T E N

640 37 0
                                    

day 27


"Pero pre, 'yung kasama talaga ni Leslie noong isang araw chicks ano?" Manghang sabi ni Joshua. Napatingin naman kami sa kanya dahil minsan lang mamuri ang isang 'to. "Tinitingin-tingin niyo? Totoo naman diba?"


Napangisi na lang kami at napatango. First day of classes ngayon at nakatambay muna kami dito sa canteen dahil tinatamad pa kaming magtingin ng section namin. Sana lang talaga ay magkakaklase pa rin kami ng mga ugok na 'to.


"Isabel daw ano? Makikita natin siya ngayon diba?" Tanong ni Matt. Napakunot na naman ang noo ko. Napakapamilyar talaga ng pangalang Isabel. Saan ko kaya narinig iyon at para bang hindi maalis sa utak ko?


Naramdaman ko naman siniko ako ni Matt kaya napatingin ako sa kanya ng masama. "Ano bang problema mo?" Inis kong tanong pero silang tatlo ay nakatingin lang sa phone na hawak ko. Ka-chat ko si Shana kanina at sabi niya ay papasok na raw siya. Ano kayang itsura niya?


"Masyado yata kayong nagiging close niyang Shana na 'yan." Sabi ni Francis at itinaas-baba ang kilay niya. "Ah, alam ko na! Hanapin natin mamaya sa class list 'yung pangalang Shana! Mahahanap naman natin siguro agad 'yon dahil unique ang pangalan niya."


Actually, balak ko na talagang gawin iyon. Masyado akong naku-curious kung sino ba ang Shana na 'yan. Madalas ko siyang maka-chat simula noong kinausap niya ako at halos marami na kaming alam tungkol sa isa't isa pero hindi ko pa rin alam ang itsura niya.


"Malapit na palang mag-bell, tara na at tignan natin ang class natin." Sabi ni Joshua at sumunod naman kami sa kanya.


Mabuti na lang at pagkarating namin doon sa bulletin board ay halos kakaunti na lang ang tao. Ang mga estudyante na nagtitingin ng sections nila ay napatingin sa amin at para bang bigla na lang nahiya.


Wala eh, gwapo ko.


"Ang corny ng sections natin this year! Ano na naman bang pakulo ng mga 'to?" Naiiritang tanong ni Matt. Every year kasi, ang pangalan ng sections ay nababase sa kung ano ba ang gustong ipangalan ng year representatives.


At sa lahat naman ng mapapagtripan nila, talagang 'yung mga internet slang pa ang nagamit nila.


"Section Pak Ganern tayo? Lintik na 'yan! Paano cheer natin sa Sports Fest!?" Pinigilan ko ang tawa ko nang marinig ang pagrereklamo ni Francis.


"Pak Ganern, Boom Panes, My Pamily, Yaw Q Na. Ano ba 'yan!?" Basa ko sa sections at halos mamatay na kami sa kakatawa. Sa lahat kasi ng years ay 'yung sa amin na ang pinakasabog!


"Teka teka, hanapin natin 'yung Shana." Sabi ni Joshua at tinignan naming isa-isa ang class list. Sa kasamaang palad, ay hindi namin siya ka-section. "Sayang naman." Rinig kong bulong ni Joshua.


"My Pamily!" Nagulat kami nang sumigaw si Matt. "Section My Pamily si Shana! Shana Isabel Dy, siya din kaya 'yung Isabel na kasama ni Leslie noong isang araw? Siya lang kasi ang may Isabel na ganyan ang spelling eh."


Napatingin ako sa tinuro ni Matt at napaisip. Close si Leslie kay Shana at hindi ako nagkakamaling ang Shana ng My Pamily ay itong Shana Isabel Dy na nahanap namin.


Tama nga si Leslie, nakita ko na si Shana at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. 

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon