T W E N T Y - T W O

616 29 1
                                    

day 110

"Bes, tapos na ang exams. Saan mo gustong pumunta?" Tanong sa akin ni Leslie. Napaisip naman ako sa kung saan nga ba kami pupunta. Bihira lang akong payagan na umalis after school kaya naman gusto ko itong sulitin.


"Diba may bagong bukas na themed café sa malapit? Tara doon!" Nakita ko kasi sa fb 'yung shine-share ng mga kaklase kong kakabukas lang na themed café malapit sa school. Gusto kong i-try kasi sabi nila Lauren ay masarap daw ang mga pagkain doon!


Napatango si Leslie at nagsimula na kaming maglakad. "Nasa tapat na lang naman 'yun ng school kaya hindi ka na mahihirapan maglakad –"


"SHANA, LESLIE!!" Napalingon kami sa pinanggalingan ng nanakarinding boses at nakita sina Matt na tumatakbo papalapit sa amin. Sinubukan kong huwag umirap dahil mga mukha silang shunga. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Leslie nang matisod si Lucas pero nakatakbo pa rin siya.


"Kaiyak naman magbigay ng exam si Sir Fili! Tagalog na tagalog!" Reklamo ni Kuya France. "Saan kayo pupunta? Sasama kami ha! Libre raw ni Joshua!" Nakita ko namang inapakan ni Joshua ang paa ng pinakalamapit sa kanya at iyon ay si...


"Aray ko naman Joshua! Ano bang kasalanan ng paa ko sa'yo!? Si Francis naman ang nagsabi noon ah!" Asar na sabi ni Matt. Hindi ko na maiwasan ang mapatawa dahil sa kalokohan nilang apat.


"Si Lucas ang nakatoka ngayong buwan diba?" Mapang-asar na sabi ni Joshua at lahat sila ay napangiti kay Lucas. Napabuntong-hininga na lang si bebelabs dahil wala na siyang magagawa once na napagdesisyunan na ng tatlo.


"Oo na, kaya nga nag-ipon na ako nang malaki." Sabi niya. "Atsaka kasama na natin sina Shana, eh matakaw 'yan kapag cheat day niya." Nakangisi niyang sabi sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin. Masyado na siyang maraming alam tungkol sa akin!


"Minsan lang kumain ng bawal 'yang si Shana kaya pagpasensyahan niyo na." Ginulo ni Leslie ang buhok ko at pinanlakihan ko siya ng mata. Mukhang na-gets niya naman ang pinahihiwatig ko at nag-explain muli sa tatlong naguguluhan. "Diet kasi siya kaya mahilig siya sa dahon."


Tumango na lang ang tatlo at nagsimula na kaming maglakad. Tumabi sa akin si Lucas at ramdam ko ang titig niya kaya naman lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Ano na naman ba ang problema ng isang 'to?


"Bakit hinihingal ka na naman?" Hindi ko na napansin na hinihingal na naman pala ako kasi normal na naman ito sa akin. "Okay ka lang ba?"


Nginitian ko lang siya nang malawak at umiling. "Okay lang ako! Masyado lang naman kasi yatang mainit kaya hinihingal ako." Maniwala ka please.


Tumango na lang siya at napabuntong-hininga ako dahil mukhang naniwala naman siya. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa may pedestrian lane. Susunod na sana ako kina Kuya France na nauuna nang tumawid nang maramdam kong hinawak ni Lucas ang braso ko at sinabayan akong tumawid.


Madalas nang tumibok ng mabilis ang puso ko at sa ngayon ay pakiramdam ko anytime mawawalan ako ng hininga. Simpleng hawak lang iyon sa braso ko pero iba pa rin ang epekto ng mga ginagawa niya sa puso ko.


Lakas na talaga ng tama ko kay Lucas.


"Shana! Masyado ka nang hinihingal!" Nagising na lang ako sa realidad na nakatawid na pala kami at alalang-alalang nakatingin sa akin si Leslie. "Okay ka lang ba? Tara na lang kayang umuwi?"


Agad akong umiling. Minsan na lang ako payagang lumabas kasama ang mga kaibigan ko kaya hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito.


Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga at pilit kong pinakalma ang sarili ko. Maya-maya pa ay bumalik na muli sa dati ang sistema ko at hinigit ko na ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Lucas.


"Oh, itsura niyo? Tara na!" Masaya kong sabi sa kanila at kumapit sa braso ni Kuya France. Kitang-kita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha niya pero nginitian ko lang siya na para bang sinasabing okay lang ako.


***


"Talo na naman ako!" Inis na reklamo ni Joshua habang natatawa na lang kaming lahat. Ilang oras na rin ang nakalipas nang makarating kami rito sa bagong themed café at ilang laro na rin ang nalaro namin. Kasalukuyan kaming naglalaro ng Uno at ang kaninang palaging panalo na si Joshua ay naubusan ng swerte sa larong ito.


"Akin na ang huling piraso ng s'mores!" Natatawa kong sabi habang isinubo ang nag-iisang piraso ng s'mores. Mukha naman silang nalugi dahil gustung-gusto nilang lahat ang dessert. Masarap naman kasi talaga!


"Masyadong maswerte si Shana sa Uno!" Sabi ni Lucas. "Hala, mag-si-six na pala. Wala ba kayong balak umuwi?" Napatingin ako sa relo ko at nagulat dahil masyadong marami nang oras ang nakalipas. Inilabas ko ang phone ko para i-text ang driver namin na sunduin kami ni Leslie.


"Shans, saang subdivision ba kayo?" Tanong sa akin ni Kuya France.


"Sa Reigns. Kayo ba?" Tumango naman silang lahat.


"Kami ni Matt ay sa katabing subdivision ng Reigns, which is Circlets. Tapos sina Joshua at Lucas ay sa Reigns." Nagulat ako sa sinabi ni Kuya France. Taga-Reigns din si Lucas? Siguro hindi ko siya masyadong nakikita kasi hindi naman ako lumalabas.


"Talaga? Fifth block kami ni Shana, doon sa may malapit sa clubhouse at park." Sabi ni Leslie. Nagliwanag naman ang mukha ng apat at nagtaka ako.


"Palagi kaming naglalaro doon! Bakit hindi namin kayo nakikita?" Masayang sabi ni Matt.


"Bihira lang kasi kaming lumabas ni Les." Sabi ko naman. Pero sa tagal kong crush si Lucas, hindi ko talaga alam na pareho lang kami ng subdivision.


"Seventh block kami tapos sina Joshua naman sa Sixth." Sabi ni Lucas. Medyo nauuna pala ang bahay namin ni Leslie kaya siguro ay hindi namin nadadaanan.


Lumabas na kami ng café at nakitang naghihintay na ang driver namin. Lumingon kami para magpaalam at nag-wave naman sila.


"Josh, Lucs. Ayaw niyo ba talagang sumabay?" Tanong ko sa kanila pero parehas lang silang umiling. "Sige bahala kayo."


Natawa naman si Lucas at ginulo ang buhok ko. "Magdo-dota pa kasi kami ng mga asungot na 'to. Ingat kayo!" Nag-wave na kami sa kanila at pumasok sa kotse. Nang umandar na ay ngumiti nang nakakaloko sa akin si Leslie.


"May madalas nang tatambay sa park."


sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon