T H I R T Y - E I G H T

495 29 4
                                    

day 223

"Ano bang meron sa isang amusement park? Diba may rollercoaster doon? Gusto ko doon tayo mauuna! Tapos may haunted house din diba? Samahan mo ako Leslie ha—"

"At sinong may sabing hahayaan ka naming sumakay sa mga 'yon?" Napatingin ako kay Lucas na katabi ko ngayon sa van. "Kami ang magdedesisyon kung saan ka pwedeng sumakay." Matalas niya akong tinignan at napanguso ako.

"Pero kasi! Hindi masaya ang pagpunta sa amusement park kung hindi ako makakasakay doon!" Pagrereklamo ko. Totoo naman kasi. Noong mga bata pa kami ni Kuya, madalas kaming ilibre ng lola ko sa amusement park. Pero dahil hindi ako pwede, hindi kami nakakasama ni Kuya sa mga pinsan ko at sa ibang lugar na lang kaming nililibre ni Lola.

"Shana, nag-promise kami sa parents mo na hindi ka namin hahayaang atakihin ulit ngayon. Makinig ka na lang sa amin, okay?" Lumingon si Kuya France sa ako nginitian. Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala na rin naman akong magagawa kung makikipagtalo pa ako.

"Medyo malayo pa naman tayo diba? Tara mag-soundtrip!" Tumingin sa akin si Matt saka kumindat, at napatawa naman ako. Gumaan ang loob ko dahil alam kong ayaw ni Matt na nakikitang malungkot ako.

"HEY I JUST MET YOU AND THIS IS CRAZY!"

"BUT HERE'S MY NUMBER!"

"SO CALL ME MAYBE!!"

Pinanood ko sila habang nagpa-party sa loob ng van at vineodahan ko sila. Si Kuya France na nasa pinakaharap ay napa-facepalm na lang dahil nahihiya yata roon sa driver namin. Maging si Lucas na kanina ay katabi ko ay nakikipagsayaw na kay Matt.

"Hindi ko alam kung bakit kaibigan natin ang mga 'to." Natatawang sabi ni Lauren nang tumabi siya sa akin. Sumandal ako sa kanya habang patuloy na vinevideohan ang mga ugok. "Patay sila kay Leslie kapag nagising 'yon."

Sinilip ko naman ang best friend ko nasa harap ko at laking pasasalamat ko na tulog pa rin siya. Kapag nagkataon na masama ang gising ng isang 'to, lagot ang apat na iyon sa kanya!

***

"Shana, smile!" Mas lalo akong napasimangot nang picturan ako ni Lucas. Nang makarating kami rito sa amusement park ay tinignan agad nila kung saan ako pwede at hindi pwedeng sumakay. Pero bakit kasi sa lahat ng sasakyan talagang dito pa sa carousel!?

"Wala namang thrill dito eh!" Napanguso ako at sumandal doon sa poste na nasa gitna ng kabayo. Taas-baba lang ang ginagawa nitong kabayo at medyo nahihilo na ako dahil kanina pa kaming umiikot. "Doon kasi tayo sa rollercoaster!"

Tinignan ako nang masama ni Lucas at nagpaawa na lang ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin saka tumuon para guluhin ang buhok ko.

"Sa kabilang buhay, baka pwede na." Natatawa niyang sabi at napairap na lang ako. Kahit crush ko 'to, minsan talaga nakakapang-init ng ulo!

Nang matapos nang umikot ang carousel, pinanood naming tumambay si Joshua roon sa may tapat ng basurahan habang naglalabas ng sama ng loob. Napatawa na lang ako at pinicturan siya. Napatingin siya sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin.

"Hmm, pwede naman siguro si Shana sa Rio Grande ano?" Nagningning ang mga mata ko sa sinuggest ni Lauren. "I mean, mababasa lang naman siya doon and may extra naman siyang dala?"

Napatango si Leslie at nabuhayan ako ng loob. "Mamaya na lang siguro bago magdilim para hindi naman mapawisan 'yung extra nating damit." Niyakap ko nang mahigpit si Lauren dahil hindi siya ganoon ka-strikto tulad ni Leslie. Yun nga lang, akala niya ay asthma lang ang sakit ko.

"Tara dun sa swan!" Aya ni Lucas at naglakad na kami papunta doon. Mabuti nga ay wala masyadong pila dahil paniguradong matatagalan kami kung nagkataon!

"Dalawahan doon diba? Sinong sasakay mag-isa?" Tanong ni Kuya France at agad akong kumapit kay Lauren. Pero maya-maya pa ay hinigit siya sa akin ni Leslie at nauna na silang sumakay.

"Madaya!" Pagrereklamo ko at pinanood sila habang nag-pe-pedal sila paalis. Sasama sana ako kay Joshua pasakay nang maunahan ako ni Kuya France at bumelat pa sa akin. Napatingin ako doon sa dalawang natitira at napairap. "Ako na nga lang mag-isa!"

Sumakay na ako doon sa Swan at nag-seatbelt na. Pepedal na sana ako paalis nang maramdaman kong may tumabi sa akin at laking gulat ko nang makita ko si Lucas. Bumalik ang kaba sa dibdib ko dahil kaming dalawa lang ang nandito.

Usually, kapag magkakasama kaming magkakabarkada, hindi kami awkward ni Lucas. Nandiyan si Matt para magpatawa, at nandiyan si Joshua para mang-okray. Unang beses namin ni Lucas na kami lang ang magkasama at hindi ko maiwasan ang kabahan.

"Tahimik mo yata?" Napatingin naman ako sa kanya at siya naman ay nakatingin lang nang diretso. "Hindi ako sanay."

Napatawa ako nang mahina at tumingin sa paligid namin. "Tahimik naman kasi talaga ako, kapag nandiyan lang si Matt saka ako nag-iingay."

Dinig ko ang mahina niyang pagtawa at hindi ko maiwasan ang mamula. Kung siguro ay ako pa rin si Shana noon, malamang nahimatay na ako sa tuwa!

Ilang minuto rin kaming tahimik at pinapanood lang namin ang mga kaibigan namin na ipahiya ang sarili nila. Kanina nga ay tumayo pa si Matt at nag-pose ng kung anu-ano para magpapansin –

"Shana, kung tatanungin kita ngayon kung bakit mo ako gusto, may magbabago ba mula doon sa sagot mo dati?" Halos tumigil ang mundo ko nang itanong niya iyon. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatitig siya sa akin, dahilan para mamula ang aking mga pisngi. Parang abnormal na tumitibok ang puso ko at sinusubukan kong huminga.

"B-bakit mo naman natanong 'yan? Hehe." Kinakabahan kong tanong at seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin na para bang naghihintay ng sagot ko. "Ano...meron? Since nakilala na kita, I guess mas nagustuhan ko ang personality mo?" Nakangiti kong sabi. "Hoy ha, sana hindi 'to maging awkward though aware ka na crush kita. Alam ko namang hindi mo ako magugustuhan—"

"Sino may sabing hindi?" Napatigil ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatawa siya nang mahina at ako naman ay naiwang nakatulala dahil sa sinabi niya. Dmn, Lucas. 'Wag kang paasa!

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon