T W O

1.1K 39 3
                                    

day 4

"Bes, na-chat ko na siya!" Masaya kong sabi kay Leslie nang pumunta siya sa bahay namin. Napangiti naman siya ng malawak at tinignan ang convo namin. "Pero masungit siya sa chat. Hindi naman siya ganyan sa totoong buhay diba?"


She nodded and scrolled through our short convo. Pero ayos na, kahit medyo snob si crush sa chat, atleast nakausap ko na siya after three years!


"Pero 'wag mong masyadong dibdibin ang feelings mo ha? Alam mo namang nakakasama sa'yo ang sobra." Paalala niya. I bobbed my head up and down as a sign that I agree and grinned.


"Gising na kaya siya? Gusto ko siyang i-chat!" Masigla kong sabi at hinablot ang phone ko na hawak ni Les. Napailing na lang siya sa ginawa ko at hindi maiwasang mapatawa dahil sa inaasal ko.

Hindi naman kasi ako ganito sa ibang tao. Sa school, isa akong invisible girl dahil hindi ako feel ng mga kaklase ko. Dahil may rare heart condition ako, hindi ako masyadong nagsasasali sa mga activities sa school at sa kung anu-ano pa. Madalas din akong absent lalo na kapag inaatake ako. Minsan nga ay maging teachers ay nakakalimutan akong tawagin sa recitations dahil madalang lang akong pumasok.


Si Leslie, nandiyan na siya para sa akin simula pa noon. Bata pa lang kami ay siya na ang kasama ko. Ayos pa naman ako noon eh, hanggang sa bigla na lang akong nahimatay isang araw at napag-alamang namana ko ang sakit ng lola ko sa mother's side. Kapalaran nga naman oh.


At si Lucas. Paano ko naging crush si Lucas? Una sa lahat, gwapo siya. Pangalawa, nag-e-excel siya sa lahat ng ginagawa niya. Mapa-academics man 'yan or extracurricular activities. Hinahangaan ko siya kasi magaling siya sa mga bagay na hindi ko kayang gawin. At pangatlo, napakabait niya. Creepy pakinggan pero madalas ko siyang inoobserbahan at nakita kong napakamatulungin niya. Madalas ay tumutulong siya sa pagbubuhat ng mga gamit ng mga teachers at mga estudyante, at volunteer din siya sa pag-aayos ng mga libro sa library after ng dismissal.


Kaya naman laking pagtataka ko nang mapansing napakasungit niya sa chat. Well, kung ako rin naman ay kakausapin ng isang estranghero ay malamang masusungitan ko iyon. Pero kailangan ko 'tong gawin, kailangan kong magpa-good shot kay Lucas! Atleast, kahit hindi maging kami, naging kaibigan ko siya bago ako mawala sa mundong ito.


My 365 days to become Lucas' friend has started and I should work hard before my time runs out!


***

jessica jung as leslie jane mercado

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon