T W E L V E

665 36 0
                                    

day 29

"Shet bes, ang hirap taguan ni Lucas!" Reklamo ko sa kanya habang nakaupo kami Rito sa may tagong part ng students' park. Dalawang araw na simula noong sinabi niyang hahanapin niya ako at syempre, ayaw kong magpakita kasi nahihiya ako.


Palagi niya akong kinukulit sa chat na gusto niya akong makita pero sinasabi ko sa kanya na kasabay ko palagi ang bestfriend ko tuwing break at lunch time. Hindi ko naman alam na may lahing kakulitan pala itong si Lucas!


"Bakit mo ba kasi tinataguan eh gusto ko na ngang makita nung tao?" Nagtatakang tanong ni Leslie. Hindi niya kasi gets na baka sobrang ma-overwhelm ako at biglang atakihin sa harap niya! 'Yun ngang kapag ka-chat ko siya sobrang bilis na ng tibok ng puso ko eh. Sa personal pa kaya?


"Basta bes, hinding-hindi ako magpapakita sa kanya—"


"Huy Leslie!" Kahit nakatalikod ako ay nabobosesan ko ang taong iyon. Nakita kong napangiti ng malawak si Leslie at inapakan ako para hindi ako makaalis sa inuupuan ko.


Shet talaga! Isa 'yon sa mga kaibigan ni Lucas eh!


Rinig ko na may mga paparating at hindi ko maiwasang kabahan. Shet shet shet! Umisip ka Shana ng paraan para hindi ka niya makita!


Para bang may kung anong bumbilya ang gumana sa utak ko at napangiti ako nang palihim. Hinawakan ko ang dibdib ko at saka nagpanggap na hindi ako makahinga sa sobrang sakit.


"L-Leslie..." Mangiyak-ngiyak kong sabi pero sa totoo ay halos matawa na ako sa pinaggagawa ko. Nakita ko namang nagpanic si Leslie at agad akong nilapitan.


"Leslie! Si Shana ba 'yan?" SHET SI LUCAS MY LABS. "Huy, anong nangyayari?"


Hindi na siya sinagot ni Leslie dahil inalalayan niya na ako patayo at umalis na kaagad kami doon. Rinig pa namin ang tawag ng mga kaibigan ni Lucas pero hindi na namin sila pinansin at tinahak ang daan papunta sa nurse's office.


Bago pa man kami makapasok ay pinigilan ko ang kamay ni Leslie sa pagbubukas ng pintuan at umayos ng tayo saka ngumiti sa kanya. "Sorry Leslie." Pagpapaumanhin ko at bago pa man siya makasagot ay tumakbo na ako palayo.


"Shana Isabel Dy!!" 

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon