day 308
JOSHUA'S
"Si Mama po?" Tanong ko kay Dad na kasalukuyang nag-iisa sa dining room habang nagbabasa ng dyaryo. Nagmano muna ako sa kanya bago tuluyang umupo sa tabi niya.
"Actually, hindi pa siya nakakauwi dahil may mino-monitor siyang pasyente sa hospital." Napatango na lamang ako sa sinabi niya at nagsimula nang kumain.
Mas lalo na akong naghihinala sa mga kinikilos ni Mama. Madalas kasi, kahit na mayroon siyang tinaningan o kaya ay may na-comatose, hindi siya nag-o-overtime sa ospital. Si Shana lang ang pasyenteng close sa kanya at hinala ko ay may kinalaman ito sa kalagayan niya.
Nang matapos akong kumain ay tumayo ako at nagpaalam na sa Dad ko. Nagtungo na ako sa kwarto ko para mag-ayos papuntang ospital upang makumpirma ang hinala ko.
"Manang, aalis lang po ako para magpuntang ospital. Kapag po dumating sina Lucas at pakisabing umalis lang ako. 'Wag niyo pong sasabihin na sa ospital ang punta ko ha?" Tumango si Manang at binuksan na ang gate para sa akin.
Hindi ko muna ito sinabi sa mga kabarkada ko dahil baka naman mag-alala lang sila sa wala. Pero may masamang kutob talaga ako sa mga nangyayari ngayon eh... malamang ay nag-sikreto na naman si Shana.
Nagbyahe ako at hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa ospital. Kilala ako ng ibang empleyado dito dahil na rin sa madalas ako rito. Nginitian ko sila at nagsimulang mag-ikot na sa ospital.
Pinuntahan ko ang room kung saan daw madalas ma-confine si Shana pero nakita kong iba ang pangalang nakalagay doon. Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang napasobra ako sa pag-aaalala. Baka naman may ibang pinagkakaabalahan si Mama rito.
Naglakad na ako papunta sa elevator at pinindot ang 'down' button. Naghintay ako nang ilang segundo bago ko nakitang nagbukas ang isang elevator at nagulat ako nang makita ko si Leslie doon na may dala-dalang mga prutas.
Nanlaki ang mga mata niya at sasara na sana ang pinto nang pumasok ako. Nakita kong pataas ito at nagtatakang tinignan si Leslie.
"Joshua..." Mahina niyang sambit. Nagbalik muli ang kaba sa dibdib ko dahil baka may masama ngang nnagyari kay Shana.
"Leslie, kailan pa?" Natahimik siya saglit bago sumagot.
"Na-ospital na siya noong isang linggo at ilang beses siyang tumakas para makita kayo, pero nakalabas din naman siya. Tapos noong isang araw, nang magpunta ako sa kanila... hindi na gumising si Shana." Malungkot niyang saad. "Dra. Tolentino told us that the only thing that could wake Shana up is a miracle."
"Leslie, nasaan si Shana?" Napaiwas siya ng tingin at nang makita ko kung nasaang floor kami, halos tumigil ang tibok ng puso ko.
"Sundan mo lang ako at makikita mo kung nasaan si Shana."
***
"Shana..." Malungkot kong saad nang makita si Shana na may maraming nakakabit na kung anu-ano sa katawan niya. Pumasok ako sa ICU at nilapitan siya, saka umupo sa tabi niya. "Sabi na nga ba at maglilihim ka." Mahina akong napatawa habang nakatitig sa kanya.
"Alam kong hindi ka nagsabi dahil ayaw mong nag-aalala kami, pero sa ginagawa mong iyan, mas lalo kaming natatakot para sa'yo eh." Marahan kong hinaplos ang braso niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Ang sabi sa akin ni Leslie, ilang araw ka na raw na hindi gumigising. Parang noong isang araw lang ay nakausap ka pa namin."
Hindi ko na napigilan ang mapaluha. Sa maikling panahon na nakilala namin siya, naging malaki kaagad ang parte niya sa mga buhay namin at habang nakikita ko siyang mahina at walang buhay ngayon ay masakit sa puso ko.
"May kasalanan ka pa pala! Hindi mo naman sinabing tumakas ka pala sa ospital para makita kami. Tignan mo tuloy ang nangyari sa'yo ngayon. Ang tigas talaga ng ulo mo!" Naghihintay ako na baka milagrosong magising si Shana at sabihing okay lang ang lahat pero sa ilang minuto kong paghihintay, tanging tahimik ang bumabalot sa buong kwarto.
Shana please, wake up.
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Teen Fiction; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.