E I G H T Y - T H R E E

206 11 1
                                    


day 305

LESLIE'S

"Hello Luna!" Natatawa kong sabi nang kumapit sa mga binti ko si Luna. Umupo ako saglit para hipuin ang balahibo niya. Ang bilis naman niyang lumaki! "Tulog pa si Shana ano? Pupuntahan ko lang sa taas ha?"


Tumayo na ako saka nagtungo sa kwarto ni Shana. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok. Tinignan ko pa ang dinadaanan ko dahil baka makaapak pa ako ng nakakalat na gamit ni Shana. Ang burara ng talaga ng isang 'to!


Naupo ako sa kama niya saka siya tinapik nang malakas. "Hoy Shana! Gising na! Tirik na tirik na ang araw!" Masigla kong sabi.


Ine-expect ko na makatatanggap ako ng batok o suntok mula sa kanya pero hindi siya gumagalaw. Ilang beses ko pang hinampas ang braso niya saka sa kinurot pero wala pa rin siyang reaksyon. Sumibol na ang kaba sa dibdib ko at agad akong lumabas para hanapin ang nanay ni Shana.


Nagtungo ako sa kusina at nakitang masayang naghahanda ng umagahan si Tita. Nginitian niya ako saka ibinaba ang plato na puno ng itlog na bagong luto niya lang. "Oh, Leslie. Bakit mukha kang –"


"Si Shana po hindi gumigising!" Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at agad na siyang napatakbo papunta sa kwato ng kaibigan ko. Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan nila sa harap at bumungad sa akin ang isang Kuya Theo na nakangiti.


"Oh Leslie, bakit mukhang hindi ka mapakali jan?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sa sobrang kaba. Ang nasa isip ko lamang ngayon ay hindi gumigising ang kaibigan ko at ang isa kong kamalian ay hindi ko tinignan kung humihinga pa ba siya."Leslie, okay lang?"


"Si Shana... sinubukan kong gisingin pero..." Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at agad akong niyakap. Nagsimula na akong humikbi at ramdam ko ang pagco-comfort niya sa akin. "Kuya... hindi ko natignan kung humihinga pa siya!"


Hinaplos niya ang akin buhok habang pilit akong pinapakalma. Pumasok sa kusina si Luna at nagtatakang nakatingin sa amin.


Nakarinig kami ng mga yabag ng paa mula sa hagdan at nakita si Tita na dali-daling inalis ang apron niya.


"Mabuti at nandito ka na Theo! Darating na ang ambulansya mamaya kaya kailangan nating mag-impake. Ako ang sasama sa ambulansya kaya kapag hindi ko natapos ang pag-aayos ng gamit ni Shana, kayo muna ni Leslie ang maiiwan dito at sumunod na lang kayo okay?"


Hindi na niya kami nahintay na makasagot dahil tumakbo na naman siya pataas. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko namalayang nakarating na pala ang ambulansya habang ako ay nakatitig pa rin sa kawalan.


"Les, ako na ang nag-ayos ng mga gamit ni Shana. Hindi raw siya pinasok sa room dahil... sa ICU siya ni-refer ni Dra. Tolentino." Nang marinig ko ang salitang iyon ay hindi ko napigilan ang mapaluha muli.


Hindi ako ang tipo ng taong mabilis mapaiyak pero kapag kay Shana na ang usapan, nagiging malambot ako. Halos buong buhay ay siya na ang kasama ko at kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Tanging siya lamang ang nakakakilala sa akin ng lubos at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung... hindi na siya magising pa.


Tinulungan ko si Kuya Theo na maghakot ng gamit sa sasakyan. Nanatili akong tahimik dahil sobrang bigat pa rin ng puso ko. Bakit ba nangyayari ito sa kaibigan ko? Bakit sa lahat ng tao, siya pa ang dapat dapuan ng lintik na sakit na 'to?


"Pupunta raw si Dad after ng meeting niya. Nasabi ko na rin sa mother mo ang nangyari at sabi nilang okay daw na mag-stay ka muna sa hospital. Dadalaw sila mamaya at magdadala ng mga gamit mo." Tumango na lang ako saka pumasok sa kotse niya.


Nanaig ang katahimikan sa buong kotse. Gusto kong may mapagsabihan ng nararamdaman ko... pero wala si Shana. Iniisip ko kung dapat ko ba itong sabihin kina Lucas pero kapag nagising si Shana ay malamang mag-guilty iyon dahil pinag-alala niya sila.


"Alam kong mahirap Les, pero kailangan nating magpakatatag para kay Shana." Wika ni Kuya Theo nang tumigil ang sasakyan dahil sa stoplight. "Mabuti ka nga at palagi kang malapit kay Shana samantalang ako, palaging iniisip kung ano ang magiging kalagayan niya habang ako'y nasa malayo. Kung nangyari siguro ito habang nasa university ako... malamang ay nabaliw na ako."


Tinignan ko si Kuya Theo at kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Napakamasayahing tao ng Kuya ni Shana at napaka-swerte niya dahil maalaga rin ito. Nang sinabi niyang mag-aaral siya sa kabilang bayan, binilinan niya akong palagi ko raw bantayan si Shana dahil alam niyang hindi na siya makakauwi nang madalas


Nang muling umandar ang kotse, ipinikit ko ang aking mga mata. Pilit ko talagang pinipigilan ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko dahil kung sakaling magising man si Shana ngayon, ayokong mag-alala siya sa kalagayan ko.


Nakarating din kami sa ospital at nagtungo agad sa ICU. Nakita ko ang nanay ni Shana na kausap si Dra. Tolentino, at mukhang seryoso ito base sa mga ekspresyon nila. Nang makita kami ni doktora ay nginitian niya kami nang malungkot.


"Mabuti at nakita mo agad si Shana, Leslie. Maraming salamat." Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking mga kamay. "Hindi na ako magsisinungaling pero... sa tingin ko ay hindi na makalalabas ng ospital si Shana."


Nanghina ang mga tuhod ko sa sinabi niya at kinailangan pa akong alalayan ni Kuya Theo. Naluluha na naman ako at kapag nagising si Shana, talagang papagalitan ko siya dahil sa pagpapapaiyak niya sa akin!


"A-abot po ba siya ng...graduation?" Inipon ko ang lahat ng aking lakas upang maitanong iyon sa kanya ngunit nang sagutin ito ni doktora, tuluyan na akong nanghina.


"Hindi ko pa alam kung aabot siya... tanging milagro na lang ang magpapabuhay sa kanya."

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon