S I X T E E N

685 38 1
                                    

day 45

"Mukhang masaya 'yung PE niyo kanina." Malungkot kong sabi kay Leslie. Dahil nga kasi hindi ako pwedeng mapagod ay pinanood ko na lang silang maglaro ng volleyball. Hindi man iyon ang sport ni Leslie ay medyo magaling naman siya at mukhang nag-enjoy sila sa laro.


Tumabi siya sa akin habang nagpupunas ng pawis at tinapik ang balikat ko. "Nakakapagod kaya! Kung hindi lang para sa grade ko 'to, malamang hindi na ako mag-aabala pang maglaro at sasamahan na lang kita dito." Nakangiti niyang sabi sa akin pero sa loob-looban ko ay nalungkot ako.


Palaging nandiyan para sa akin si Leslie. Dahil na rin sa sakit ko ay hinding-hindi siya umalis sa tabi ko. Kahit saan man kami magpunta, kami lang ang magkasama. Kahit papaano, gusto ko namang magkaroon ng ibang kaibigan si Leslie dahil alam kong malulungkot lang siya kapag nawala ako.


"Les, sumama ka na doon sa birthday party ni Lana! Paniguradong masaya 'yon!" Pagkukumbinsi ko sa kanya pero umiling lang siya ulit. "Kailangan mo rin kayang makipagkaibigan sa iba! Halata namang gusto ni Lana na maging close kayo eh."


Sinamaan niya lang ako ng tingin at mahigpit na hinawakan ang hawak niyang towel.


"Hindi ko na kailangan ng iba pang kaibigan Shana, okay? Nag-uusap naman kami kaya ayos lang. At saka kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, ikaw lang ang best friend at magiging best friend ko." Rinig ko ang inis sa boses niya pero may halo itong lungkot. Dahil ayaw ko nang masyado kaming magdrama ay pinisil ko ang pisngi niya.


"Magpalit ka na nga ng shirt mo! Hihintayin kita dito para makakain na tayo ng lunch." Ngumiti siya sa akin saka ginulo ang buhok ko bago tumakbo papunta sa changing room.


Napalingon ako sa paligid ko at nakita ang mga estudyanteng masasayang nagk-kwentuhan at naglalaro dito sa gym. Marami ang magkakabarkada, at may iba ring magkasintahan.


Napangiti ako habang nag-oobserba. Si Gary na kaklase ko ay hindi pa rin nakakaamin kay Amy kaya dinadaan niya na lang ito sa pakikipagbiruan. Si Kai at Dane naman staying strong pa rin. 'Yung class president ng kabilang section ay dati ay masamang nakatingin sa mga couples.


"Ang creepy mo kapag nag-oobserve ka." Sinamaan ko ng tingin si Leslie na kararating pa lang. "Ngumingiti ka kasi mag-isa mo. Tara na nga sa canteen! Gutom lang 'yan!" Aya niya sa akin at saka naman kami lumabas ng gym.


Hindi na rin nagtagal ay nakarating na kami sa canteen. Binigay ko ang pera ko kay Leslie dahil magpapabili na lang ako at maghahanap na sana ng upuan pero napansin kong lahat ay occupied na. Hindi naman ako close sa kahit kanino kaya hindi kami pwedeng makiupo.


Pupuntahan ko na sana si Leslie sa pila niya nang may biglang humigit sa braso ko at pagkatingin ko ay si Joshua pala ito. Nagtataka ko siyang tinignan pero nakatingin lang siya nang diretso at bago pa man ako makapagreklamo ay nakarating na kami sa isang table.


"Joshua—" Bago ko pa man maituloy ang sinasabi ko ay napatingin ako sa isang pamilyar na lalaking patagong naglalaro sa phone niya at agad na tumalikod. Shiet! Si Lucas! Nakalimutan ko nga palang kaibigan siya ni Joshua!


"Oh, Joshua. Sino 'yang kasama mo?" Rinig kong tanong ng isang kaibigan niya. Shemay naman kasi! Bakit ba ako dinala ni Joshua dito?


"Wala na silang maupuan ng kaibigan niya at wala na naman tayong ka-share kaya siguro okay lang na makiupo sila." Sabi ni Joshua saka ako hinila paupo. Pilit kong tinatakpan ang mukha ko ng buhok ko dahil nahihiya talaga ako.


Ramdam ko ang titig noong isa nilang kaibigan at mas lalo akong kinabahan. "Stop staring at the girl, Matt. It's rude." Sabi ni Lucas nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa phone niya.


Napalingon naman ako sa katabi ko at pasimple siyang kinulbit. "Ah, Joshua..." Mahina kong sabi at napataas naman ang kilay niya nang mapatingin siya sa akin. "Si Leslie..."


Napatango naman siya na parang nakuha niya ang sinabi ko. "Pinapunta ko na dito si Leslie. Dala na nga niya 'yung pagkain niyo oh." Sabi niya at tumuro pa doon sa likod ko. Napa-facepalm na lang ako dahil sa kamalasang nangyayari sa buhay ko.


"Leslie?" Rinig kong sabi ni Lucas at pansin kong hindi na niya nilalaro ang phone niya. Nakatagilid pa rin ako at nakatakip ang buhok sa gilid ko para hindi ako makita ni Lucas na katapat ko lang pero maya-maya pa ay naramdaman kong may humawi sa buhok ko at laking gulat ko nang makitang nakatuon si Lucas doon sa table . "Shana!"


Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ko alam ang gagawin ko. Umayos na siya ng upo at humarap na ako sa kanya pero iniiwasan ko ang tingin niya. Kita ko ang napakalaki niyang ngisi at gustung-gusto ko nang lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan.


"Oy Shana, keep the change na lang ha? Haba ng pila, napagod ako." Ramdam kong tumabi sa kaliwa ko si Leslie at inilagay ang pagkain sa harap ko. Lumingon ako sa kanya at siya naman ay napakalawak ng ngisi. Grabe sila, hindi ako ready ha!


"So Shana..." Pagkasubong-pagkasubo ko doon sa chicken na inorder ko ay biglang nagsalita si Lucas at sinubukan kong huwag mabulunan. "Nagkita na rin tayo sa wakas. Alam kong nagkakausap na tayo sa chat but I want to make this formal. I'm Lucas Briant Soriano."


Tumingin na ako sa kanya nang diretso at sinubukang huwag malunod sa mga titig niya. Palagi akong nakatingin sa kanya sa malayo at hindi ako sanay na makita siya ng malapitan. Ngumiti naman ako sa kanya at nag-wave ng kaunti.


"Shana Isabel Dy." Sabi ko, at narinig ko naman na napatawa ang kaibigan niya.


"So, totoo ka nga pala?" Pabiro niyang sabi. "Nga pala, ako si Matt. Ang poging kaibigan nina Joshua at Lucas. Alam mo bang palaging tinatanong sa amin ni Lucas kung may kilala kaming Shana noong una kayong nag-chat?"


Napatingin naman ako kay Lucas na ngayon at sinamaan ng tingin si Matt. Napatawa ako nang kaunti dahil ang cute nilang tignan.


"Malay ko ba kasing may Shana pala sa school natin!" Pagdedepensa niya. Well, hindi ko na siya masisisi. Hindi naman talaga ako kilala sa batch namin eh.


"So, it's nice to meet you Shana. Kahit na ngayon lang tayo nagkakilala ng personal, sana maging magkaibigan tayo nang matagal." Nakangising sabi sa akin ni Lucas.


Sana nga magtagal pa ako Lucas.

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon