S I X

711 44 1
                                    

day 13

"Bes, alam mo ba, improving na ang status namin ni Lucas!" Masaya kong sabi kay Leslie. Dito siya matutulog ngayon at sobrang nae-excite akong sabihin sa kanya ang mga nagiging convos namin ni Lucas.


"Talaga? Naks naman bes, oras na para paltan ang profile pic mo!" Panunukso niya, but I just rolled my eyes. Hindi ko pinapalitan ang profile picture ko dahil ang ganda ni Lucy Heartfilia doon!


"Luh bes, saka na. Ang pangit ko baka ma-turn off si Lucas!" Kahit na marami ang nagsasabing maganda raw ako, hindi ako naniniwala dahil hindi naman ako katulad ng mga kaklase kong maagang nagdalaga at natutong gumamit ng make-up.


"Weh bes? Sabihin mo nga 'yan sa mga manliligaw mo!" Dagdag pa niya at tumawa ulit. Hay nako, kaibigan ko ba talaga ang lokang 'to?


Umayos ako ng upo at sinubukang maglagay ng nail polish sa kuko ko. Isa ito sa nakalagay sa bucketlist ko, actually. Atleast bago ako mawala, gusto kong maranasan kung paano ba ang maging isang dalaga.


"Luh bes, lampas na naman!" Reklamo ko dahil hindi nakikisama 'yung nail polish sa akin. Pinanood ko si Leslie na para bang walang problema sa pagde-design sa kuko niya.


Napairap siya saka kinuha ang kamay ko. "Ako na nga ang maglalagay!" Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Kahit kailan talaga, hindi ako matiis ng best friend ko!


Busy kami sa pagke-kwentuhan habang nilalagyan ni Leslie ng nail polish ang kuko ko at hindi namin namalayang nagbukas pala ang pinto ng kwarto ko.


"Dalaga na ang bunso namin ah." Napalingon at napangiti ako nang malawak nang makita si kuya Theo na nakasandal sa pintuan ko. Agad akong napatayo at niyakap siya ng mahigpit dahil halos isang buwan siyang umuwi at finals week na nila.


"Akala ko ba mamaya ka pa darating?" Tanong ko sa kanya habang nakakapit sa baywang niya. "Nasaan ang pasalubong kong doughnuts?" I used my puppy eyes and pout combination dahil alam kong makokonsensya siya kung wala siyang dala.


Ramdam kong napatawa siya at kumalas ako sa yakap. Maya-maya pa ay inabutan niya ako ng dalawang box ng paborito kong doughnut at hindi ko maiwasang mapatili sa sobrang saya.


"Oh, hinay-hinay lang." Nag-aalalang sabi ni Kuya Theo at napatigil ako sa pagtalon. I shrugged and ran towards Leslie when I felt my chest ache. Hindi ko na maiwasan ang mapasinghap ng malakas dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko.


"Isabel!" Natatarantang sabi ni Kuya Theo at agad akong binuhat papunta sa kama ko. Kinuha niya ang gamot ko at pinainom sa akin, saka ako tinurukan ng isa pang gamot para mabawasan ang sakit.


"Ang galing talaga ng future doctor namin." Mahina kong sabi at naramdaman kong humigpit ang hawak ni Kuya Theo sa kamay ko. "Find a cure for this sickness and don't let anyone suffer like me okay?"


Ipinikit ko ang mga mata ko dahil ayokong makita ang malungkot na ekspresyon nilang dalawa. Alam nilang hindi na ako magtatagal pa at tanggap ko na namang malapit na akong mawala. Pero hanggang sa nabubuhay ako, gusto kong makita silang maging masaya dahil iyon na lamang ang maiiwan ko sa kanila.


***


exo's park chanyeol as theodore laxus dy

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon