day 267
"Lucas! Ano bang ginagawa mo rito?" Pabulong kong sigaw nang makita siyang nakatayo sa harap ng pinto ng cottage namin habang nakangiti nang malawak at may hawak na plastic bag. "Gabi na ah! Malapit na ang curfew!"
Hindi niya pinansin ang pagrereklamo ko at hinila ako palabas saka sinara nang mahina ang pintuan. "Basta, sumama ka na lang sa akin." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil dire-diretso na siya sa paglalakad habang hila-hila pa rin ako. Ano ba talagang trip ng isang 'to?
Nakarating kami doon sa may pool side. Wala na ang facilitators at ang teachers dahil maaga ang curfew ngayon. Nag-check na sila kanina ng cottages at siguro ay maya-maya pa muling may mag-iikot para mag-inspect.
Umupo kami at inilubog ang mga paa namin sa pool. Inabot niya sa akin ang plastic bag at laking gulat ko nang makita ang chips na nasa loob. Napangiti ako nang malawak at dinig ko ang pagtawa niya.
"Prepared ka talagang tumakas ano!" Natatawa kong saad. "Teka nga, baka naman ninakaw mo ito kina Kuya France? Nako, lagot ka!" Pagbibintang ko sa kanya. Nagkibit-balikat lamang siya at kumuha ng Lay's sa loob ng plastic bag.
"Baon ko 'to ano! At saka, plano ko na talagang itakas ka. Dapat nga, kagabi pa eh. Kaso ang nagbukas ng pinto ay si Lauren." Natawa naman ako bigla sa sinabi niya. Kaya siguro ay panay ang ngiti sa akin ni Lauren nang magising ako.
Hindi ko na siya sinagot pa at binuksan ang Cheetos. Ang tagal ko na rin palang hindi nakakakain ng bawal! Kahit kasi rito ay special ang pagkain ko dahil na rin sa kondisyon ko. Nakakainggit nga sina Lauren at Leslie na puro meat ang kinakain sa buffet.
"Kamusta naman ang retreat para sa'yo?" Biglang tanong ni Lucas. Napaisip naman ako. Maikli lamang ang pananatili namin rito pero kahit na ganoon ay marami akong nakilala at naging kaibigan. Nakakatuwa nga at ang mga inakala kong maarte sa klase namin ay masaya naman palang kasama!
Sumubo muna ako ng isang Cheeto bago sumagot sa kanya. "Masaya! Mabuti na nga lamang at nakasama ako dahil pinirmahan ng nanay ni Joshua ang medical certificate ko." Natatawa kong saad. Isa kasi siya sa mga ayaw akong pasamahin pero dahil matigas ang ulo ko, pumayag na rin siya.
"Mukhang close kayo ni Tita ah." Napalingon ako sa kanya at nakitang nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako saka ngumiti.
"Simula bata ay siya na ang doktor ko. Nakakapagtaka nga lamang at ni isang beses ay hindi ko nakita si Joshua." Tumango si Lucas.
"Magseselos na sana ako kasi akala ko close na kayo ni Joshua pero dahil mukha namang totoo ang sinasabi mo, wala akong dahilan para magselos." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Nakainom ba ang isang 'to?
Kunot-noo ko siyang tinignan pero nakangiti lamang siya sa akin. "Bakit ka naman magseselos?"
"Kasi, gusto ko ako lang ang ka-close mo. Gusto ko, sa akin lang ang atensyon mo. Gusto ko, ako lang ang crush mo."
***
teaser for chapter 79
"Pero huwag kang mag-alala, kapag nakita kita, ke-kwentuhan kita tungkol sa mga kalokohan ng kuya mo. See you soon."***
a/n
continuation ito ng chapter 57 ; )
PS. hanggang chapter 79 ang naisusulat ko and HUHUHUHUHUHU
BINABASA MO ANG
sa ibang mundo
Teen Fiction; imy x jjk » sa ibang mundo siguro sa'kin ka, at tayo'ng pinagtagpo.