N I N E T Y - O N E

211 11 0
                                    


day 315

"Shana, pumirmi ka nga. Para kang kiti-kiti." Inis na saad ni Kuya Theo. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pangungulit ko sa kanya. "Shana!"


Binelatan ko lang siya at umayos na ng upo. "Pupunta tayo sa beach!" Masigla kong sabi. Bata pa siguro ako noong huli akong nakapunta sa ganoong lugar eh. Tapos balita ko ay maganda raw doon sa rest house nina Joshua.


"Sigurado ba kayong wala kayong naiwan? Shana, na-check mo na ang mga kailangan mo?" Tumango ako. "Ang mga gamot mo, nasa pouch mo ba? Tandaan mo, dapat palagi mong dala iyan."


Nginitian ko si Mommy tinapik ang dala kong sling bag. "Nandito na po ang lahat, commander!" Pabiro akong sumaludo at dinig ko ang mahina niyang pagtawa. Lumabas muna ulit siya ng kotse saglit upang tignan kung may naiwan pa kami.


"Shans! Kasya pa naman ang gamit ko sa likod ano?" Hinihingal na sabi ni Leslie. Natawa naman ako bigla nang makita ang maletang dala-dala niya.


"'Yung totoo Les, maglalayas ka ba?" Pang-aasar ni Kuya Theo. Inirapan lang siya ni Leslie sa sobrang inis dito. Pansin kong medyo naging close sila ngayon. May nangyari ba noong na-comatose ako?


"Les, hija. Akin na 'yang maleta mo. Pinaghandaan ko talaga ng malaking space 'yan at alam kong marami kang dadalhin." Tuluyan na akong napatawa nang malakas sa sinabi ni Dad. Binigay ni Leslie at maleta niya kay Dad saka pumasok na kotse para batukan ako.


"Ikaw talaga Shana!" Pipingutin niya sana ang tenga ko nang binato siya ni Kuya ng neck pillow. "Magkapatid talaga kayo!" Naiirita niyang sabi saka ipinulupot ang neck pillow niya sa leeg niya.


"Tigilan niyo na ang pang-aasar kay Leslie. Hindi na kayo nagbago." Natatawang sabi ni Mom, saka niya inayos ang seatbelt niya. Umayos na kami sa likuran at hindi rin nagtagal ay sinimula na ni Dad ang pagmamaneho.


"Sina Matt daw ay nakasakay doon sa kotse nina Lucas, tapos si Joshua ay kasama ng mommy niya. Sayang nga lang at hindi makakapag-stay ang mom ni Lucas dahil may mga aasikasuhin pa siya." Wika ni Dad. "Sa stop-over daw tayo magkita-kita bago tumuloy sa rest house nina Joshua."


*


"Shanaaaa!" Pagkababa ko pa lang ay dinig ko na ang malakas na boses ni Matt. Natatawa akong lumapit sa kanila na kasalukuyang nakaupo doon sa may tables sa labas ng Mcdo. "Pinag-order ka na namin ng pagkain! Libre raw ni Lucas." Kinindatan niya ako, saka humila ng isang upuan para paupuin ako.


"Ang daya naman! Si Shana lang ang may pagkain!" Tampong sabi ni Les at napatawa kami. Sakto naman ang pagdating nina Kuya France at Lucas na may dala-dalang mga tray.


"Balita ko ay si Francis ang umorder noong para kay Leslie." Pang-aasar ni Joshua. Sinamaan siya ng tingin ni Kuya Francis at napatawa naman ako dahil sa mga kalokohan nila.


"Hay nako, tara na lang kumain! Saka na natin problemahin ang one-side love story nina France at Les." Babatukan sana ni Kuya Francis si Lucas nang tumakbo siya papalapit sa akin at umupo doon sa tabi ko. "Subukan mo akong saktan! Malapit si Shana sa akin!"


Naupo na lamang si Kuya France sa tabi ni Matt at nagsimula na kaming kumain. Ang parents namin at si Kuya Theo ay nandoon sa isang coffee shop dahil doon daw nila gustong mag-breakfast.


"Shana, ano ang unang gagawin mo kapag nakapunta na tayo sa beach?" Tanong sa akin ni Lucas at awtomatiko akong napangiti.


"Tatakbo ako at magbabasa sa dagat!" Masigla kong sabi.


"Nako Les, kailangan niyong talian 'yan at baka kung ano gawin." Saad ni Joshua. Sinamaan ko siya ng tingin pero nagpatuloy lang siya sa pang-aasar sa akin. "Pero nagb-behave lang 'yan kapag si Lucas ang kasama."


Rinig ko ang kantsyawan ng mga kaibigan namin kaya naman napasimangot ako. "Ang sama talaga ng ugali mo Joshua!" Tinawanan niya lang ako at si Lucas naman ay ginulo na lamang ang buhok ko.


"Inggit lang 'yang si Joshua kasi wala siyang ka-forever." Natatawang saad ni Lucas. Nagtawanan muli sila at umangal naman si Joshua.


"Wala naman kasi talagang forever."


***


"SHANA BUMALIK KA RITO!" Inis na sigaw ni Lucas pero mas binilisan ko ang pagtakbo. Nang papalapit na ako doon sa may dagat ay naramdaman kong may humila sa braso ko at bago ko pa maramdaman ang tubig ay may nagbuhat sa akin na parang sako.


"Lucas! Malapit na eh!" Pagmamaktol ko, saka pinalo-palo ang likod niya. Tumigil siya saglit saka ako ibinaba sa may buhanginan. Nakatingin siya sa akin ng seryoso at medyo kinabahan ako dahil bihira ko lang siyang makitang ganito.


"Shana, kapag sinabing hindi pwede, hindi mo dapat gawin. Paano na lang kung may mangyaring masama sa iyo tapos hindi kita naabutan?" Napabuntong-hininga ako, saka hinawakan ang kanyang mga kamay at nginitian siya.


"Hindi ko naman gagawin iyon kung alam kong hindi ko kaya eh. At saka, gusto ko lang hugasan ang paa ko dahil nabuhusan iyon ni Leslie ng coke!" Napatigil siya bigla at tuluyan na akong napatawa. "Sa tingin mo ba ay maglalangoy agad ako nang ganito ang suot."


Maya-maya pa ay tinawanan niya na lang din ako saka ako inakbayan. "Hay nako, tara na nga doon at baka akala nila ay nagpakalunod ka na doon." Natatawa niyang saad at nagtungo na kami doon sa rest house.


Pagkarating namin doon ay nakita naming busy silang lahat sa pag-aayos ng mga gamit at pagkain namin para sa hapunan. Medyo hinapon na kami at napadaan pa kami doon sa may mall para bumili ng maiihaw.


"Tama na ang landian niyo diyan at tumulong kayo sa paghahanda ng hapunan natin! Nandoon sila sa backyard dahil doon daw tayo kakain mamaya." Sabi ni Leslie at tuluyan na akong kinaladkad papunta doon sa kusina.


"Sus, inggit ka lang!" Pang-aasar ko sa kanya at siniko niya naman ako. "Nandiyan naman si Kuya Francis ah~" Nang sabihin ko iyon ay lalo nang nag-init ang mga pisngi ni Leslie at bago niya pa ako mahampas ay tumakbo na ako patungo doon sa may bakuran.


"Shans, tama na ang pagtakbo mo!" Pagsaway sa akin ni Dra. Tolentino at nag-peace sign na lamang ako. Lumapit ako sa kanya at nakita ang masarap niyang iniihaw na baboy.


"Ang sarap naman po niyan! Pwede naman akong mag-cheat day ngayon diba?" Tinignan ko siya at nginitian nang matamis, at napatawa na lang siya.


"Sus, Shana. Malakas ka talaga sa akin!" Pareho na kaming napatawa dahil sa sinabi ko. Lumingon naman ako at nakita ang mga kaibigan kong nag-aaway habang nag-aayos ng lamesa. Napangiti ako at lumapit na sa kanila.


Sana sa mga araw na naririto kami, maging masaya lang kami palagi.


sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon