day 270
"Shana, you're awake!" Nang mabuksan ko ang mga mata ko ay agad kong nakita ang pag-aalala sa mga mata ng kuya ko. Teka, may pasok ngayon ah? Bakit ba siya nandito? Atsaka, nasaan ako? Ano bang nangyari? Ang pagkaka-alala ko ay kumakain kami nina Mama ng umagahan...
Nagtataka akong tumingin kay Kuya at napabuntong-hininga siya habang hinahawakan ang aking mga kamay. "Shans, nahimatay ka raw kahapon habang kumakain kayo ng breakfast. Mabuti na lang at naisugod ka sa hospital dahil kung hindi, baka tumigil na naman ang tibok ng puso mo."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa bintana. Gabi na, kaya naman siguro ay tama ang sinabi niya. Itinapat ko ang aking kamay sa kung nasaan ang puso ko at pinakiramdaman ito. Bakit... bakit ba mas lumalala ang pag-atake ngayong masaya na ako?
"Dito ka muna ha. Sasabihan ko si Dra. na gising ka na. Darating din si Leslie maya-maya kaya hintayin mo lang." Hinalikan niya ang noo ko bago tuluyang lumabas ng silid ko. Hindi ko na mapigilan at tuluyan nang nagsipatakan ang mga luha ko.
Malapit na ba? Malapit ko na ba silang iwan? Hudyat na ba itong malapit na sa limit ang katawan ko at kahit anong oras ay maaari na akong mawala? Pwede bang humingi ako sa Maykapal ng kahit kakaunting oras para mabuhay pa?
"Shana!" Nang marinig ko ang boses ng best friend ko ay lalo na akong napahagulgol. Lumapit siya sa akin at niyakap ako, at naramdaman kong hinahaplos niya ng marahan ang aking ulo. "Shh, Shana. Ang mahalaga ay ayos ka na kaya 'wag ka nang umiyak."
Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. "Leslie, n-nararamdaman ko na. M-malapit na. Baka... hindi na ako umabot ng graduation!" Naiiyak kong tugon sa kanya at nang tinignan ko ang mga mata niya ay bakas ang pagkagulat rito. "Mas lalo akong h-humihina. L-Leslie... tulungan mo ako. Tulungan mo akong tumagal para makasama ko pa kayo."
Sa tindi ng pag-iyak ko ay ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko na napansin ang pagpasok ni Dra. at ng kuya ko. Pinanood nila kami ni Leslie hanggang sa tuluyan na akong kumalma.
"Shana, you've been experiencing too much overwhelming emotions." Malungkot na saad ni Dra. habang hawak-hawak ang kamay ko. Napatungo ako. Mali bang maging masaya ako sa piling ng mga kaibigan ko?
"It is advisable for you to rest but since malapit na rin namang matapos ang school year na ito, papayagan pa rin kitang pumasok. But promise me, do not tire yourself out. I'll be asking your friends to watch over you."
Tumango na lang ako dahil wala akong enerhiya para sumagot. Nakakapagod isiping malapit na pala akong mawala sa mundong ito nang marami pang hindi nagagawa. Nakakalungkot isipin na hindi ko na mapapanood ang mga kaibigan kong mag-mature at bumuo ng sarili nilang pamilya.
Naluluha akong tumingin kay Dra. at kina Kuya.
"Pwede bang 'wag niyo nang sabihin ito kina Joshua? Gusto ko kasi na... maging masaya ang mga natitira kong araw sa mundo." Bakas ang pagkagulat sa mga mukha nila at maya-maya pa ay nakita ko ang galit na ekspresyon ng kuya ko.
"Ano bang sinasabi mo Shana!? Natitira mong mga araw!? Paano mo nagagawang isipin ang bagay na 'yan gayong mas gusto ka pa namin makitang mabuhay!?" Umaalingawngaw ang boses ni Kuya sa buong kwarto at lahat kami ay natahimik.
Kilala ko ang katawan ko. Kahit na ilang beses ko pang ipilit na kayanin... anytime soon ay maaari itong bumigay. Maaaring tumigil ang tibok ng puso ko. At ayokong bigla na lang mawala nang hindi nagiging masaya.
Kahit nasasaktan ako ay determinado akong tumingin sa kuya ko. "Gagamitin ko ang lahat ng lakas ko para maging masaya sa mga nalalabing araw ko sa mundong ito kaya please... tulungan niyo ako. Tulungan niyo ako sa pamamagitan nang hindi pagsasabi ng panghihina ng katawan ko sa mga kaibigan ko."
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Novela Juvenil; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.