day 100
"Bes, sabi na kasing 'wag ako ang gawin niyong model eh!" Irita akong sabi kay Leslie pero busy siya sa paglalagay ng beads dito sa suot ko.
Celebration ngayon ng linggo ng wika namin at noong isang buwan ay nagbotohan kung sino ang magiging model ng tatahiin na Maria Clara-styled gown na ipe-presinta namin ngayon. At dahil dakilang epal ang kaibigan ko, ninominate niya ako at nanalo pa nga!
"Bes, nahihiya ako!" Dagdag ko pero tumingin lang siya sa akin at ngumisi. Napairap na lang ako dahil alam kong nag-eenjoy siya ngayon. Bukod kasi sa pagiging magaling sa sports ay aspiring designer ang best friend ko.
"Perfect! Bakit ba ngayon lang namin na-discover ang beauty mo teh!" Natutuwang sabi ni Rose habang iniikutan ako. "Bongga! Panalo na tayo niyan! Ay wait – Lauren! Ayusin mo nga 'tong bulaklak sa buhok ni Shana. Parang matatanggal eh!"
Napabuntong hininga na lang ako. Wala na akong nagawa dahil napagkaisahan na ako ng mga ito. Ngiting-ngiti namang lumapit si Lauren sa akin habang may dalang maraming bobby pins.
"Ikaw kasi Shana eh, ang hilig mong umabsent. Hindi tuloy namin naagahan ang pagpapasali sa'yo sa contests!" Natatawa niyang sabi at nakitawa na lang ako.
Hindi katulad ng dati na super invisible ako, ngayon ay tila mas napapansin na ako ng mga kaklase ko. Mula pa lang noong pagkuha nila ng measurements ko at pagsusukat sa akin habang ginagawa nila ang bestida, nakakakwentuhan ko na sila at hindi ko maiwasan ang maging masaya.
"Perfect! Tara na sa gym, baka mahuli pa tayo." Sabi ni Lauren at inayos ang buhok ko. Mula naman sa labas ay rinig ko na ang hiyawan ng mga estudyante (mga lalaki mostly). Malamang ay nagsilabasan na ang mga babaeng suot ang gown nila.
"Huy in fairness, maganda 'yung gown ng section Pak Ganern!" Sabi ni Jasmin na kakapasok lang. "Pero syempre, My Pamily pa rin ang mananaig kasi isa tayong pamilya!" Nagsigawan naman ang mga kaklase ko at maging ako ay nakisali na rin.
"Oh ayan Shana, ayos na 'yung beads. Tara na lumabas!" Aya ni Leslie at tumango naman ako. Unang lumabas ang iba kong kaklase na natira sa room para ayusan ako. Kumapit sa braso ko si Leslie at nginitian ko siya. Sa sobrang kaba ko ay pakiramdam ko naninikip na naman ang dibdib ko. "Calm down, Shana. Tatayo ka lang naman doon eh."
Maya-maya pa ay lumabas na kami ni Leslie at hindi ko maiwasan ang mabingi sa mga hiyawan sa labas. Papaalis na sana kami nang makita namin sina Lucas na nakatambay sa harap ng classroom namin. Kita kong naninibago sila sa itsura ko kaya naman lalo akong nahiya.
"Hala, Shan! Ikaw ba 'yan?" Natutuwang tanong ni Kuya France saka ako nilapitan. "Ang ganda mo! Lucas, oh! Ito na ang matagal mong hinihintay!" Awkward akong napatawa sa sinabi ni Kuya France. Hindi ko na tinignan ang ekspresyon ni Lucas dahil alam kong wala naman ito para sa kanya.
"Shana bebs! Lalo tuloy kitang naging crush!" Guguluhin sana ni Matt ang buhok ko pero pinalo ko ang kamay niya at malakas siyang napaaray. "Sadista ka pa rin kahit na dapat ay Maria Clara ang style mo ngayon!" Napanguso ako at piningot niya ang ilong ko.
"Babae ka pala." Napalingon kami kay Joshua, na nakangiti ng nakakaloko. Inirapan ko siya at natawa siya ng mahina. "Ganda mo." Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi naman siya madalas na magbigay ng magandang komento sa isang tao.
"Matagal na." Sagot ko at napatawa na lang kami. Umiling si Joshua at binigyan ako ng thumbs up at napangiti na naman ako.
"Ano..." Napatingin naman kami Lucas na nakahawak sa batok niya habang nakatingin sa ibang direksyon. Anong problema ng isang 'to? "Baka ma-late na kayo sa gym. Tara na."
Kung sasabihin kong hindi ako nag-expect ay nagsisinungaling ako. Sa kanilang apat, tanging ang compliment niya lang ang hinihintay ko. Hindi niya ba nagustuhan ang suot ko? Bigla na lang akong nalungkot at agad nang tumalikod para hindi mapansin ang pagbabago ng mood ko.
"Tama si Lucas, tara na!" Masigla kong sabi at hinila na si Leslie palayo sa kanila. Hay nako, Shana! Wala ka talagang mapapala sa pagiging assuming mo! Asa ka pa namang mapapansin ka niya!
Naramdaman kong sinundot ni Leslie ang tagiliran ko, at napatingin naman ako sa kanya. "Uy, disappointed siya." Natatawa pa niyang sabi at napasimangot na lang ako. Hay, hindi ako dapat ganito mamaya para manalo kami!
Nang makarating na kami sa gym ay huminto muna ako para huminga nang malalim. Tatayo lang ako at ngingiti para manalo kami. Maganda ang pagkakagawa nila sa suot ko kaya dapat hindi masira ang mood ko dahil hindi ako cinompliment ni Lucas!
"Shana!" Bago pa man ako tuluyang makapasok ay napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon at nagulat ako nang makitang hinihingal si Lucas. Napataas ang kilay ko dahil hindi ko makita kung nasaan ang tatlong asungot. "Ang ganda mo!" Sigaw niya sa harapan ko at bigla na lang tumakbo papasok sa loob.
Hay nako Lucas, ang galing mo talagang mang-iwan sa ere.
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Teen Fiction; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.