Day 150
FRANCIS'
"Hoy Joshua! Nandito na ang pogi mong kaibigan!" Sigaw ko habang nasa tapat ako ng bahay nila. Nagyaya mag-dota ang mga loko at dahil nakuha na ulit namin ang allowance namin ay dayo na naman kami sa comp shop. Meron naman kaming pc sa bahay pero mas masaya maglaro sa shop dahil magkakasama kami.
Ilang minuto na akong nandito pero hindi pa rin ako pinagbubuksan ng mokong. Sinipa ko ang gate at laking gulat ko nang malamang bukas pala ito. Pagalit akong pumasok sa gate nila at walang hiya-hiyang binuksan ang pinto nila.
"I told you, hindi niyo pwedeng pilitin si Shana na umattend ng sports fest niyo! Masyadong delikado para sa puso niya!" Natigilan ako sa paglalakad at agad nagtago doon sa may sliding door na papunta sa kusina nila. Bakit kilala ng nanay ni Joshua si Shana? At saka, bakit feeling ko wrong timing ang pambubulabog ko?
"Ma, please. It's in her bucketlist. Let her be." Mahinahong sabi ni Joshua. Hinding-hindi ko narinig na mag-away ang dalawa kaya naman laking gulat ko sa nadatnan ko. At ang topic pa nila ay si Shana na hanggang ngayon ay hindi ko gets kung bakit napasama siya.
Nang tumahimik ay papasok na sana ako sa kusina nang matigilan ako sa narinig ko.
"You know that she doesn't have more than a year to live right? Causing her stress might lessen her days and that's the only thing that we want to prevent right now." What the... "I've treated many patients but Shana's case is different. And I hate that I can't do anything to make her live longer."
Ang nanay ni Joshua ay isa sa mga pinakasikat na cardiologist dito sa bayan namin, at maging sa buong Pilipinas. Kilala siya bilang doktora na kayang gamutin halos lahat ng sakit sa puso. Pero ang marinig mula sa kanya na wala siyang magawa sa case ni Shana...
"Have you been there for awhile?" Napalingon ako kay Joshua na ngayon ay nakatingin sa akin. Kita ko ang disappointment at takot sa mga mata niya, at hindi ko maiwasan ang magalit ng kaunti dahil itinago niya ito sa amin.
"Bakit hindi mo sinasabi sa amin?" Matigas kong sabi at napayuko na lang siya.
"I accidentally found out about it when she had her check-up in my mom's clinic." Umiwas siya ng tingin. "And she doesn't want anyone to know about it." Mahina niyang sabi at hindi ko maiwasan ang manlumo.
Sa maikling panahon ay napamahal na ako kay Shana. Not in a romantic way, but I treat her as my little sister. Nag-iisa lang akong anak at tanging sina Joshua lang ang itinuturing kong mga kapatid hanggang sa makilala ko si Shana.
Knowing about her condition hurts me.
"Bakit si Shana pa?" Unang beses kong mapaluha sa isang bagay na walang koneksyon sa pamilya namin at wala na akong pakialam kung nagmumukha akong tanga kasi sobrang sakit lang talaga ng nalaman ko. "She's way too precious for this..."
Tumingin si Joshua sa lupa at pinigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. "I know..." Hindi si Joshua ang tipong mabilis malungkot kaya naman alam kng kahit papaano ay naging mahalaga na si Shana sa kaniya. "But, let's make this year memorable for her. She has a bucketlist and we have to fulfill all of them no matter what."
Tumango ako at isang mahabang katahimikan ang nanaig sa amin. Naputol na lamang ito nang mag-ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Lucas. Kahit na mabigat pa rin ang puso ko ay sinagot ko ito.
"France! Mabubulok na kami dito sa comp shop tapos wala pa kayo!" Masigla niyang sabi at hindi ko maiwasan ang malungkot muli. Hindi man sabihin ni Lucas ay nasanay na siya sa presensya ni Shana at alam namin ni Joshua na sa lahat ay siya ang pinakamaaapektuhan. "Huy, France! Francis!! Yoohoooo!"
"Ah, oo. Papunta na kami." Maikli kong sagot at binabaan na siya ng tawag bago pa ako tuluyang mapaiyak. Tumingin ako kay Joshua at sumenyas na aalis na kami.
Shana, we'll make you happy no matter what it takes.
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Teen Fiction; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.