything now

Meet me in the pouring rain
Kiss me on the sidewalk

Take away the pain
'Cause I see sparks fly whenever you smile

Get me with those black eyes baby as the lights go down

Give me something that'll haunt me when you're not around

'Cause I see sparks fly whenever you smile


Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang naririto ngayon. Para bang siya lang ang nakikita ko at tama siya, mas lalo nga akong nahuhulog. Rinig ko ang pagtibok ng puso ko at hiling ko lang na sana ay marinig niya rin ang pinahihiwatig nito.


Sa buong kanta ay nakatitig lang siya sa akin at ramdam ko ang pangangalay ng mga panga ko dahil sa sobrang pag-ngiti. Sino ba naman kasing hindi matutuwa na kinantahan siya ng taong gusto niya?


Akala ko, simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero ngayong mas nakilala ko na siya, alam kong mas nahulog na ako. Kahit hindi niya ako saluhin, ayos lang. Ang mahalaga ay alam kong sa tamang tao ako nagkagusto at hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Dadalhin ko ang alaalang ito kahit sa ibang mundo.

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon