S E V E N T Y - N I N E

258 15 5
                                    


day 297

Tinignan ko ang paligid ko bago ako nagsimulang maglakad muli. Ilang araw na rin akong naririto sa hospital at bagot na bagot na ako sa pagpapalagi rito. Hindi pa rin kasi ako pwedeng palabasin dahil mino-monitor pa ang kondisyon ko.


Nakahinga ako nang maluwag dahil nakalabas ako ng ospital nang walang problema. Alam kong sobrang mag-aaalala sina Mama kaya naman nag-iwan ako ng note na babalik din ako.


Saan naman kaya ako pupunta? Si Leslie kasi ay nasa bakasyon kasama ang pamilya niya. Noong una ay ayaw pa niyang sumama dahil babantayan niya raw ako, pero kinumbisi ko siyang kaya ko na naman.


Malapit ang ospital sa subdivision namin kaya naman nakaisip ako nang magandang ideya. Pupunta na lang ako kina Lucas! Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakikita lalo na at hindi ko sinabi sa barkada nila na na-ospital ako. Ayoko silang mag-alala.


Pumara ako ng tricyle at nagpahatid sa address nina Lucas. Mabuti na lamang at nakakupit ako ng pera sa wallet ni Kuya Theo kaya hindi ako mahihirapan sa pagtakas ko ngayon.


Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa bahay nina Lucas. Nagbayad na ako at nagpasalamat sa driver dahil safe akong nakarating. Sakto namang nakita ko si Lucas na nakaupo doon sa garden nila at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.


"Shana! Ang tagal mong hindi nagparamdam!" Bati niya sa akin nang pagbuksan niya ako ng gate. Nag-peace sign lang ako at ginulo naman niya ang buhok ko, saka niya ako pinapasok sa kanila. "Hindi tuloy ako nakapagsabi kay Mama na ipaghanda ka ng pagkain."


"Okay lang, Lucas! Ikaw naman ang pinunta ko rito eh." Kinindatan ko siya. "At saka, hindi rin naman ako magtatagal." Pinaupo niya ako roon sa bench sa may garden nila at sumunod naman ako.


"Teka, jan ka lang ha? Magpapahanda lang ako kay Mama nang makakain." Bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na siya papunta sa loob ng bahay nila at napatawa naman ako. Kahit kailan talaga itong si Lucas!


Tahimik akong naghintay roon. Nakakatuwa nga ang garden nila eh, napakarami ng mga bulaklak. Naaalala ko tuloy ang hardin ni Joshua. Nga pala, kung nalaman siguro ni Joshua na na-ospital ako ay lagot na naman ako!


"Shans, bakit ka ba naparito?" Napalingon ako sa nagsalita at nakitang nakaupo na pala sa tabi ko si Lucas. Nginitian ko lang siya saka tumingin muli sa mga bulaklak.


"Wala, na-miss lang kita." Totoo naman kasi. Sa ilang araw kong pamamalagi sa ospital ay nagsawa na ako sa mga pamilyar na mukhang nakikita ko. Saka kasi, hindi abot ng wi-fi ang kwarto ko!


Ramdam kong inakbayan niya ako at heto na naman ang puso ko, hindi mapakali sa tuwing magkalapit kami.


"Ilang araw kang hindi nag-o-online. May problema ka ba?" Lumingon ako sa gawi niya at nakitang nakatingin siya sa akin. Umiling ako saka ngumiti.


"Inaayos kasi 'yung wi-fi sa bahay namin. Wala naman akong pera para mag-3G so ayon." Kumibit-balikat lang ako at tumango naman siya.

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon