S E V E N T Y - S I X

251 13 1
                                    


day 292

"Shana, may bisita ka sa baba!" Dinig kong tawag ni Kuya Theo sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil baka kamag-anak lamang namin iyon na hindi ko naman kilala. Busy pa ako sa panonood ng k-dramas eh. "Hoy Shana!"


"May ginagawa ako!" Inis kong sigaw. Naghihintay ako ng sasabihin niya pero wala na akong narinig kaya naman sinuot ko na uli ang earphones ko at nanood ng k-drama. Ang mga bida rito nagpa-bangs lang, may love life na. Gawin ko rin kaya 'yon?


Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang maramdaman kong may nag-alis ng earphone ko. Itinigil ko ang video at inis na binalingan ang nagtanggal doon. Pero ang iyamot ko ay nawala nang makita si Lucas na ngiting-ngiti sa akin.


"Lucas! Anong ginagawa mo rito?" Nakangisi kong tanong. Umupo naman siya roon sa tabi ng kama ko at nagkibit-balikat.


"Wala kasi akong magawa kaya napag-desisyonan kong magpunta dito." Saad niya. "Date tayo! Napagpaalam na kita."


Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Teka, hindi ba ako nanaginip?


"Lucas, kurutin mo nga ako." Nagtataka siyang tumingin sa akin, pero ginawa niya rin iyon. Nang makaramdam ako nang sakit, agad na nanlaki ang mga mata ko at namula ang mga pisngi ko. "Totoo ka pala!?"


Hindi na napigilan ni Lucas at napatawa na lang siya bigla. Nahiya naman ako sa mga sinabi ko. Ang shunga mo talaga Shana!


Nang matapos na sa pagtawa si Lucas ay ngumisi siya sa akin. "Hihintayin kita sa baba kaya naman mag-ayos ka na." Magsasalita pa sana ako nang tumayo siya at lumabas na ng pintuan. Ilang segundo pa ang lumipas nang mag-sink in sa akin ang sinabi ni Lucas.


"Omg, this is it!"


***


"Shana, hinay lang sa pagkain. Hindi ka mauubusan." Natatawang sabi ni Lucas. Dinala niya ako rito sa isang buffet sa mall dahil wala raw siyang maisip kung saan kami pwedeng mag-'date'. Sinabi kong basta sa may pagkain, okay lang ako kaya nandito kami ngayon.


"Ang tagal ko na kasing hindi nakakakain nang masarap! Puro na lang gulay!" Pagrereklamo ko, saka kinain ang fried chicken na nakahain sa plato ko. Dahil nakasasama ang masyadong maraming mantika sa puso ko, bihira lang akong makakain nito. Iba talaga ang chicken!


"Shana, may gusto ka bang puntahan after nito?" Tanong niya. Napaisip naman ako. Nakapaglaro na kami ni Lucas sa arcade at nakapag-videoke na rin kami. Ano pa ba ang hindi namin nagagawa?


"Tara manood ng movie!" Pag-aaya ko. Kita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi at tumango siya. Bigla naman akong na-excite dahil mayroon akong isang pelikula na gustong panoorin. "Okay lang ba sa'yo 'yung Me Before You?"


"Kahit ano, basta kasama kitang manood." Hay nako Lucas, ayan na naman ang mga banat mong nakakamatay!


Nginitian ko na lang siya, at tinapos ang pagkain. Hindi rin nagtagal ay natapos na kami sa pagkain at magbabayad sana ako, pero pinigilan ako ni Lucas.


"So nakabili na tayo ng popcorn at drinks. Tara na manood!" Pag-aaya ko. Tumango naman siya at pumasok na kami sa loob ng sinehan. Mabuti na lamang at kakaunti ang tao kaya naman nakahanap kami ng magandang upuan.


***


"Shana." Tawag sa akin ni Lucas. Nandito na kami sa scene kung saan nagpapaalam na si Will kay Louisa, at hindi ko maiwasan ang mapahikbi. "Hindi mo naman iniisip na magpakamatay dahil sa sakit mo diba?"


Napalipat ang atensyon ko mula sa movie sa kanya. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ako nakasagot. "Ngayong nakahanap na ako ng rason para mabuhay, gugustuhin ko pa bang iwanan kayo?"


Ang pag-aalala sa kanyang mga mata ay napaltan ng kaligayahan, at hindi ko maiwasan ang mapangiti na rin. Lumapit siya sa akin at laking gulat ko na lamang nang hawakan niya ang mga pisngi ko at inilapat ang kanyang mga labi sa noo ko.


"Mabuti naman kung ganoon. Hindi ko kasi kakayanin kung mawawala ka eh."

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon