S I X T Y - T W O

270 18 1
                                    


day 274

"Shana, hindi ka tutuloy bukas." Napanguso naman ako dahil sa sinabi ni Kuya Theo. "Katulad ng sinabi ni Dra. kanina, baka makasama lang sa'yo ang pagpunta doon." Nag-aalala niyang sabi pero inirapan ko lang siya at tumingin sa bintana ng kwarto ko.


Kainis naman kasi itong sakit, talagang umatake pa ngayon! Bigla na lang kasing sumikip ang dibdib ko habang nanonood kami ng movie tapos pinapunta nila dito si Dra. Tolentino dahil ayaw kong magpa-confine.


Pero syempre, hindi ako papayag. Graduation ball 'yun at doon ko na lang masusulit ang pagsama kina Lucas! Ibinalik ko ang tingin ko sa kuya at nagpaawa dahil gusto ko talagang pumunta.


"Kuya, kahit hindi ko na tapusin okay lang! Tapos pabantayan niyo pa ako kay Joshua at kina Leslie, okay lang talaga! Basta makapunta lang ako bukas!" Nag-aalangan pa siyang tumingin sa mga magulang namin. "Pretty please? Last formal event ko na 'to kasama sila eh."


Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya. Malamang ay naalala na naman niya ang pabor ko noong huli akong isinugod sa hospital. Ilang minutong tumahimik ang buong kwarto bago tumango si Kuya Theo.


"Sige na, payag na kami. Basta every hour, I'll call to check on you. Diba si Lucas at si Joshua ang partners mo? Pababantayan ka namin sa kanila para masiguradong hindi ka magiging pasaway. Knowing you, Shana Isabel..." Sa sobrang lawak ng ngiti ko ay pakiramdam ko mapupunit ang mga labi ko. Tumayo ako at niyakap nang mahigpit si Kuya na ikinatawa naman niya.


"You're the best kuya! May utang akong date sa'yo." Nang makabitaw ako sa kanya ay kumindat ako, at mas lalo naman siyang napatawa. Lumapit ang mga magulang ko saka sila sumali sa pagyayakapan namin. "Ang emo niyo!" Natatawa kong saad.


"Maayusan na kasi kita ulit, Shans. Remember? Noong huli yatang minake-upan kita ay noong debut ni Sherry!" Napatango ako. Two years ago na din pala 'yon. Last year kasi, hindi ako naka-attend sa JS Prom dahil dalawang linggo akong naka-confine sa hospital. Balak ko pa naman noong isayaw si Lucas!


Nang makaalis na sila sa kwarto ko para makapagpahinga ako, narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Nang makita kong ang tumawag ay si Leslie, nagtaka naman ako dahil bihira lang tumawag ang isang 'to.


"Hello—"


(Ano Shans, okay ka lang? Tumawag sa akin si Tita at ang sabi niya ay inatake ka na naman daw!)


Napairap na lang ako. Talaga itong si Mama, hindi mapipigilang sabihin kay Leslie ang mga nangyayari sa akin.


"Okay lang ako, Les. Kaunting kirot lang naman pero makaka-aattend pa ako bukas!" Proud kong sabi pero rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.


(I bet nasabihan ka na ni Kuya Theo na 'wag umattend pero pupunta ka pa rin. Tigas rin ng ulo mo eh.)


Napatawa naman ako sa sinabi niya. Kilalang-kilala talaga ako ng best friend ko!


"Hmm, basta. Magsasaya tayo bukas!" Masigla kong sabi saka ipinikit ang mga mata ko. Sa mga napapanood kong movies, mukhang masaya ang mga graduation parties. Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-excite lalo na at first and last ko ito!


(Shans, nakaabot ka ng Grad Ball kaya malamang ay makaka-attend ka rin ng Graduation. Always take care of yourself ha? Babantayan ka namin bukas!)


Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Leslie bago ko napagdesisyunan ang magpahinga para makapag-ipon ng lakas. May point si Les pero... mas madalas na ang pag-atake ng sakit ko. Minsan ay hindi ko na lang sinasabi kina Mama dahil minor lang naman at kinakaya ko pa.


365 days... kaya ko pa kaya?

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon