F O R T Y - F O U R

369 24 3
                                    


day 240

"Ugh, Matt 'wag ka ngang magulo!"


"Shana, sabi nang magtago ka na lang! Ibaba mo na 'yang banners na hawak mo! Si France na ang magkakabit!"


"Lauren, stop playing with the damned pasta! Francis! 'Wag mong galawin ang party popper! Baka pumutok 'yan dahil sa katangahan mo!"


"Hindi ba pwedeng sumundot kahit sa frosting lang?"


"Shana!!" Sigaw nilang lima at napabuntong-hininga na lang ako. Inalis ko na ang titig ko doon sa cake at nagtago sa likod ng sofa nina Lucas.


Dahil birthday ngayon ng aking bebelabs, napagdesisyunan naming magpa-surprise party. Numinja na kami paalis ng school at iniwan mag-isa si Lucas para makapaghanda. Kakuntsaba namin ang parents niya at pansamantala siyang dinala sa labas para ilibre ng merienda.


"Joshua, sinong may sabi na ikaw ang magle-lettering – shet! Ano 'to!? Kinaykay ng manok?" Reklamo ni Matt at nang sumilip ako ay nakita kong binatukan siya ni Joshua. Binato ni Joshua ang pentel pen sa mukha ni Matt at padabog na nagpunta sa tinataguan ko.


"Oy, panget." Pang-aasar ko sa kanya at sinamaan niya naman ako ng tingin. "Welcome to the Walang Silbi Club!" Itinaas ko pa ang kamay ko para mag-high five siya pero inirapan niya lang ako at nanatiling tahimik sa tabi ko.


Napanguso naman ako. Sa tagal na rin ng pinagsamahan namin ay nasasabayan ko na ang mood swings ni Josh. Oh diba, ako pa ang nag-adjust? Kahiya naman kasi sa mahal na prinsipe eh.


"Nandiyan na daw sila sa gate ng subdivision!" Sigaw ni France at kanya-kanya na silang tago dito sa living room. May bumato ng party popper sa ulo ni Joshua at hindi ko maiwasan ang mapatawa dahil lalong sumama ang timpla ng mukha niya.


"Joshua naman! 'Wag ka nang sumimangot jan!" Itinaas ko ang magkabilang gilid ng labi niya at mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Magsasalita pa sana siya nang marinig namin na ipinutok nila ang mga party popper nila at napatayo agad kami ni Joshua dahil huli kami.


"HAPPY BIRTHDAY!!" Sigaw naming anim at saka ipinutok ni Joshua ang kahuli-hulihang party popper. Awkward na ngumiti si Lucas at napakamot sa batok niya. Lumapit na si Lauren sa kanya habang dala-dala ang cake na binili namin.


"Make a wish pre." Natutuwang sabi ni Matt saka tinapik ang likod ni Lucas. Nang makalapit kaming lahat sa kanya ay nginitian niya kami isa-isa, saka niya ipinikit ang mga mata niya. Ang pogi ng aking bebelabs huehue.


Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin binubuksan ni Lucas ang mga mata niya kaya nagkatinginan kaming lahat at napangiti ng nakakaloko.


"Salamat nga pala –" Hindi na siya natapos sa pagsasalita dahil isinubsob ni Kuya France ang mukha ni Lucas sa cake. Mabuti na lang at nahipan na niya ito at ngayon ay puno ng icing ang mukha ni Lucas. "Kayo talaga!"


Nagsimula kaming magtakbuhan dahil alam na namin ang kasunod. Akala ko ay walang hahabol sa akin kaya naman nagtago ako doon sa likod ng vase pero laking gulat ko nang makitang ngiting-ngiti sa akin si Lucas.


Tuluyan na akong napaatras at ramdam ko ang likod ko na nakasandal sa vase kaya bago niya pa ako mapahiran ng icing ay itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko.


"Subukan mo akong pahiran at baka mabasag itong vase!" Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil napapikit na rin ako. Hinihintay ko na may dumapong kamay sa akin pero halos isang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya gumagalaw. Aalisin ko na sana ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa mukha ko nang maramdaman kong hinila niya ako saka niyakap nang mahigpit.


Hindi ako makaimik dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Naamoy ko din ang icing mula sa mukha niya at alam kong ang iba ay napakapit na sa buhok ko pero wala na akong pakialam. Naririnig kaya ni Lucas ang lakas ng tibok ng puso ko?


"Alam mo kung anong hiniling ko, Shana?" Mahina niyang sabi at mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa akin. Magsasalita pa sana siya nang putulin ko ang sasabihin niya.


"'Wag mong sabihin sa'kin. Sige ka, baka hindi 'yan matupad." Inalis ko na ang pagkakatakip ng mga palad ko sa mukha ko at ipinulupot ang mga kamay ko sa batok niya. "Happy Birthday, Lucrush ko."


Rinig ko ang mahina niyang pagtawa at napangiti ako. Kahit ilang minuto pa kami sa ganitong posisyon ay okay lang sa akin. Ikaw ba naman ang yakapin ng long-time crush mo?


"Shana." Isinubsob niya ang mukha niya sa gilid ng leeg ko at bumulong. "Nagugustuhan na yata kita."

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon