day 182
"Ang busy naman nilang lahat!" Mangha kong tanong habang tinitignan ang mga ka-batch kong busy sa pag-wa-warm up. Katatapos lang ng opening ceremony namin at masasabi kong super excited na ako para sa week na ito! By batch ang labanan this year kaya naman sobrang excited kaming lahat.
"Basta tandaan mo Shana, kapag mauubusan ka na ng tubig, maghanap ka ng malapit na water fountain para makapag-refill ka. Hindi ka pwedeng mag-stay sa ilalim ng init, kaya dapat dala mo ang payong mo kapag manonood ka na. Sinabihan ko na rin sina Lucas na samahan ka kapag may laro ako tutal hindi naman nagkakasabay ang sports namin. Tsaka—"
Tinakpan ko na ang bibig ni Leslie dahil ang dami niya pang sinasabi na alam ko na naman. Alam kong gusto niya lang na ayos ang lahat dahil bago pa namin napilit sina Mama na payagan akong umattend ay sumuot kami sa butas ng karayom.
"Oo na po. Kapag naman hindi ko na kaya, ako na ang magvo-volunteer na pupunta ng infirmary." Nakangisi kong sabi at nag-thumbs up sa kanya. Maya-maya pa ay lumapit sa amin si Lauren na sobrang ganda sa suot niyang sportswear.
"Magsisimula na ba ang contest niyo?" Tanong ni Leslie kay Lauren at kinakabahan itong tumango. Napatawa naman ako at kinurot ang braso ni Lauren dahil natutuwa talaga ako sa ayos niya ngayon.
"Kanina ka pang kurot nang kurot Shana ha!" Naiinis niyang sabi at napatawa na lang kami. "Pero guys, kinakabahan talaga ako." Sabi niya at nang hawakan ko ang kamay niya ay nanlalamig ito at pinapawisan.
"Sus, ikaw pa ang kinabahan eh magaling ka sa mga ganito!" Pag-chi-cheer up ko kay Lauren. Kahit papaano ay nabawasan ang nerbyos sa mukha niya at ngumiti siya nang kaunti. "Basta kapag kinakabahan ka, tumingin ka lang samin!"
Umirap naman siya at binatukan ako. "Edi mas lalo akong kinabahan!" Magsasalita pa sana siya nang biglang tawagin na ang contestants para sa contest at hinila na niya kami papunta roon sa may mga upuan. Nakakatuwa nga at pinag-reserve niya pa talaga kami!
Nang makaupo kami ay naramdaman kong may kumulbit sa akin. Lumingon ako at napatawa nang makita sina Matt na sobrang lapit ng mukha sa akin.
"Shana!" Excited na sabi ni Matt at ginulo ang buhok ko. Nag-pout ako at mas lalo siyang napangiti. "Ang cute talaga ng Shana ko!" Proud niyang sabi at guguluhin pa sana ulit ang buhok ko nang paluin ko ang kamay niya.
"Shana hindi ka ba naiinitan? Buti na lang talaga ang covered itong gym. Sabihin mo ha kapag nahihirapan ka? Para mapaypayan kita." Rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Kuya France. May hinala akong alam na niya ang kalagayan ko pero, paano kaya niya nalaman?
"Hoy panget, sabi ni Mama bantayan ka raw namin kaya no choice kayong dalawa kung hindi ang isama kami sa kahit saan." Sabi ni Joshua at piningot ko naman ang tenga niya. "Aray naman!"
"Kung labag sa loob mo edi 'wag mong gawin!" Inis kong sabi sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Bago pa man makapagsalita si Joshua ay nabaling ang atensyon namin sa MC na masiglang nag-ho-host sa taas.
Maya-maya pa ay lumabas na ang representatives per batch. Masasabi kong lahat sila ay sobrang kikisig at nang mapatingin ako sa kaliwa ay nakita ko kung gaano ka-gwapo si Lucas. Siya ang partner ni Lauren at aaminin ko, may kaunti akong inggit sa kaibigan ko.
Kung hindi lang sana ako mahina, ako ang ka-partner niya.
"Let us all welcome this year's representatives for our Mr. and Ms. Sportsfest 20XX!" Masayang sabi ng MC at nagsipalakpakan naman kami. Isa-isa na silang nag-pakilala at rumampa doon sa unahan.
Syempre kahit na natutukso na akong magpalit ng crush dahil sa sobrang gwapo ng representative ng juniors, nang si Lucas na ang rarampa, hindi ko maiwasan ang mapanganga. Nakasuot kasi siya ng jersey ng soccer players at bagay na bagay ito sa kanya.
"Shana, ang bibig." Hindi ko na-realize na literal na akong napanganga. Pero hindi niyo naman ako masisisi. Sobrang pogi ng bebe ko eh.
***
"Congrats Lucas at Lauren!" Masaya naming bati sa dalawa nang makababa sila ng stage. Agad silang pumunta sa amin at niyakap namin ni Leslie nang mahigpit si Lauren.
"Sabi na sa'yo eh, kaya mo 'yan!" Ginulo ko ang buhok ni Lauren na ngiting-ngiti lamang sa amin. Muli ko siyang niyakap at hinayaan na siyang makasama ang mga kaibigan niya. Lumingon ako at pupuntahan sana si Lucas nang mapansin na sobrang dami ng nagkukumpulan malapit sa kanya. I just shrugged and went to where Leslie was standing.
"Na-text ko na si Manong, susunduin na raw niya tayo." Sabi ko kay Leslie. Since first day pa naman ng sports fest ay wala pang games at tanging ang contest lang ng Mr. and Ms. Sportsfest ang event.
Napatingin ako sa kung nasaan si Lucas. Gustung-gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Naaalala ko tuloy 'yung mga araw na hanggang tingin lang ako sa kanya at medyo bumigat ang puso ko dahil parang bumalik lang ulit sa dati.
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Teen Fiction; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.